*Her Anger*
George's POV
Bakit naman kailangang sya ang mamamatay?! Bakit?! Sino ba naman kasing hayup ang gagawa nito?! Sino?! Whaaa! Galit na galit na ako! Hindi ko na kaya! Siya na nga lang ang gumagawa ng paraan upang maligtas kami sa demonyong iyon tapos sya pa?! Mga gago!
"Tama na, George. Kahapon ka pang ganyan." Sabi ni Angelus na magang maga ang mga mata dahil sa pag iyak.
"Nahihirapan kasi akong tanggapin ang lahat ng nangyari. Matagal na kaming mag kaibigan ni Jeremiah. Sya yung pumuprotekta sa atin. Tapos ano? Ganito lang?" Sabi ko sa kanya.
"Alam ko naman iyon eh. Kasi miski sa akin ay nasasaktan ako. Parang nung nakaraan lamang ay nag aaway pa kami ng dahil sa mga walang kwenta bagay tapos ganito? Pag kagising ko. Ganon na lamang sya?"
"Pipilitin kong maging malakas, Angelus. Para sa lahat. Sana ganon rin kayo." Pinilit kong mag pakita ng isang ngiti, pekeng ngiti.
"Tinatatagan ko na ang loob ko, George. Mag mo-move on na ako kagaya ng nangyari noong namatay si Sofia."
"Bagong simula na ito, Angelus."
Ayon lamang ang aming pag uusap at sabay na kaming pumasok sa loob ng hotel at pinuntahan ang front desk.
"Good morning po." Bati sa amin ng babae sa front desk.
Ngunit hindi sya pinansin ni Angelus. Nginitian ko na lamang ang babae.
Marahil na rin siguro sa nangyari kaya hindi sya pinapansin ni Angelus.
Flashback
Tumakbo si Angelus patungong front desk. Sinundan ko sya. Naiwan sa loob ng kwarto sila James, Myka at ang isa pa naming kasama.
"Angelus! Anong binabalak mo?" Sigaw ko sa kanya ngunit hindi nya ako pinapansin.
"Angelus!" Tawag ko sa kanya ngunit hindi nya ako nililingon.
"Saan ka ba pupunta?!" Pasigaw kong tanong ngunit wala pa rin. Hindi nya pa rin ako nililingon.
Wala na akong nagawa at sinundan sya.
Nakarating kami sa front desk.
"Asan yung CCTV operator nyo?!" Lakas loob na tanong ni Angelus sa babaeng nasa front desk.
"Ahm, bakit po?" Medyo kabadong sabi ng babae kay Angelus dahil na rin siguro sa galit na galit talaga si Angelus.
"Saan nga?!" Sigaw ni Angelus.
Natatakot at nakakaawang tinuro ng babae ang pintuan sa kanyang kaliwa at doon biglang pumasok si Angelus.
"Nasaan ang CCTV footage ng room 507?" Medyo kalmadong tanong ni Angelus.
Agad naman na nag hanap ang operator sa computer.
"Maam, sorry po pero wala pong naka tape na CCTV sa room na iyon."
"Wala?! Akala ko ba nakabantay ang buong hotel na ito ng CCTV cameras?! Akala ko ba safe dito?! Akala ko ba safe dito ha?! Akala ko ba! Ngayon, kaya nyo bang ibalik buhay ng kaibigan namin?!"
Dahil sa sinabi nya ay nagulat naman ang operator. Maya maya lamang ay may pumasok na isang lalaki na naka tuxedo.
"Whats happening here? Why are you shouting, Miss?" Mahinahon ngunit may diin ang bawat salita nyang sinasabi.
"Whats happening here huh?! Walang kwenta itong hotel na ito!" Sigaw ni Angelus sa lalaking naka tuxedo.
"What are you talking about? I am the owner of this hotel and this hotel has a 100% security sure."
"100% security sure? Eh wala ngang kwenta CCTV nyo eh!"
"What?!"
"Namatay ang kaibigan ko ng hindi namin alam. Parte ang katawan at walang ni isang record sa CCTV ninyo?! Walang kwenta!"
"What did you say?"
"Kung hindi mo ako naring, pasensya ka! Pagod na kong kausapin ang walang kwentang may ari ng walang kwentang hotel na ito! Pare parehas kayo!"
Galit na umalis kami ni Angelus sa loob nong kwartong iyon.
End of flashback
BINABASA MO ANG
The One Who Kills
HorrorIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...