Chapter Twenty

37 4 0
                                    

*Control*

Jake's POV

Nandito na kami ngayon sa isang hotel. Napag pasyahan naming dito na lamang muna tumuloy upang kami ay sama sama.

Sama sama naming sosolusyunan kung ano man ang problema dito sa aming lahat.

Teka, kami nga ba ang may problema?

Ayun ang dapat naming malaman o alamin.

Ano nga ba talaga ang problema sa amin ng taong pumapatay?

Ano ba ang nagawa naming kasalanan sa kanya?

Kung meron man, kailan? Saan? Sino? Bakit? Paano?

Hindi namin alam.

Pero kinakailangan pa rin naming mag ingat sa mga gagawin naming kilos.

Hanggat hindi pa namin kilala ang pumapatay hindi pa dapat kami maging komportable sa aming mga nakakasalamuha.

Mahirap ng mag tiwala ng ganoon na lamang.

Pumasok ako ng banyo ngunit laking gulat ko ng biglaang mamatay ang ilaw at biglang na-lock ang pintuan.

Ito ay aking kinalampag ng kinalampag. Ngunit wala pa rin.

Nagsisimula na akong kabahan.

Ito na nga ba ang aking katapusan?

Nagulat na lamang ako ng may marinig akong nabasag sa loob ng banyong aking kinatatayuan. Pag tingin ko ay basag na ang salamin at parang may nararamdaman akong mabibigat na hininga sa aking batok.

Sinubukan ko itong lingunin ngunit hindi ko sya makita.

Nang biglang akong makaramdam ng mainit na likidong gumagapang sa aking katawan.

Nang ito ay aking kapain ay mayroon ng nakabaon na bubog sa aking dib-dib.

Hanggang sa wala na akong maramdaman.

**
3rd Person's POV

Matapos syang lagyan ng bubog sa kanyang dib-dib ng isang babae ay kumuha naman ito ng isang matalim at maliit na kutsilyo mula sa kanyang bulsa.

Inihiga nya ang lalaki sa kama at tinanggalan ito ng saplot.

Doon na nya sinimulan ang pag patay rito.

Gamit ang maliit at matalim na kutsilyo ay ginilitan nya ang leeg nito at hiniwa ang dila itinusok nya rin ang kutsilyo sa mata nito ibinaon ang kutsilyo sa mag kabilang pisngi ng lalaki.

Matapos ay kumuha sya ng isang itak mula sa kanyang dala dalang bag.

Gamit ang itak ay una nyang initak ay ang braso ng lalaki sumunod ay ang mga binti at hita nito. At ang huli nyang initak ay ang ulo at katawan.

Nang mapag hiwalay na ang mga parte ng katawan ng lalaki ay chinop-chop nya naman ang parteng iyon atsaka nya ito isinilid sa isang malaking kulay itim na plastic bag.

Nang maisilid na sa isang plastic bag ay iniwan nya lamang iyon sa ibabaw ng bathtub sa loob ng banyo at binuksan pa nya ito.

The One Who KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon