Mica
"Michaela, 'di ka pa ba babangon d'yan? Mahuhuli ka sa eskwela!" Napadilat agad ako nang marinig ko ang boses ni Yaya Mercy.
Dali-dali akong bumangon at nakita ko siyang nasa may pinto ng kwarto at may hawak na walis tambo. Tumingin ako sa orasan. Six AM ang nakalagay roon. Eight o'clock ang start ng first subject ko pero matagal ako mag-ayos ng sarili kaya kailangan kong gumising ng maaga-aga.
"May pagkain na sa baba. Hala sige't bumangon ka na't kumain na roon."
Bumangon na ako gaya ng sabi niya at bumaba papunta sa kusina. Nakahain na roon ang sinangag at hotdog.
"The best ka talaga Yaya! What will I do without you?" niyakap ko pa siya at hinalikan sa pisngi nang mapadaan siya sa tabi ko.
"Ay sus kang bata ka! Kumain na lamang d'yan! Babalik na ako sa bahay at baka hinahanap na ako ni Pablo." Mang Pablo is Yaya Mercy's beloved husband.
"Owki Yaya! Dahan-dahan sa paglalabing-labing! Ang rayuma tandaan!" pasigaw ko pang pang sabi habang palabas siya ng pinto.
Dito ako ngayon sa apartment na pag-aari namin nakatira. Gusto ko kasi ng bagong adventure sa buhay ko. I got tired of literaly not doing anything everyday.
Hindi agad sumangayon si Kuya Maico sa desisyon kong ito. Nagalit pa nga siya kasi maayos naman daw ang lagay ko dun sa isa niya pang condo unit na pinatuluyan niya sa akin. Ang sabi ko na lang sa kanya na mag-aaral na ulit ako— which is true and this time ay magseseryoso na talaga ako sa pag-aaral. Ibinigay ko pa sa kanya lahat ng cards ko at iniwan lang ang isang ATM card. Ang sabi ko sa kanya ay lagyan niya na lang every month ng panggastos ko.
Ayos naman 'yung mga kapit-bahay namin dito. Hindi naman magulo 'yung lugar. Medyo tahimik dahil probinsya na ito, though malapit pa rin sa kamaynilaan. Sa kabilang bahay ang tinutuluyan ni Yaya Mercy na siyang nagpapatakbo nitong apartment mula nang umalis siya poder namin. Two storey ang pitong magkakadikit na apartment na ito.
Basta ko na lang inilagay sa sink 'yung pinagkainan ko at tumalikod na nang may maalala. Wala na nga palang ibang gagawa ng mga bagay na 'yan para sa akin. Nagmamagandang loob lang si Yaya na ipagluto ako dahil wala akong alam dun. Bumalik ako sa lababo at ako na mismo ang naghugas ng pinggan.
Umakyat na ako sa taas at nag-handa para pumasok.
Fifteen minutes lang ang biyahe papunta ng school. Isang jeep lang ang kailangan kong sakyan para makarating doon. In fairness ha, ang cool lang ng jeep. Though mainit, keri na. Marami ka kasing makikitang kakaiba sa mga kasakay mo. Pangalawang beses ko pa lang nakakasakay ng jeep pero nag-eenjoy ako. Kung anu-ano kasing naiisip ko sa mga pasahero. May masaya at mukhang in-love. May mainit ang ulo at mukhang nireregla. May maluha-luha naman at mukhang kagagaling lang sa break-up. Wala kang makikitang ganyan kung araw-araw kang sakay ng pribadong sasakyan.
Nasa second floor ang room na nakalagay sa schedule ko. Third year BS Business Administration major in Managment ang course ko. 'Yun naman talaga ang dati kong course, ipinagpatuloy ko lang. Second semester na ngayon. Na-credit naman kasi ang mga subjects na kinuha ko sa dati kong pinapasukan.
Sinubukan kong kumuha ng culinary noong nakaraan, kaso ayun, ilang linggo pa lang sumuko na ako. Baka masunog ko pa 'yung school nila pag nagtagal ako dun kaya tinigilan ko na.
Room 204. Nakita ko agad 'yun, pumasok ako at naipaskil ang ngiti sa mga labi ko. Medyo kabado ako pero nawala agad 'yun nang ngumiti sa akin 'yung isang babaeng nadaanan ko. Naghanap ako ng bakanteng pwesto at nakakita naman ako sa may sulok nun. Naupo na ako at ibinaba ang gamit ko.
"Hi!" lumapit sa akin ang isang babae. "Mukhang bago ka rito a? Hindi ka namin classmate last year." tanong niya.
"Uhm..." tumango ako. "Galing akong ibang school." nakangiting sagot ko.
"I'm Claire." iniabot niya 'yung kamay niya at tinanggap ko naman 'yun. "Saang school ka galing?"
Napaisip ako sa tanong niya. Pag sinabi ko kung saan ako galing na school, malalaman niya 'yung katayuan ng pamilya namin. "D'yan lang sa tabi tabi." tumawa pa ako ng bahagya.
"Tabi-tabi? Wow! Saang lugar 'yun? Maganda ba roon?"
Napakunot 'yung noo ko. Naniwala siyang "Tabi tabi " 'yung name ng school ko dati?
Tinawanan nila ako at nakuha kong binibiro lang niya ako. "Di mo pa sinasabi ang pangalan mo." tinaas-taas niya pa 'yung kilay niya.
"Oh, sorry. I'm Mica."
"Welcome dito sa campus. Kung may kailangan ka nandun lang ako." tinuro niya 'yung upuan niya na nasa kabilang bahagi ng room.
Great! Mukhang magiging okay ang stay ko rito. One of the reasons kasi kaya tumigil ako sa pag-aaral ay 'yung mga naging kasama ko sa dati kong school. Most of them were so mean. I was actually one of them but they did something awful that made me quit my studies. One year din akong natigil sa pag-aaral at ayoko nang bumalik doon. I've chosen this University for the reason na walang mayayamang tao na mapangmata akong makikilala dito.
Another reason... there's this guy that catches my attention. And speak of the devil; he just walks in the door— si Mr. Poker.
Umupo siya sa pinakadulong upuan sa likod. 'Yung pinakasulok. Gaya ng kung paano ko siya nakikita nang mga nakaraang linggo, ganun na naman 'yung mukha niya. Emotionless. Pag hinalikan ko kaya yan magiiba hitsura niyan?
Napailing na lang ako sa naisip. Maanong mahinang sampalin ko ang sarili ko.
Una ko siyang nakita sa isang fast food restaurant d'yan sa kabayanan nang dalawin ko si Yaya Mercy noong nakaraang buwan. Wala siyang ibang maupuan at nagkataon naman na wala akong kasama kaya nakiupo siya sa harap ko. Nginitian ko pa siya nun pero tinignan niya lang ako saka nagsimulang kumain. I was like, what the hell? Nakiupo na nga hindi man lang ako ngitian at nagpasalamat.
Pinagmamasdan ko siya habang kumakain. Makapal 'yung kilay niya, matangos 'yung ilong tapos 'yung lips niya ang cute parang ang sarap halikan. Medyo naka pout kasi 'yun kahit nakatikom. 'yung buhok niya naman medyo mahaba 'yung style. At ang mata, brown 'yun at ang sarap titigan.
Iniisip ko nun na may pagaka-suplado lang siya kaya hindi siya ngumiti sa akin. Pero nung nasa labas na kami, nagkaroon ng kaunting aksidente. Muntik nang bumunggo 'yung isang motor sa jeep na nasa unahan. Kaya naman umiwas 'yung motor. Ang kaso, ako naman ang tatamaan niya sa gilid ng kalsada. Pumikit na lang ako nun at nagdasal nang may humila sa akin.
Nang mag-angat ako ng tingin nakita ko 'yung lalaking nakiupo sa table na ino-okupahan ko. Pero ang kakaiba, wala pa ring kahit na anong emosyon akong makita sa mukha niya. Kahit man lang kumunot 'yung noo niya ay hindi. Nagpasalamat ako sa kanya. Tumango lang siya at naglakad na palayo.
Simula noon, madalas ko nang dinadalaw si Yaya. Tambay na ako sa fast food restaurant kung saan lagi din siyang nakatambay. Inalam ko rin ang mga bagay tungkol sa kanya at nalaman ko nga na dito siya nag-aaral. Swerte pang pareho kami ng course kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon at nag-enroll ako dito ngayong semester.
Tinignan ko ulit siya. Nakatingin lang siya sa lahat at nagmamasid. Lapitan ko na kaya? Kaso nakakahiya baka isipin niya may gusto ako sa kanya. Pero... ay bahala na!
Kinuha ko 'yung bag ko at naglakad papunta sa likod. Ibinaba ko 'yun sa upuan sa tabi niya at naupo. Nginitian ko siya pero gaya ng lagi niyang ginagawa, tinignan niya lang ako.
"Hi, I'm Mica." Inilahad ko 'yung kamay niya at tinignan niya lang 'yun.
Dahil nasa gilid ko siya, 'di ko masyadong makita 'yung reaction niya kaya humarap ako sa kanya at ipinilig pa 'yung ulo ko habang sinisilip 'yung mukha niya. Nang tumingin ulit siya sa akin ay ngumiti at inginuso ko pa 'yung kamay ko na nakaharap pa rin sa kanya.
Sa wakas inabot niya na rin 'yun pero 'di niya pa rin sinabi 'yung pangalan niya. Though alam ko na 'yun. Oo alam ko na po, marami akong source at kaya nga ako nandito sa klase niya e.
"Anong name mo?" tanong ko pero wala siyang response. "Ay, shy type?" ngumiti pa ako pero hindi pa rin siya nagsalita.
Pinaningkitan ko siya ng mata ng kuhanin niya 'yung mp3 player niya at nagsalampak ng headsetsa tenga niya. Seriously? Dinedma talaga ako?
![](https://img.wattpad.com/cover/7484631-288-k158210.jpg)
BINABASA MO ANG
My Poker-Faced Guy
Romansa[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang makikita sa mukha ni Xander kundi poker face. Kahit ba may nakakatawa, nakakalungkot, or nakakagalit na...