"Tigilan mo nga yang ngiti mong 'yan! Naiinis ako!" sabi ko kay Xander nung tuluyan na siyang ngumiti.
Hinila niya bigla ako kaya naman natumba ako papunta sa kanya sa semento. Buti na lang nasalo niya ako ng maigi kundi baka nasugatan ako.
"Adik ka! Buti hindi ako nabaldog!" Hinampas ko pa siya sa braso saka nagpumilit na tumayo.
"Hahayaan ko ba namang masaktan ka?" aniya.
Pakiramdam ko, pulang-pula na 'yung mukha ko ngayon. Bigla niya na lang kasi akong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa buhok.
"Tara na nga sa loob. Nakakahiya dito sa labas. Mamaya niyan may makakita pa sa atin," sabi ko.
Nagprotesta siya pero hinayaan na rin akong tumayo. Sumunod na rin naman siya at pumasok sa loob ng gate.
Napatigil ako nang makita ang isang bouquet ng tuyong bulaklak sa harap ng pinto. Tumingin agad ako kay Xander sa nagtatanong na mga mata. Ngumiti naman siya, indikasyon na sa kanya nga galing 'yun.
"Noong dapat sasagutin mo 'ko pa yan."
"At talagang siuradong sasagutin ha?" sabi ko.
"Nasaan ulit ang boyfriend mo?" pang-aasar niya.
"Ewan ko sayo!"
Pinulot ko 'yung bouquet ng flowers saka binuksan ang pinto. Pagkapasok namin sa loob, naupo agad siya sa sofa, halatang pagod din tulad ko.
"Matulog ka na muna, dito lang ako," sabi ni Xander saka nahiga sa sofa.
"Ano ka ba, wag ka d'yan. Wala naman si Kuya e. Dun ka na lang sa kwarto na gamit niya," sabi ko.
"Hindi na. Baka magalit pa Kuya mo."
Pinaningkitan ko siya ng mata saka hinila. "'Wag ka nga! Basta dun ka na lang muna. Para komportable ka naman. Siguradong pagod ka din."
Hindi na siya pumalag at pumasok na lang sa kabilang kwarto.
Xander
Humiga agad ako sa kama pagkapasok ko pa lang. Ilang oras na rin kasi ako sa labas ng bahay ni Mica at masakit na ang katawan ko. Bukod pa sa buong araw ko siyang sinusundan hanggang sa sementeryo.
I had this feeling na 'yung Liam na 'yun ay hindi naman nagsasabi ng totoo. Pero nasaktan pa rin ako dahil sa sinabi niya kaya naman iniwasan ko munang lumapit kay Mica. Natatakot kasi akong makagulo sa lamay ng pinsan niya.
All the time napansin ko nang aligaga si Mica at halatang may hinahanap. Tingin pati siya ng tingin sa cellphone niya at may tinatawagan dun. Naisip ko na baka ako 'yun kaso lang ayoko muna sanang makipag-usap kaya pinatay ko ang cellphone.
Huminga ako ng malalim at pumikit. Ipapahinga ko muna 'to. Bukas, ibibigay ko na kay Mica 'yung singsing.
~*~
Kahit na sinabi kong magpapahinga na ako, hindi pa rin ako makatulog. Kanina pa ako nakatitig lang sa kisame. Hindi ako mapakali at gusto ko nang makasama si Mica.
Bumangon ako at dahan-dahang nagpunta sa kwarto ni Mica. Hindi naman 'yun naka-lock kaya nakapasok ako. Napangiti ako nang makita ko kung gaano siya ka-peaceful matulog. Nakangiti pa siya habang yakap-yakap 'yung unan niya.
Umupo ako sa gilid ng kama niya saka hinalikan siya sa buhok.
"Hmm, Xander..."
Nagulat ako nang magsalita siya kaya napaurong ako. Pero nang tignan ko siya, tulog pa rin pala. Hindi ko mapigilang mapangiti. Kahit pala sa panaginip tinatawag niya pa rin ang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
My Poker-Faced Guy
Romance[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang makikita sa mukha ni Xander kundi poker face. Kahit ba may nakakatawa, nakakalungkot, or nakakagalit na...