Fourteen

153K 2.7K 238
                                    

"Dalawang Mortal Instruments po." Nakangiti pa ako sa babae sa counter. Dumudukot na ako ng pera nang maglapag si Xander ng 500 pesos. Nginitian ko siya at iniabot 'yung 200 pesos ko, 180 kasi ang isang movie ticket.

"Ako na." Hindi siya tumitingin sa akin nang sabihin niya 'yun.

"Salamat, Xander!" Napakapit ako sa braso niya pagkasabi nun. Kinuha niya naman 'yung tickets na ibinigay nung babae, pati 'yung sukli.

"Bili tayo ng popcorn!" excited sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa wrist watch niya. "Mamaya na lang. Maaga pa naman." Alas sais pa 'yung showing ng papanoorin namin at five fifteen pa lang ngayon.

Tumango lang ako at sumunod sa kung saan siya papunta. Pumasok siya sa event center na puno ng mga tindahan ng handicrafts mula sa iba't ibang bayan dito sa probinsiya. Kada bayan may sarili nilang tema. May mga accessories, displays sa bahay, gamit sa kusina na gawa sa kahoy, musical instruments na gawa sa kawayan at marami pang kung anu-ano ang nandito. Pero siyempre ang pinakagusto ko... pagkain! Ang dami rito!

Sa mga pagkain agad ako lumapit at tumikim ng kung anu-ano. Buti na lang may free taste. Kahit ba may pambili ako e, mas masarap ang libre. Nakikitikim din si Xander sa bawat puntahan ko. Nang maikot namin lahat ng stall, pakiramdam ko nabusog na ako. Pagkatingin ko sa relos ko, quarter to six na. Grabe! Kalahating oras din kaming naglibot?

Papalabas na sana kami nang maraanan namin ang isang stall ng accessories. Ang cute ng mga hikaw at singsing nila kaya naman hinila ko si Xander papunta roon. Sampung piso lang ang isa kaya marami akong napiling bilhin.

"Ang dami naman niyan. Magmumukha ka nang christmas tree dyan." Narinig kong sabi ni Xander sa akin. Natawa 'yung tindera sa sinabi niya.

"Tse! Hindi ko naman sabay-sabay isusuot 'no! Paanong magmumukha akong christmas tree?!" Nag-pout pa ako.

Hindi na siya sumagot at hinayaan lang akong magbayad sa tindera. Habang inaabot ko 'yung plastic ng pinamili ko ay nakatalikod na si Xander at nakahakbang na palayo. "Bagay na bagay kayo ng nobyo mo, hija," sabi nung tindera. Nanlaki 'yung mga mata ko sa sinabi niya pero sinakyan ko na lang.

"Talaga po? Tingin niyo tatagal kami?" nakangiti pang tanong ko.

"Oo naman, hija. Kahit mukhang wala sa mundo 'yung nobyo mo, mukha namang mahal ka talaga."

Natawa na lang ako sa sinabi ni Manang at nagpaalam na. Hindi ko na nakita si Xander sa likod ko kaya naman pumunta na lang ako sa may sinehan. Pagkarating ko roon ay naabutan ko siyang bumibili ng popcorn.

"Anong drink ang gusto mo?" tanong niya pagkalapit ko.

"Sarsi."

Tumango lang siya at sinabi sa tindera 'yung order naming drinks. Isang sarsi at isang sprite. 'yung popcorn na binili niya ay isang large na cheese flavor. Balak ko sana ako na ang magbabayad nun dahil nga siya na ang nagbayad ng movie tickets pero pinigilan niya ako. Siya na daw.

Pagkapasok namin sa loob, pinapalabas na 'yung trailers. Naupo kami sa bandang gitna, dun sa eye level lang 'yung screen. Sa kanan ko siya pumwesto habang nasa tabi ko naman sa kaliwa ay mag-jowang naglalampungan. Napapataas na lang ang kilay ko sa mga sinasabi nila e. Tss. Parang wala sa public place!

The Mortal Instruments: City of Bones ang papanoorin namin. Noon ko pa 'to hinihintay simula nang malaman kong gagawan ng movie adaptation. Hindi ko naman nabasa 'yung libro, hindi kasi ako mahilig magbasa, pero nai-kwento 'yun sa akin ng ex ko. 'Yung gago kong ex na iniwan na lang ako basta sa ere. Back to the story, sobrang nagustuhan ko 'yun nang ikwento niya. Pinag-isipan ko pa nga kung babasahin 'yung libro e, kaso tamad talaga akong magbasa kaya naman natuwa ako nang malaman na magiging movie na 'yun. At least papanoorin ko na lang.

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon