Sinalubong agad kami nina Andi, Claire at Gen nang makarating kami sa open field kung saan gaganapin ang program. Sa normal na pagkakataon, dito ginaganap ang mga team buildings. Sa ngayon, dito ang ball namin.
Naramdaman ko na lang 'yung mahinang paghila ni Andi sa buhok ko.
"Nakaka-inis! Bakit ang pretty mo?" ungot niya.
Nagtawanan lang kami. Ako, napatitig sa suot niya. Naka-tuxedo siya at ayos na ayos 'yung buhok. Nagmukha siyang lalaki kung hindi lang siya kikilos at magsasalita. Major turn-off pag nakita mo 'yung pilantik ng kamay niya at 'yung kaartehan ng boses niya.
Hindi ko napigilang matawa sa kanya. Tinignan niya naman ako ng masama saka tumingin din sa suot niya.
"Sige, tawa pa. Hahalikan—" Nanalalaki ang mga mata naming napatingin sa kanya. Teka, sasabihin niya bang hahalikan niya ako? Pero hindi siya sa'kin nakatingin kundi kay Xander. Parang gusto niya pang kainin ng buo ang prinsipe ko. "—ko si Xander, sige ka!" aniya.
"Subukan mo, ingungudngod ko 'yang nguso mo!" biro ko.
"Ay, possessive talaga!"
Isa-isa na kaming naglakad sa red carpet. 'Yung iba may ka-partner, 'yung iba, solo lang. Pwede naman e. 'Yung tatlo, isa-isa ang ginawa. Syempre kami ni Xander, partners.
Nagtilian ang mga babae nang si Andi ang naglakad. Umarte pa kasi siyang lalaki. Sa hitsura niya naman kasi, hindi mo talaga iisiping pusong babae siya kung hindi pa niya ipapahalata. Gwapo pa, pwedeng ihanay sa mga heartrob.
"Pakasalan mo 'ko Andi! Alabyuu!" sigaw ni Riza. Nandidiring tinignan siya ni Andi saka maarteng sumigaw. "Kadiri ka! 'Wag kang lalapit sakin, hahambalusin kita!" sabi ni Andi at inambaan pa ang natatawang si Riza. Ang iba nakitawa na rin.
"Baka kayo ang magkatuluyan niyan ha!" sigaw naman ni Claire.
"Isa ka pa! 'Wag kang mag-umpisa, aagawin ko talaga ang Josh mo!"
Dahil sa mga pinaggagagawa ni Andi, napatagal siya sa aisle. Though wala namang nag-reklamo dahil natutuwa ang lahat sa kanya.
Nang kami na ang naglalakad ni Xander, napansin kong nakatingin silang lahat sa amin. Kunsabagay, lahat naman tinitignan. 'Yun nga lang nagbubulungan pa sila. Nang mapatingin ako kay Xander, doon ko lang napansin na nakatitig pala siya sa akin habang nakangiti.
"Baka matunaw ako ha," pasimpleng sabi ko saka umiwas ng tingin. Napansin ko namang umiba siya ng tingin pero ibinalik din sa akin.
"Sorry na, hindi ko lang mapigilang titigan ka."
Siniko ko siya nang mahina. Nang makarating kami sa harap, nag-pose kami para sa picture.
Sa isang mesa kami naka-pwestong magkakaibigan. May ilan lang kaming kaklase na kasama dahil sampuan ang bawat mesa. Maraming inihandang pakulo ang organizers. Nagpa-games sila, nagpa-intermission number at namili pa ng star of the night.
Bale apat ang kinuha nila. Queen of the night, King of the night at Royalty couple. And guess what, kami ni Xander ang nanalong Royalty couple.
Buong gabing hindi umalis sa tabi ko si Xander. Kahit saan ako magpunta kasama ko siya. Kahit tipong magsi-CR lang ako sumasama siya at hinihintay ako sa labas.
"Baka magkapalit na tayo ng mukha ha," sabi ko habang sumasayaw kami sa hindi ko na mabilang na pagkakataon.
"Ayaw mo nun? Advantage nga 'yun sayo e," aniya.
Hinampas ko siya sa braso saka ngumiti. "Ang lakas din talaga ng hangin mo e 'no?" Pagkasabi ko nun, niyakap ko siya ng mahigpit. Kahit nasa gitna kami ng dance floor, walang kumikilos sa amin. Magkayakap lang kami sa gitna.
BINABASA MO ANG
My Poker-Faced Guy
Romance[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang makikita sa mukha ni Xander kundi poker face. Kahit ba may nakakatawa, nakakalungkot, or nakakagalit na...