Ten

154K 2.6K 139
                                    

"Four," bilang ko kasabay sa pagpindot ng doorbell.

Nandito ako ngayon sa condo unit ni Kuya Maico. May duplicate key naman ako kaso kabilin-bilinan niya na 'wag kong gagamitin basta-basta. Kailangan kong mag-door bell ng limang beses at 'pag wala pa ring sumasagot, pwede ko nang gamitin 'yung susi.

Huminga pa ako ng malalim saka pinindot ulit 'yung doorbell. "Five," pabulong na sabi ko pa. Naghintay pa ako ng fifteen seconds dahil baka bigla na lang may magbukas o kaya naman ay sumigaw mula sa loob. Ganun kasi si Kuya dati. Bigla na alng sisigaw ng "Busy kami! Bumalik ka na lang mamaya!". Well, that was months ago. Nung sila pa ni Ate Jacky.

Kinuha ko na sa bag ko 'yung susi. Mukhang wala siya rito. O baka naman tulog. Hanggang ngayon kasi nagmumukmok pa rin siya. Minsan na lang siya magtino. Ipinasok ko agad ang susi at binuksan ang pinto pagkakuha nun sa bag.

"Kuya!" napatakbo ako nang makita ko si Kuya na nakahandusay sa sala. "Gumising ka Kuya!" inalog-alog ko siya pero hindi siya umiimik. Agad ko siyang itinihaya at pinakinggan kung may heartbeat pa siya. Nakahinga naman agad ako ng maluwang nang marinig kong tumitibok pa 'yun. Tinapik-tapik ko 'yung pisngi niya at maya-maya ay umungol siya.

"Pasaway ka talaga Kuya."

Hinila ko siya patayo para madala sa kwarto niya. Ugh! Ang bigat-bigat! Pero hindi ko naman matitiis na iwanan na lang siya dito sa sahig. Ilang beses din kaming muntikan nang matumba bago ko siya matagumpay na nadala sa kwarto niya. Peste. Pinahirapan pa ako nitong kapatid kong 'to.

Amoy na amoy ko 'yung alak sa kanya. Naka-ilang bote na naman kaya 'to?

"Jacky..." narinig kong ungol niya habang papasok ako sa banyo para kumuha ng bimpo at tubig. Napatingin ako sa kanya at nakita ko pa 'yung pagtulo ng luha niya.

Naaawa ako kay Kuya. Kitang-kita naman kasi kung gaano niya kamahal si Ate Jacky. Pero wala na kaming magagawa. Hindi ko naman kasi masisisi ang huli e, kahit ako siguro ganun din ang gagawin ko. Baka nga mas malala pa.

Pinunasan ko agad ng basang bimpo 'yung mukha ni Kuya at pinalitan siya ng pang-itaas. Magiging okay na siguro siya niyan. Bibili na lang din ako ng soup sa labas para pag gising niya may makakain siya.


~*~


"Hello," ngiting-ngiti ako kay Kuya nang makita ko siyang lumabas ng kwarto. Humahangos pa siya na parang may hinahanap.

Hinintaytay ko siyang magising. Nanood na lang muna ako ng TV para malibang. Inabot din ako ng apat na oras dito.

"Ikaw lang pala." Dumirederetso siya sa kusina pagkasabi.

E? Sino pa ba? Parang disappointed pa siyang ako ang nakita niya paglabas. Tss. Kita mo 'yung nilalang na 'yun, 'di man lang magpasalamat sa pinaka pretty niyang kapatid. Nahirapan kaya akong dalhin siya sa kwarto niya!

Sumunod ako sa kanya sa kusina at nadatnan ko siyang nakaharap sa microwave. Pinapainit niya siguro 'yung soup na binili ko. Kumuha ako ng ponkan sa gitna ng mesa saka 'yun binuksan.

"Ikaw nagpalit ng damit ko?" mahinang tanong niya.

"Yeah, why?"

"Wala."

I rolled my eyes. "At sino pa ba ang magpapalit niyan? 'Wag mong sabihin na inaasahan mong babalik si Jacky at bigla na lang aalagaan ka? Wake up, Kuya! She's not coming back!"

"I know okay?!" mahina pero mariin niyang sabi. "Hindi naman masamang umasa 'di ba?" his voice cracked.

Pinagsisisihan ko agad 'yung sinabi ko. He's still hurting and I'm so insensitive to even thought of it.

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon