Thirty Six

111K 2.3K 153
                                    

Xander

Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagpapaliwang kay Mica. Kung saan ba ako magsisimulang mag-kwento. Alam kong iniisip niyang all this time, si Shan ang kasama ko. Base na rin sa sinabi niya nung huli kaming nagkausap. Pero paano ko sasabihing mali siya ng iniisip?

Naka-ilang segundo na rin siguro akong naktitig lang sa kanya habang nakaupo sa katapat niyang sofa nang magsalita siya. "Ano, magsasalita ka ba o gusto mong umuwi na lang?"

Natauhan naman ako at napaderetso ng upo.

"Uhm, Mica, ganito kasi 'yun..." Huminga ako ng malalim saka tumingin sa mga mata niya. "Mali 'yung iniisip mo sa amin ni Shan. Hindi ko na siya nakita simula nung ihatid ko siya sa Tiya niya." Hinihintay ko siyang magsalita pero nakatitig lang siya kaya nagpatuloy na lang ako. "Nung araw na palayasin siya sa kanila, hinatid ko siya sa Tiyahin niya. 'Yun lang kasi 'yung pwede niyang puntahan. After nun, hindi ko na siya nakita. Tumawag lang siya ng ilang beses pero hindi ko siya maasikaso dahil may mas mahalagang bagay pa akong gagawin."

Hindi na nakatingin sa akin si Mica. Nakatungo lang siya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Kung naniniwala ba siya sa mga sinasabi ko o hindi.

"Noong araw din na 'yun, dumating si Mama sa bahay. Ayaw siyang papasukin ni Papa pero nag-stay siya sa labas ng bahay. Magdamag. Ilang araw niya ring ginawa 'yun hanggang sa nagkasakit siya. All those times na nawala ako, siya 'yung inaalagaan ko."

Doon na siya tumingin sa akin. Pero imbis na tuwa 'yung makita ko sa mga mata niya dahil mali ang iniisip niya sa amin ni Shan, may galit pa roon.

"You should've told me," aniya.

Tumango ako. "Yes, I know. And I'm sorry. Ayoko lang na idamay ka sa problema ng pamilya namin. Saka... hindi ko alam kung paano sasabihin sa'yo nun ang tungkol kay Mama."

Umiwas ulit siya ng tingin. Kunot ang noo niya at mukhang nag-iisip.

"Iniwan kami ni Mama noong twelve years old ako. Hindi ko maintindihan kung bakit. Wala siyang sinabi, walang paliwanag. Ang sabi ni Papa, nagsawa na siya sa amin."

"Mahal na mahal ko si Mama. Sobrang malapit ako sa kanya kaya ako 'yung pinakanasaktan sa nangyari. Nagkulong ako sa kwarto ng ilang buwan. Tumigil ako sa pag-aaral. Nagalit si Papa pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang nun, ang bumalik si Mama. Pinag-aralan kong mag-bake ng paborito ni Mama. Baka kasi sakaling bumalik siya pag nalaman niya. Ewan ko ba kung anong iniisip ko nang mga oras na 'yun. Bakit naman kasi siya babalik para sa isang cake lang 'di ba? Ang tanga ko lang nun."

Nakatitig sa akin si Mica habang nagku-kwento ako. Nakikisimpatya 'yung mga mata niya.

"Tinatanong mo ako dati kung bakit ayokong magpakita ng emosyon?" Ngumiti ako ng mapait saka nagpatuloy. "Alam kong maling paniwalaan ko pero ang sabi sa akin ni Papa noon, nainis si Mama sa tawa ko, sa kakaiyak ko... sa lahat. Alam ko sa sarili kong hindi totoo 'yun pero masakit pa rin. Kaya ang sabi ko, basta bumalik lang si Mama, hindi na ako tatawa at iiyak. Kahit na anong emosyon hindi na ako magpapakita. Basta bumalik lang siya."

Hindi pa rin nagsasalita si Mica sa kabila ng lahat ng sinabi ko. Kaya naman lumapit na ako sa kanya at lumuhod sa harap niya para magtapat 'yung mga mukha namin.

"Mica, magsalita ka naman o," sabi ko.

Tumitig siya sa akin. "Kumusta na ang Mama mo ngayon?" tanong niya.

Napangiti agad ako doon. "Iniuwi na namin siya kahapon. Nakakatuwa nga e. Ang akala ko papabayaan lang siya ni Papa pero alam mo ba, sa kwarto nila natulog si Mama?" Sumigla agad ang boses ko habang kinukwento 'yun. Sobrang saya ko kasi kagabi nung doon ipasok ni Papa si Mama sa kwarto nila. Ang sabi niya pa, kailangan ng magbabantay ni Mama kaya mabuti nang doon na lang si Mama.

