Seven

164K 2.8K 252
                                    

"Uhm, Mica... ano kasi..." nagkamot pa siya ng ulo, "pwede bang manligaw?"

Literal na napatulala ako sa sinabi ni Josh. Ano raw? Manligaw? Anak ng teteng naman o! Ni hindi ko napansin na may gusto siya sa akin tapos biglang ganito?

"Okay lang kung ayaw mo," aniya sabay tayo. Kita 'yung disappointment sa mukha niya.

"Uhm, hindi naman sa ganun. Err... nagulat lang kasi ako."

Nahihiyang ngumiti siya saka umupo ulit. Hindi pa siya mapakali. Nandoong pagkiskisin niya 'yung mga kamay niya, kamutin 'yung batok niya, bubuga siya ng hangin sabay pagtapik-tapik sa hita niya at... natatawa na ako sa kanya!

Hindi naman siguro masama kung pagbibigyan ko siyang manligaw 'di ba? Besides, I like him. Gwapo naman, mabait at lagi pa akong dinadalhan ng... wait, ugh! Ganun na ba ako kamanhid? Bakit hindi ko napansin na lagi niya akong binibigyan ng atensyon? Tapos dinadalhan niya ako ng meryenda? Pati ba naman sa ganitong bagay umaatake na ang pagiging slowpoke ko?

I've been in this world for nineteen years. Nagkaroon na rin ako ng... ilang na nga ba? Pitong boyfriend? Well, 'di na kailangang bilangin dahil 'di naman na mahalaga 'yun at isa lang din naman ang sineryoso ko. Pero bakit hindi ko man lang napansin na nagkakagusto na sa akin 'tong si Josh?

"Sige, pumapayag ako," maya-maya'y sabi na na ikinangiti niya ng malapad.

"Talaga?" lumapit pa siya sa akin at hinawakan 'yung dalawang kamay ko. "Salamat! Salamat!"

"E? 'Di pa kaya kita sinasagot," nakangusong sabi ko.

"Yeah, pero at least pinayagan mo akong manligaw. Masaya na ako."


~*~


"Bakit parang hindi ka mapakali?" tanong sa akin ni Josh.

Magkasabay kaming pumasok ngayon. Actually, nagsabi siya na araw-araw na niya akong sasabayan sa pagpasok at kung posible, pati sa pag-uwi. Ngayon nga ay mas maaga ng one hour ang klase ko kaysa sa kanya pero ayos lang daw. Basta maihatid niya ako sa school.

"Kinakabahan kasi ako e," sabi ko sabay buga ng hangin.

"Para saan naman?"

"Ngayon kasi ang proposal namin ng feasib."

"Ah, sus! Kayang-kaya mo 'yun! 'Wag ka nang kabahan d'yan."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Kunsabagay, kinabisa ko pa lahat ng laman ng proposals namin ni Xander kaya hindi ako dapat na kabahan. Buti na lang talaga kabisote ako! Walang kaproble-problema!

"Thanks! Nabawasan 'yung kaba ko."

"Wala 'yun, basta ikaw."

"Sige, pasok na 'ko. Ingat ka," sabi ko nang mapansin na nasa tapat na kami ng classroom.

"Okay, sabay tayo mamaya? Text ka na lang pag uwian mo na ha?" aniya pa saka umalis at hindi na hinintay ang sagot ko.

Dire-diretso akong naupo sa pwesto ko at napansin kong naroon na si Xander. Akalain mo 'yun? Naunahan ako. Usually nauuna ako sa kanya e.

"Aga natin a! Naunahan mo pa ako," untag ko sa kanya hindi pa man ako nakakaupo.

"Hindi kasi ako nakikipaglandian habang papasok kaya mas mabilis akong makarating ng classroom," aniya habang hindi tumitingin sa akin at binabasa 'yung librong hawak niya.

Automatic na kumunot ang noo ko. Nakikipaglandian? Ako ba tinutukoy niya? Wow ha! Pakikipaglandian na ba ang maitatawag sa pagsabay sa manliligaw mo? If I know nagseselos lang 'to. Teka nga, wag mong sabihin na may gusto siya sa akin?

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon