Almost two months have passed. Hindi ko na namalayan. Two weeks from now, pasukan na at isang linggo na lang ako sa Power-pop Curls. Naka-enroll na rin ako noong nakaraang araw.
Sa mga linggong dumaan, naging matyaga si Xander sa panliligaw. Nakakatuwa nga siya dahil mas naging sweet pa siya ngayon kesa noong kami noon. At kung minsan gusto ko na siyang sagutin pero hindi ko alam kung paano. Hinihintay ko rin kasing siya ang magtanong.
"Day-off mo bukas 'di ba?" tanong ni Xander. Nandito siya ngayon sa store kahit na day-off niya para lag sabayan akong kumain.
"Oo, bakit?"
"Pupunta ako sa inyo pagkatapos ng trabaho ko. 'Wag ka munang matutulog," aniya.
"Okay. Pero 'di ba sabi mo 'di ka muna papasok sa bahay hangga't hindi kita sinasagot?"
Ngumiti siya ng bahagya. "Yup."
"Edi sa kalsada tayo tatambay? Ganun?"
"Magdadala ako ng DVDs. Bumalik ka na sa labas. Tapos na ang break time mo," aniya.
Bigla akong na-excite sa kinabukasan. Kung manonood kami, ibig sabihin, papasok siya sa loob. Kung papasok siya sa loob, ibig sabihin...
"Parang sigurado kang sasagutin kita a?" sabi ko.
Pinagtaasan niya lang ako ng mga kilay niya saka nagligpit ng kinainan namin. Nang hindi pa ako kumikilos, sumenyas siya na bumalik na ako sa labas. Hindi na ako nag-protesta at lumabas na lang.
Pagkaharap ko sa counter, mabilis na napa-simangot ako. Tulad ng ilang araw na nakaraan, naroon na naman siya. 'yung bruhildang si Gen. Ewan ko ba d'yan kung bakit laging nandito. Desperada na ata.
"Ayan na naman 'yung manliligaw mo," sabi ko kay Xander nang lumapit siya sa akin. Hindi ako tumitingin sa kanya, nakatingin lang ako sa may pinto.
"Manliligaw? Sino?"
"'Wag ka ngang magkunwaring hindi mo napapansin," sabi ko.
Pinisil niya 'yung pisngi ko saka nagsalita. "'Wag mo na lang pansinin yang si Gen. May hinihingi lang na tulong 'yan sakin. Hindi ko naman ma-oo-han e." Tumingin siya sa iba naming kasama. "Una na ako, guys. Babalik na lang ako mamayang gabi para sunduin 'to," aniya sabay turo sa akin.
Umulan na naman ng kantyaw sa sinabing 'yun ni Xander. Simula nang malaman nilang nanliligaw si Xander sa akin araw-araw na kaming nakakarinig ng kantyaw sa kanila.
"Paano niya kaya nagagawa 'yun?" narinig kong sabi ni Mia sa likod ko.
"Huh? Ang alin?" tanong ni Olga.
"Nakakakilig siya kahit ganun siya. Parang tuod."
Natawa ako ng wala sa oras. May point nga naman siya. Hanggang ngayon kasi sa harap ko lang ngumingiti 'yung si Xander at tumatawa. Nang tanungin ko siya kung bakit ganun ang sabi niya nasanay na lang talaga siya kaya hinayaan ko na.
Napataas ang kilay ko nang mapatingin ako kay Gen. Mabilis na nakalabas na kasi siya ng store at sumunod kay Xander.
~*~
"Ang tahimik mo?" tanong ni Xander nang pauwi na kami.
Nagkibit lang ako ng balikat. Iniisip ko kasi na sagutin na siya ngayon. 'Yun 'yung kanina pang gumugulo sa isip ko simula nang umalis siya after lunch.
"Ayos ka lang ba?" sinipat niya pa 'yung noo ko.
"Okay lang ako."
Tumigil siya sa paglalakad saka humarap sa akin. "Kung tungkol 'to kay Geney—"
BINABASA MO ANG
My Poker-Faced Guy
Romance[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang makikita sa mukha ni Xander kundi poker face. Kahit ba may nakakatawa, nakakalungkot, or nakakagalit na...