Chapter Thirty- Three

24 3 0
                                    

*Late Night Plan*

Jeremiah's POV

Alas dose pasado na ng madaling araw ngunit gising na gising pa rin ang aking sistema. Hindi ako makatulog. Nakararamdam ako ng kaba at takot. Hindi ko alam kung saan ba iyon nang gagaling.

Basta ang laman lamang ng aking isipan ay kung ano ba ang mga maaaring gawin na paraan upang maiiwas ang aking mga kaibigan sa isang demonyong babae kagaya nya.

Habang ako ay nag iisip, nakarinig ako ng parang nag lalakad patungo sa aking pintuan. Tila ba nakikinig kung ako ay gising pa. Nais ko sanang buksan ang pintuan ngunit nag dalawang isip ako bigla. Paano na lang kung sya na pala ang tao riyan? Hindi ko pa kinakailangang mamatay. Mayroon pa akong misyon.

Naalala kong bigla na mayroon nga palang butas sa gilid ng aking pinto. Butas na maliit kung saan, makikita mo kung sino ang nasa labas ngunit hindi mo makikita ang butas non sa labas.

Sumilip ako doon at nakita kong wala namang katao-tao.

Baka guni-guni ko lamang iyon.

Bumalik na lamang ako sa aking higaan at muling nag isip ng aking mga posibleng gawin at sabihin.

Mag aala-una na ng madaling araw ngunit gising pa rin ako. Pinipilit kong matulog ngunit hindi ako dinadatnan ng antok. Kahit na ano pa man ang aking gawin. Puma ikot-ikot na ako sa kama ngunit wala pa rin. Nag patugtog ng malungkot. Wala pa rin itong epekto. Bakit ba kasi ako hindi makatulog? Nang sa wakas ay naisipan kong bumaba at tignan kung anong meron sa babang bahagi ng bahay.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto at dahan-dahan na lumabas mula rito.

Bumaba ako ng hagdan na walang nagagawang ingay. Nag taka ako nang may maaninag akong anino ng tao sa kusina. Sino naman kaya iyon? Dahan dahan akong lumapit roon at sinilip kung sino iyon. Nagulat na lamang ako nang makita kung sino ang taong iyon---- si Alex.

Agad naman akong tumakbo ng tahimik sa may likod ng isang malaking banga sa likod ng sofa set. Nag masid lamang ako sa kung ano ang kanyang ginagawa.

Kumuha sya ng isang kutsilyo at inipit iyon sa kanyang suot na pantalon. Kumuha sya ng isang tinidor at gunting. Inipit nya rin ito sa kanyang pantalon.

Matapos kumuha ng mga kagamitan ay umalis na sya roon at umakyat ng muli sa kanyang kwarto.

Ano kaya ang kanyang binabalak? Sino na ba ang kanyang isusunod?

The One Who KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon