"I love you Mica."
Hindi ako nakasagot agad. Hindi ko kasi inaaasahang bigla niya na lang sasabihin 'yun. Sasagot na sana akong mahal ko rin siya nang may mapansin ako. Bahagyang umangat ang gilid ng labi niya saka siya tumungo.
Wait, did he just... smile?
Hinawakan ko agad ang magkabilang pisngi niya at iniharap sa akin. Pero wala na 'yung bakas ng ngiti na nakita ko kanina. Nag-iilusyon lang ba akong ngumiti siya? Pero I swear! Nakita ko talagang umangat 'yung sulok ng labi niya!
"What?" tanong ni Xander.
Hindi ako sumagot. Nakatitig pa rin ako sa mukha niya. Baka sakaling biglang magbago 'yung expression niya. Baka sakaling...
"Oh, kahit mukhang baliw ka na, mahal pa rin kita." Nagulat ako nang pa-smack na lang akong halikan ni Xander saka tumalikod. Kumaway pa siya habang naglalakad palayo.
Napangiti na lang ako sa sarili ko.
"I love you too..."
~*~
Kakatapos ko lang magbihis nang bumukas ang pinto sa baba. Lumabas agad ako ng kwarto at tinignan kung sino 'yun. Hindi naman makakapasok kung si Xander 'yun? Sino naman kaya?
May kulay puting tuta na sumalubong sa akin pagkababa ko ng hagdan. Kunot noong tumingin naman ako sa pinto at nandoon si Kuya Maico.
"Come here Betty!" ani Kuya Maico na naka-squat pa habang tinatawag 'yung tuta.
Tumakbo naman agad palapit sa kanya 'yun.
"Anyare? Nag-evolve ang anak mo?" tanong ko. "In fairness ha, ang cute niya," pang-aasar ko pa. Ang sabi niya kasi kukunin niya ang anak niya tapos ang uwi niya ngayon tuta.
Hindi siya tumingin sa akin at binuhat lang ang tuta. Napansin kong may maleta siya sa may pinto.
"Dito muna kami ni Betty. Mga ilang linggo lang."
"Bakit? Wala ka na bang bahay?" tanong ko.
Nagkibit balikat lang siya at umakyat na sa isa pang kwarto ng apartment.
"Seriously, Kuya?" nameywang pa ako habang nakatingin lang sa kanya habang paakyat siya. "Saka anong pangalan ng tuta mo? Betty? Parang Beauty lang a? Sana pinangalanan mo na lang ng Jacky."
Iwinasiwas niya lang ang kamay niya sa akin na parang sinasabing wala siyang pakealam sa mga sinasabi ko.
Hay naku. Alam ko namang masakit pa rin sa kanya ang paghihiwalay nila ni Ate Jacky e. Pero nakairita na rin naman kasing makita siyang nagkakaganyan. Hindi pa naman katapusan ng mundo porket hindi sila nagkatuluyang dalawa. Tss. Hirap magpalaki ng Kuya.
Umakyat ako at kumatok sa pinto niya. Tutal narito na rin naman siya ay samantalahin ko na.
"Kuya! Ikaw magluto ha! Gusto ko ng tinola!"
Hindi siya sumagot pero alam kong magluluto siya. Hindi ako matitis niyan 'no.
Bumalik na lang ako ng kwarto at nagsimlang gumawa ng homeworks. Jeez, ang dami pala nito. Saka... hindi ko maintindihan 'yung iba. Ugh! Pwede pong pahingi muna kahit konting utak ni Kuya? Kahit ngayon lang please?
Nagbukas na lang ako ng facebook sa inis ko. Hindi ko naman kasi talaga masasagutan 'yung pesteng assignment na 'yun. Saka, bakit ba kailangan pang pag-aralan ang calculus na 'yan? Seriously? Paano ko 'yun gagamitin sa pagbili ng groceries? O sa pagsakay ng PUV? Err... oo na hindi na ako magrereklamo.
BINABASA MO ANG
My Poker-Faced Guy
Romance[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang makikita sa mukha ni Xander kundi poker face. Kahit ba may nakakatawa, nakakalungkot, or nakakagalit na...