Nineteen

160K 3.6K 822
                                    

"Tara?" yaya sakin ni Josh pagkabukas ko ng pinto. Papunta kami ngayon sa Music21 para mag-celebrate sa pagkapanalo niya sa Mr. Engineering at isasabay na rin ang celebration ng pagpasa namin sa Feasib at sa prelims.

Sagot ni Claire ang 3/4 ng gastos dahil bukod sa mga nabanggit, celebration na rin 'to ng birthday niya. Si Josh naman daw ang bahala sa 1/4 pang maiiwan na gastos. Tinanong ko nga sila kung ayos lang talaga na dun kami mag-celebrate dahil bukod sa medyo malayo 'yun dito sa tinitirhan namin, mahal ang renta at pagkain dun. Isang oras din siguro ang biyahe bago kami makarating doon pero since Sabado ngayon, baka mapabilis ng konti. Bale sa QC kami pupunta.

Naalala ko kagabi. Hindi ako nakasagot nung tinanong niya ako sa harap ng maraming tao. Ngumiti lang ako nun at nagulat na lang ako dahil niyakap niya ako ng mahigpit. Narinig ko pang naghihiyawan ang mga tao. Iniisip siguro nilang sinagot ko si Josh. Hindi ko rin alam kung ano nga ba ang iniisip ngayon ng huli. Bakit niya nga ba ako niyakap? Ngumiti lang ako nun e. Actually, hindi nga 'yun maayos na ngiti. 'Yun bang awkward na ngiti lang?

Inalalayan ako ni Josh palabas ng gate saka siya na rin ang nagsara nun. Maglalakad lang kami papunta sa may kanto kung saan namin hihintayin sina Claire na may dalang van. 'yun ang gagamitin namin papuntang QC kasama pa ang Papa ni Claire.

"Uhm, Josh?"

"Hmmn?"

"Yung ano... kagabi?" nag-aalangang sabi ko sa kanya. Ano kayang iniisip niya? Iniisip niya kayang kami na ngayon?

Ngumiti siya saglit. "Ano namang tungkol kagabi?" tanong niya.

"Ano kasi... 'yung..."

"'Yung sa stage? I'm really sorry, Mica. I wasn't thinking." Hinawakan niya ang kamay ko. "I know. You're not ready," he said smiling at me. "Makakapahintay naman ako."

Nakahinga ako ng maluwag, literally. Ang akala ko kasi iniisip niyang kami na. Hindi ko na siya na-confront kagabi dahil nag-celebrate pa sila ng mga classmates niya habang ako naman ay isinabay nina Andi, Claire at Gen pauwi. Hindi pa ako naka-tulog ng maayos dahil sa kakaisip. Buti na lang pala hindi naman nag-isip ng iba si Josh.

"Pero alam mo... I was hoping you'd say yes." Malakas ang tawa niya pagksabi nun.

Hinampas ko siya sa braso at hindi namalayan na nasa kanto na pala kami. Na-realize lang namin 'yun nang may bumusina sa gilid. Ayun na siguro ang van nina Claire.

Pito na ang laman ng van pagkapasok namin. Mukhang kami na ang huling daraanan. Nakaupo sa pinakaunang pwesto sina Claire, Andi at Gen. Sa pangalawang line naman e 'yung tatlo naming classmates na medyo ka-close nina Claire, sina Love, Chard at Vanz. Magpinsan 'yung dalawang lalaki habang girlfriend naman ni Chard si Love. Sa sa pangatlong pwesto ang huling choice namin para maupo. Nagulat ako sa kung sino ang nakaupo sa tabi ng bintana. Si Xander. Madilim ang aura niya habang nakadungaw sa bintana. Ewan ko ba, kahit na wala namang nabago sa expression ng mukha niya e mararamdaman mo 'yung kakaiba sa mood niya.

Hindi ko mapag-desisyunan kung saan uupo. May pang-apat na pwesto pa naman e kaso parang nakakahiya naman kay Xander kung hindi ko siya tatabihan. Hindi rin naman pwedeng ibaba ko agad 'yung tinutuping upuan para dun umupo saka paupuin si Josh sa tabi ni Xander pagkuwan 'di ba? Ugh! Bahala na nga! Umupo ako sa tabi ni Xander. Pagkapasok naman ni Josh e ibinaba niya 'yung upuan sa tabi ko at naupo dun.

Walang umiimik sa aming tatlo habang nasa biyahe kami. Habang 'yung anim sa unahan e nagkaka-ingay na. Maya't-maya ang buntong-hininga ko dahil sa katahimikan naming tatlo.

"Okay ka lang?" nagulat ako nang tanungin ako bigla ni Xander.

Busy kasi si Josh sa paglalaro sa cellphone niya kaya siguro hindi niya napapansin ang pagbubuntong-hininga ko. Tumingin ako kay Xander saka tumango. Ang mas ikinagulat ko ay nung salatin niya ang noo ko, para sigro i-check kung may sakit ako. Napatulala ako sa kanya. Inalis niya rin agad ang kamay niya nang matantong wala naman akong sakit saka umiwas na ng tingin.

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon