Two

223K 3.9K 907
                                    

Halos patakbo 'yung lakad ko pagsunod kay Mr. Poker. Break time na kasi at siya ang gusto kong kasabay.

First day of school lang ngayon kaya 'yung mga Prof ay nagpapakilala lang tapos introduce 'yung subject saka idi-dismiss na 'yung klase. Well, meron namang isa na nagtawag ng pangalan tapos nagtanong kung anong expectation sa subject.

"May kailangan ka?" bigla akong napahinto sa paglalakad. Humarap kasi sa akin si Mr. Poker. Napansin niya sigurong nakasunod ako sa kanya.

"Whoah! Nagsasalita ka pala?" umakto pa ako na parang gulat na gulat. Wala man lang akong nakitang reakson sa kanya.

"May kailangan ka ba?" ulit niya.

Tumango ako. "Ikaw." sabi ko saka nag-roll eyes.

"Huh?" Ano ba yan hindi man lang sinakyan 'yung trip ko.

"I mean, kailangan ko ng kasabay sa pagkain. Sasabay ako sa'yo."

"Ayoko ng may kasabay." aniya sabay talikod.

"Malungkot pag walang kasabay."

Nagsimula na ulit siya sa paglalakad. Medyo binilisan niya pa ng konti 'yung lakad niya kaya binilisan ko rin para makasabay ako sa kanya. Halos humihingal na ako nang makarating kami sa cafeteria. Pumila agad siya sa counter habang ako naman ay hinahabol pa rin 'yung hininga ko.

Mahaba 'yung pila at halos mapupuno na 'yung cafeteria. Tinignan ko 'yung mga upuan at iilan na lang 'yung bakante roon.

"Ikaw na lang ang bumili ng pagkain natin hahanap na ako ng mauupuan." inabot ko sa kanya 'yung sandaang piso.

"Teka." narinig kong sabi niya.

"Anong pagkain ang gusto mo?"

"Kagaya na lang din ng bibilhin mo," nakangiting sabi ko saka nagpunta sa bakanteng mesa na nakita ko sa sulok. In fairness, improving ha. Bukod sa kinausap niya ako ay hinayaan niya pa akong sumabay sa pagkain niya.

Halos sampung minuto rin ang itinagal niya bago nakabili. Sa sobrang dami kasi ng estudyante ay hindi na kinakaya ng mga tauhan sa cafeteria lahat. Kaya ayan, ang bagal ng serbisyo nila.

Naupo siya sa harap ko. Pang dalawahan lang naman kasi 'yung mesang nakuha ko kaya magkaharapan kami. Inilapag niya 'yung binili niya. Dalawang kanin, dalawang ulam, dalawang soup at dalawang bote ng mineral water. Hindi ko alam kung anong tawag sa mga ulam na 'yun. Ngayon ko lang naman kasi 'yun nakita.

"Anong luto 'to?" tanong ko agad.

Natigilan siya sandali pero sumagot. "Giniling na baboy saka chicken curry. Pumili ka na lang kung anong gusto mo sa dalawa."

"Paano kung gusto kong tikman pareho?"

"Hati na lang tayo sa parehong ulam." aniya saka nagsimulang sumubo.

Habang kumakain ay nagmo-monologue ako. Kung ano lang makita ko sa paligid ay binibigyan ko ng opinyon. Paminsan-minsan tinatanong ko siya pero tango lang lagi 'yung sagot niya. Mukha ngang hindi naman siya nakikinig. Wala nga siyang pakialam kung nagsasalita ako kahit na may laman 'yung bibig ko e. Kung si Kuya Maico ang kasama ko panigurado nasabon na ako nun.

"Hay..." sabi ko maya-maya sabay hinga pa nang malalim.

Napatingin siya saglit pero yumuko ulit sa pagkain niya.

"Alam ko na ngayon ang pakiramdam." Hinintay kong tumingin siya bago magpatuloy sa sinasabi ko pero hindi siya tumingin kaya pinagpatuloy ko na lang. "Alam ko na ang pakiramdam ng mga taong grasa sa kalye sa tuwing kinakausap nila ang sarili nila. Kakaiba pala ang feeling. Alam mo ba 'yung feeling na 'yun Mr. Poker?"

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon