"Mica!" tawag sa akin ni Claire. Inginuso niya ang isang sulok ng hall kung saan kami gumraduate.
Ilang linggo na rin ang lumipas simula nang sabihin ni Xander ang pag-alis niya ng bansa. Noong una, akala ko nagbibiro lang siya. Pero sa bandang huli, nalaman kong seryoso siya. Ngayon, kakatapos lang ng graduation namin pero hindi ko pa rin siya kinikibo. Kahit na ilang beses na nagtangka siyang kausapin ako, hindi ko pa rin siya kinausap. Ang gusto ko kasi, magbago ang isip niya at hindi na lang umalis.
Nakita kong nakatayo si Xander sa lugar na ininguso ni Claire. Nakatitig siya sa akin at naghihintay nalumapit ako.
Mapag-asang lumapit ako sa kanya. Baka sakaling nagbago na ang isip niya at hindi niya na ako iiwan.
Pilit na ngumiti siya nang makarating ako sa harap niya. Walang nagsasalita sa amin. Hinihintay ko lang na sabihin niya ang mga bagay na gusto kong marinig.
"Mica..." tawag niya sa pangalan ko nang yumuko ako.
Ini-angat ko agad ang tingin ko sa kanya at tinignan siya sa mga mata.
"Bukas na ang alis ko. Hahayaan mo bang magkalayo tayo ng ganito?" aniya.
Kumunot agad ang noo ko. Hindi pa pala nagbabago ang isip niya. Desidido pa rin siyang umalis.
Sabi niya, nakakuha siya ng scholarship sa London para sa Master's degree kaya siya pupunta roon. Ang sa akin naman, hindi na kailangan 'yun. Nakatapos naman na siya ng pag-aaral. Isa pa, akala ko mas makakasama ko na siya ngayong nakatapos na kami, mas malala pa pala.
"Mica..." tawag niya ulit sa akin.
Naiiyak na umiling ako. Ayokong malayo sa kanya. Natatakot akong mawala siya sa akin kapag nalayo siya.
Hindi ako nagsalita. Wala sa sariling inalis ko ang singsing na ibinigay niya. Kinuha ko ang kamay niya at inilagay 'yun doon. Kasabay ng pagtulo ng luha ko, tumalikod ako at naglakad palayo sa kanya.
~*~
"You're being selfish."
Hindi ako lumingon kahit na nakapasok na sa kwarto si Kuya Maico. Nakaupo ako sa sahig at nakasandal sa gilid ng kama ko. Mula nang makauwi ay hindi na ako tumigil sa pag-iyak. Naging padalos-dalos ako nang ibalik ko kay Xander ang singsing na 'yun. Ewan ko ba. Parang may sariling isip ang mga kamay ko at basta na lang 'yun ibinigay.
"I don't want him to go," sabi ko kasabay ng paghikbi.
"Pero 'yun mismo ang ginagawa mo. Inilalayo mo siya sa'yo. Mica, isipin mo naman rin sana ang gusto ni Xander. Ayaw niya rin namang mapalayo sayo pero kinabukasan niya ang nakasalalay dito. Kinabukasan niyo. 'Wag mong hayaan na magaya ka sa akin. Masakit, Mica. Mahirap. At least, ikaw, malayo man kayo sa isa't-isa, alam mong may hihintayin ka. e ako? Wala. Pero dahil d'yan sa katigasan ng ulo mo, maaaring matulad ka sa akin."
"Pero, Kuya... bakit ba kasi kailangan niya pang umalis? Hindi ba pwedeng dito na lang siya kumuha ng master's degree kung gusto niya talaga? Bakit kailangang sa London pa?"
Naupo si Kuya sa tabi ko. Bumuga siya ng hangin. Inakbayan ako at ipinatong ang ulo ko sa dibdib niya.
"You're so stubborn. Mas masasaktan ka lang d'yan sa pinaggagagawa mo."
"Kasi naman e!" umiiyak pa ring sabi ko.
Matagal akong nasa ganoong ayos at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising akong mataas na ang sikat ng araw. Pagtingin ko sa orasan, alas-dose na ng tanghali. Bumangon ako para sana magpunta sa banyo nang mag maalala. 'Yung flight ni Xander, one thirty ng hapon.
BINABASA MO ANG
My Poker-Faced Guy
Romance[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang makikita sa mukha ni Xander kundi poker face. Kahit ba may nakakatawa, nakakalungkot, or nakakagalit na...