Mabilis lang lumipas ang maghapon. Ni hindi ko na napansing alas-nwebe na pala. Meaning, uwian na. Ito ang isa sa mahirap sa trabaho namin. Masyadong mahaba ang oras. Pero okay na rin kasi enjoy naman. Saka mahaba ang break kapag hapon.
Nag-aayos na kami ng mga gamit nang marinig ko si Mia na kausap si Xander.
"Ang cute naman ng kwintas mo, parang ikaw," nakangiting sabi ni Mia.
Napataas ng konti ang kilay ko. Para kasing double meaning ang sinabi niya. Parang si Xander 'yung kwintas at ang cute niya. Hindi ko napigilang mapatigin sa gawi nila.
"Salamat. Galing 'to sa babaeng mahal ko," simpleng sabi ni Xander at nagpatuloy lang sa pagma-mop ng sahig.
Hindi ko mapigilang mapangiti ng malapad sa sinabi ni Xander. Alam ko kung anong kwintas 'yung suot niya. 'Yung bigay kong mumurahin na may pendant na poker face. Kahit kailan hindi ko pa nakitang hinubad niya 'yun.
Mukhang nagulat naman si Mia sa sinabi ni Xander pero ipinagsawalang-bahala na lang. Nagkibit-balikat siya saka lumapit sa amin. Nakatingin siya sa kawalan saka wala sa sariling nagtanong.
"Ano kayang feeling na maging girlfriend ni Xander?" mahinang tanong niya na para lang sa pandinig namin ni Olga.
"Hindi mo malalaman kung hindi mo sususbukan," makahulugang sabi ni Olga.
"May babaeng mahal na raw. Hindi mo ba narinig?"
Wala sa sarili namang napasalita ako. "Anong feeling? Masarap, masaya, parang ituturing ka niyang prinsesa. Though may times na nakakainis siya to the point na aayaw ka na, maiisip mo pa rin kung gaano siya kahalaga dahil gagawa at gagawa siya ng paraan para makabawi sayo."
Sabay na napatigin sa akin ang dalawa. Nanlalaki pa 'yung mga mata ni Mia.
"Naging girlfriend ka niya?" sabay na sigaw nung dalawa. Napatingin din 'yung iba naming kasama.
Hindi ko naman alam ang isasagot ko. Napatingin ako kay Xander na nakatitig ngayon sa akin. May kaunting kunot sa noo niya na nawala rin naman agad.
"H-hindi 'no!" pagkakaila ko. "Naisip ko lang na ganun siguro 'yung feeling." Napagiwi ako saka tumungo. Ano bang sinabi ko? Bakit ba ako nagkaila?
Ngumiti ng nakaka-asar si Olga. "Ayiie! Sabi ko na nga ba e. Type mo rin si Xander ano?" aniya.
Naramdaman ko 'yung pag-iinit ng pisngi ko. Sa pagkakataong 'yun, hindi na ako nag-deny. "Sino ba naman kasing hindi?" sabi ko.
Umulan ng pang-aasar sa pagitan naming tatlo. Sinusundot pa ni Olga 'yung tagiliran ko kaya hindi ko mapigilang mapatawa nang husto.
"Tama na nga!" tumatawang sabi ko.
Napatigil lang kaming lahat nang dumating is Ma'am Irish. Siya ang may-ari ng store na 'to at ang nag-hire sa akin. Nakangiting lumapit siya sa amin.
"Mukhang nagkakasundo kayo a?" aniya. "Mabuti naman at mukhang masaya ka rito Mica. Pati na rin ikaw Xander," aniya pa saka bumaling kay Xander. Tumango lang 'yung huli.
"Mabilis pong matuto si Mica. Kahit bukas pwede na 'tong sumalang mag-isa," sabi ni Olga.
Ngumiti nang malapad si Ma'am Irish. "O? I thought so. Alam kong maaasahan kita kaya naman hindi ako nagdalawang isip na kunin ka. Anyway, dumaan lang ako para tignan ang lagay niyo. Mukhang maayos naman kayo." Tumingin siya kay Lance. "Lance, magluto ka ng pizza. Kumukha na rin kayo ng tig-iisang ice cream d'yan. Pa-welcome natin sa mga bago. Sige, mauna na ako sa inyo."
Hindi magkamayaw sa saya ang lahat. Kahit ako na-excite. Pumunta agad sa kitchen si Lance at kumuha ng pinakamalaking dough. Si Olga naman, tinanong kami isa-isa kung anong flavor ang gusto namin.
BINABASA MO ANG
My Poker-Faced Guy
Romance[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang makikita sa mukha ni Xander kundi poker face. Kahit ba may nakakatawa, nakakalungkot, or nakakagalit na...