"Paabot nga nun, Mica," si Xander habang nakaturo sa pintura na kulay black. Tumayo naman ako at kinuha 'yung lata ng pintura.
Pinaghahandaan namin ngayon ang horror house ng buong year namin para bukas. Halloween party na kasi at dahil ang homeroom adviser namin ang in-charge, kami ang pinahihirapan niya ngayon para sa decorations. Late na nga ang Halloween party na ito dahil nasa kalagitnaan na ng November.
Gumagawa 'yung iba ng mga maskara at 'yung iba naman, naglalagay ng mga sapot. Ako heto, nanonood kay Xander habang gumagawa siya ng kabaong gawa sa karton. At in fairness, napaka-artistic niya pala! Oh my God nasa kanya na talaga ang lahat! Naisip ko tuloy, ano pa kayang kaya niyang gawin? Magaling kaya siya kumanta? Sumayaw? Mag basketball? Football kaya? O baka naman—
Napapitlag ako nang may pumitik sa harap ko.
"Sabi ko pakiabot 'yung glue gun. Nangangawit na ako." Si Xander pala 'yun. 'di ko namalayan na nakatulala na ako. Aissh! Kasi naman 'tong asungot na 'to naglakad-lakad pa sa utak ko!
Kinuha ko agad 'yung glue gun at iniabot sa kanya.
"Break muna guys!" sabi ng president ng klase namin. Break daw wala naman dalang pagkain. Ahayys! Para saan ba 'tong hirap namin— este nila pala dito? Wala naman atang dagdag na grade pag natapos namin 'tong horror house na 'to e.
Tumayo agad si Xander pagkarinig nun at naglakad palayo. Tignan mo 'yun, 'di man lang ako inalok na sumama sa kanya sa pagkain. Hmmp! Napaka talaga!
"Oy, tara na Mica!" si Claire.
"Okay!"
~*~
"Kumusta 'yung Farm niyo?" si Andi sabay tawa.
Two weeks na nga pala ang nakalipas simula noong mapili ng panel 'yung Frog Farm para sa Feasibility study namin. So far,hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos ni Xander kasi naging busy kami sa ibang subjects nitong mga nakaraang araw. Pati extra-curricular activities nakisali pa. Tulad na lang nitong paggawa namin ng horror booth, ubos oras.
"Natahimik o! Siguro binibilang na niyan kung ilang palaka na 'yung nasa farm nila," si Claire naman. Narinig ko ring impit na tumawa si Gen.
Narito kami sa cafeteria katabi ko si Claire tapos nasa harap ko si Andi at katabi niya si Gen. Though hindi kami nagpapansinan ni Gen, okay lang naman na nagkakasama kami sa pagkain kasi hindi naman kami nagkakainitan so far. Pero baka malapit na. Nakakainis kaya siya! Parang ang laki ng galit niya sa akin. Sus! Nagagawa nga naman ng pag-ibig oo! Si Xander lang naman kasi ang malamang na dahilan niya!
"Ang hard niyo sa Frog Farm namin! Oy! FYI, maipapasa namin 'yun 'no! Ang talino kaya ni Xander! Siguradong kayang-kaya niyang... I mean naming panindigan yun!" narinig ko pa 'yung sarcastikong pag 'tsss' ni Gen pero 'di ko na lang pinansin. "Sinasabi ko sa inyo ipapanalo pa namin yan sa Student Research! Huh! Pag nangyari 'yun, hu u kayo sakin!" tinuro ko pa sila isa-isa.
Nagtawanan naman sila. Kay Andi ko lang natutunan 'yung 'hu u ka sakin' na 'yun. Usong-uso sa kanya e.
"Mica!" napatingin kami sa direksyon nung tumawag sa maganda kong pangalan.
"Ehem!" eksaheradang sigaw ni Andi. Lumapit kasi sa akin si Josh at may dalang isang box na toblerone.
Nakangiti lang akong tinanggap 'yun at hindi pinansin si Andi. Mainggit siya 'no! May manliligaw akong gwapo, mabait at galante! Nasabi ko na bang araw-araw iba ang binibigay niya sa akin? Mukhang hindi pa. Kahapon ang bigay niya sa akin ay tatlong donut. Noong nakaraang araw pa ang bigay niya naman ay ice cream. Basta iba-iba kada araw. Hindi ko na matandaan kung anu-ano kasi dalawang linggo na rin naman niyang ginagawa 'yun.
BINABASA MO ANG
My Poker-Faced Guy
Romance[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang makikita sa mukha ni Xander kundi poker face. Kahit ba may nakakatawa, nakakalungkot, or nakakagalit na...