"At alam mo ba?" pagpapatuloy ko. "Kaninang umaga, sumabay na sa amin si Mama sa pagkain. Si Papa pa ang nag-aasikaso sa kanya. Though mukhang hindi masaya si Ate sa nangyayari, sooner or later matatanggap niya rin na bumalik na si Mama."

Hinawakan ko ang mga kamay ni Mica. Ngumiti ako saka hinintay na magsalita siya. Tumingin siya sa akin at bigla na lang, hinila niya ang mga kamay niya mula sa pagkakahawak ko.


Mica

Hinila ko ang mga kamay ko sa pagkakahawak ni Xander. Hindi ko pa rin kasi alam kung anong gusto kong mangyari. Alam ko na ngayon kung bakit siya nawala ng ilang araw. Pero sana sinabi niya pa rin sa akin agad. Nag-alala ako. Imagine 'yung ilang araw na 'yun na halos hindi ako makatulog. Idagdag pa na inaasikaso ko 'yung research namin na ngayon ay wala na. Nasayang lang lahat ng pinaghirapan ko.

"Mica?" Lumungkot agad 'yung mukha ni Xander. Huminga ako ng malalim saka umiwas ng tingin.

"Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sayo? May idea ka ba sa mga pinagdaanan ko nang mga araw na hindi mo man lang naisip tumawag?" Naiiyak na tumingin ako sa kanya. "Xander, hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo na lang sinabi agad!"

"Mica... hindi ko naman talaga intensyon na hindi sabihin. Nawala lang sa isip ko. Nakalimutan kong—"

"Edi kalimutan mo na ng tuluyan na may girlfriend ka!"

Napaatras siya ng konti sa sinabi ko. Bakas na rin 'yung luha sa mga mata niya.

Naghalo-halo na 'yung emosyon ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto kong ilabas lahat ng galit, sakit, pag-aalala at relief na nararamdaman ko. Gusto ko siyang sapakin sa ginawa niya sa akin pero hindi ko magawa. Masama mang sabihin, gusto kong maramdaman niya rin lahat ng naramdaman ko.

"Mica naman..." Hinawakan niya ulit ang mga kamay ko. Pinilit kong bawiin 'yun pero ayaw niyang bitawan. "I know, kasalanan ko. Nasaktan kita. Pero please... bigyan mo pa ako ng chance. Pangako, this time sasabihin ko na lahat. Right away. Hindi na ako maghihintay na masaktan ka pa. Mica... please... please..."

Hindi ako makapag-isip ng maayos. Gusto kong bigyan siya ng pagkakataon pero galit pa ako. Hindi rin magiging maganda ang pakikitungo ko sa kanya kung sakali.

"Si Josh ba? Nanliligaw na ba ulit siya sayo?" Hindi galit ang tono ni Xander. Kung tutuusin, puno ng sakit 'yun. Na para bang pinagbagsakan na siya ng langit at lupa iniisip pa lang ang bagay na 'yun.

Tumingin ako sa kanya at umiling. "It's not Josh, okay? It's just..." Umiling ulit ako saka yumuko. "I don't know. I need time."

"Time? Anong ibig monng sabihin Mica?"

"Maghiwalay na muna tayo, Xander. I don't think it'll work kung ipipilit natin ngayon."

"Pero, Mica... mahal kita. Alam kong mahal mo rin ako. Hindi pa ba sapat 'yun para mag-work ang relasyon natin?"

"No. Hindi sapat ang puro pagmamahal lang. There's a lot more to consider when it comes to relationship." Tumigil ako sa pagsasalita sandali. "I think we need space. Pag-isipan na muna natin 'tong mabuti," sabi ko saka tumayo.

"Ang sabi mo dati, 'pag nakipaghiwalay ka wala nang balikan. Mica, hindi ko matatanggap 'yun. 'Wag mo namang gawin sakin 'to o." Humawak siya sa braso ko at iniharap ako sa kanya. "Mica naman..."

Tipid na ngumiti ako sa kanya. "Oo, sinabi ko ang bagay na 'yun. But I can always make an exception. Especially if it's you." Inalis ko na ang kamay niya sa braso ko at nagsimulang maglakad paakyat ng kwarto.

"We're not over, Mica. Tayo pa rin. I'll just give you time to think."

Hindi ko na siya nilingon. Hindi ko na alam kung anong tama. I just don't know.

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon