Forty Four

98K 1.9K 109
                                    

May liwanag na nang magising ako. Nakahiga ako sa sofa at nakaunan ang ulo ko sa mga hita ni Xander. Siya naman, tulog pa rin habang nakasandal ang ulo sa sofa. I feel blessed to have a guy like him. Hindi lahat ng tao pinapalad na makakilala ng katulad niya.

"Xander..." Tawag ko sa pangalan niya habang marahan siyang tinatapik.

Umungol lang siya sandali at hindi dumilat.

"Uy, Xander. Gising ka na. Doon ka na matulog sa guest room," sabi ko.

Kumunot pa 'yung noo niya saka unti-unting nagmulat ng mata. Ilang sandali pa siyang nakatitig sa akin saka dahan-dahang tumingin sa wrist watch niya. Alas-sais na ng umaga. Siguradong hindi siya nakatulog ng maayos dahil sa pwesto niya.

"Tumayo ka na. Lipat ka na sa guest room," sabi ko ulit.

"E ikaw?" tanong niya.

"Aakyat muna ako sa kwarto para magbihis."

"Dito na lang ako. Aalis na rin naman ako mayamaya," aniya.

Tinignan ko siya sa nagtatanong na mga mata. Ang akala ko hindi na siya papasok ngayon?

"Nag-text si Papa kanina, kailangan kong dalhin si Mama sa ospital para magpatingin. Hindi kasi pwede si Papa dahil may inaasikaso sa Cebu. Si Ate naman, hindi 'yun sasama. Ayoko namang pabayaan na lang si Mama na mag-isa," mahabang paliwanag ni Xander.

Tumango ako bilang pag-unawa. Kahit naman sino uunahin ang Mama niya. Kahit siguro ako.

"Okay sige. Magbibihis na lang muna ako. Tapos pagkababa ko, kumain na tayo ng almusal para hindi ka naman magutom sa biyahe," sabi ko saka umakyat para magbihis.

Mabilisan lang ang ginawa kong pagbibihis at bumaba na rin agad ako. Nakapikit si Xander pagkarating ko roon. Hay, sana pala nagising ako kaninang madaling araw para naman nakatulog siya ng maayos.

Tumabi ako sa kanya sa upuan at maraang humalik sa pisngi niya.

"Thank you, Xander."

Ilang sandali ko siyang tinitigan saka ko narinig ang boses ni Mama.

"O, gising na pala kayo. Tayo nang mag-almusal."

Nag-init bigla ang pisngi ko. Nakita kaya ni Mama 'yung ginawa ko? Geez! Nakakahiya!

Kumunot ang noo ni Mama nang makababa ng hagdan. "Tulog pa pala yang boyfriend mo. Teka, d'yan mo ba siya pinatulog?" tanong ni Mama.

"Uhm..." Pinaliwanag ko kay Mama kung anong nangyari at tumango naman siya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero tumingin siya kay Xander saka ngumiti.

"Hala, sige. Gisingin mo na siya nang makapag-almusal na."

Naka-ilang tapik din ako kay Xander saka siya nagising ulit.

Nagpaalam agad si Xander pagkatapos naming mag-almusal. Ako na ang nagpaliwanag kina Mama at Kuya Maico kung bakit kailangan niya na agad na umalis.

"Babalik ako mamayang gabi," aniya nang ihatid ko siya sa sakayan.

"Ano ka ba, hindi mo kailangang magmadali. Ayos lang ako. Kahit na bukas ka na pumunta. Gumaang naman na ang loob ko dahil narito ka kagabi," sabi ko. "Magpahinga ka na lang muna."

Ngumiti siya saka humalik sa noo ko. "Osige, bukas ng umaga nandito na ako. Ite-text na lang kita pag nakauwi na ako."

"Okay, ingat ka," sabi ko.


Xander

Dalawang oras din ang ginugol ko sa biyahe pauwi. Pero ayos lang, at least nakatulog ako sa biyahe.

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon