Chapter Thirty- Nine

29 3 0
                                    

*Place*

Her POV

Akala siguro nila ay maiisahan nila ako. Hindi na nila kailangan pa akong balikan sa lugar kung saan tinangka nila akong ikulong. Ang tatanga nila! Mag paplan na lang palpak pa! Hindi ba nila alam na dahil sa kanila ay nag kagasgas ang maganda kong mga binti at hita? Bwiset!

Flashback

Paano na ako makaka alis rito sa pesteng lugar na ito?! Nakakairita na dito! Ilang oras pa lang akong nandito nag sasawa na ako!

Kaya naman kahit may mga bubog at alambreng nakausli ang main gate ng bahay ay sapilitan akong tumalon roon atsaka nakawit ang isa sa mga alambre sa aking binti na naging dahilan ng malalim na sugat nito.

"Aahhhhhh!" Napasigaw na lamang ako sa sobrang sakit.

Nang mangyari iyon ay agad akong tumawag ng taxi at nag papunta hospital. Ayokong mainpeksyon. Ayoko pang mamatay. Mag hihiganti pa ako!

Ako ang papatay at hindi ako mamamatay! Para sa kanya! Ipag hihiganti ko sya!

Agad naman akong pinatawag ng aking private Doctor--- Dr. Sy.

Pinagamot ko sa kanya ang aking mahabang sugat sa binti. Ang sabi nya sa akin ay madali lamang iyong gagaling dahil sa gamot na kanyang nilagay.

Totoo nga! Matapos ang isang oras ay hindi na ito nag dudugo at medyo nakasara na ang aking sugat. Ang problema na lamang ay ang peklat na dulot nito.

Pero ayos na rin ito. Hindi na ako mag aaksaya pa ng oras.

"Salamat po."

"That's my job. No problem."

At iyon na nga umalis na ako sa clinic ni Dr. Sy at nag hanap ng taxi. Alam ko kung saan sila pupunta. Iyon lamang ang naiisip kong maaari nilang puntahan.

Tagaytay.

Matapos ang ilang oras na byahe ay sa wakas at nandi-dito na rin ako sa Tagaytay. Tama naman at mag che-check in na ako sa isang malapit na hotel dito at dito rin kasi nag che-check in ang kapatid ko noon. Kaya naman kumuha na ako ng room. As usual ang room na aking kinukuha ay halos kilala  na nga dito ng lahat ng crew staff. Pati nga may ari ng hotel na ito ay kilala na ako.

"Hi. Good evening, maam." Naka ngiti at masayang bati sa akin ng babae sa front desk.

"Mag che-check in sana ako." Naka ngiti ko ring sabi sa kanya.

"Ay naku po, maam. Hindi ko po alam na mag che-check in ka ngayon. May naka room na po sa room 507."

"Ah, sino?"

"Mr. James Chua po."

"Marami ba sila?"

"Ay opo, maam"

Sinasabi ko na nga ba, kapag sinuswerte ka nga naman. Pati ba naman dito sa hotel? Humanda kayo! Diyan pa kayo sa room ko ah? Tsk. Tignan nyo lang!

"Ah. It's okay. How about the room 506?"

"It's vacant, maam."

"Okay, ayon na lang. Doon na lamang ako."

"Sige po, maam. Eto na po yung key card. Thank you po."

"Thanks."

Ayun lamang at umakyat na ako sa room 506. Iyon ang pinili ko kasi ayung dalawang room na iyon ang mag katabi. Kabilang ding ding ko lang atsaka may sikreto akong butas roon kung saan pwedeng pwede akong lumusot any time.

Nakita ko rin sila sa restaurant sa baba ng hotel kaya naman hindi na ako nag dalawang isip pa na mag check in talaga.

Mismong tadhana na ang gumagawa ng paraan oh. Pipigilan ko pa ba? Hahaha!

Nag ayos ako ng aking mga gamit sa loob ng kwartong iyon at nag handa para mamaya. Ilang saglit pa ay narinig ko na silang pumasok sa kanilang kwarto.

Sinubukan kong makinig sa kanilang mga pinag uusapan. Oh, kita ni nga naman. Nag paplano pala sila. Ang tatanga talaga! Sige, lakasan nyo pa ang inyong mga boses nang sa ganoon ay marinig ko ng maayos! Mga bobo!

End of flashback

The One Who KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon