Forty Seven

104K 2.2K 89
                                    

"Alam mo, mas maganda ka pa rin talaga kesa sa mga star d'yan sa langit," ani Xander. Napansin kong nakatitig lang siya sa akin habang ako, nakatingala.

Tumingin ako saglit sa kanya saka umirap.

"Tse! Boyfriend na kita. Matagal na. 'Di mo na ako kailangang bolahin," sabi ko.

Tumawa si Xander saka tumingala na rin. "Sino bang may sabi na nambobola ako? Mas maganda ka naman talaga sa mga yan." Tumuro pa si Xander sa langit pagkasabi nun.

"Tigilan mo nga ako!" sabi ko, hindi ko mapigilang mapangiti. Bola man 'yun o hindi, nakakataba pa rin ng puso.

Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi ni Xander sa pisngi ko.

"I'm sorry," aniya.

Napatingin ako sa kanya sa nagtatanong na mata.

"Bakit ka nagso-sorry?" tanong ko.

Tipid siyang ngumiti. "Sorry, kasi halos nawawalan na ako ng oras sa'yo. Sorry, kasi alam kong hindi ko na nagagampanan ang pagiging mabuting boyfriend ko. Sorry, kasi alam kong nasasaktan kita kahit hindi mo sabihin. At sorry, kasi ang gwapo-gwapo ko."

Hindi ko mapigilang matawa sa huling sinabi niya. Okay na e, maiiyak na ako sa drama niya tapos biglang banat ng ganun!

"Kainis!" sabi ko saka humalukipkip.

Tumawa naman ng malakas si Xander saka sinundot-sundot ang tagiliran ko.

"Totoo naman, 'di ba? Aminin mo!"

Inirapan ko siya. "Oo na! Gwapo ka na. Tss. Yabang. Makapagbuhat ng sariling bangko!"

"Ha-ha-ha! Ito naman, salamat nga rin pala."

"O, saan naman? Kasi gwapo ka?" pang-aasar ko.

Sumeryoso siya saka tumingala sa langit. Huminga pa siya ng malalim saka nagsalita.

"Salamat kasi kahit ganito ako, mahal mo pa rin ako."

Tumingin siya sa akin saka ngumiti. Umakbay siya at inihilig ang ulo ko sa balikat niya. "Wag kang mag-alala. Kasi ako, gahit ganito ako, mahal na mahal kita."

Hindi ako sumagot pero hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko. Inayos ko ang pagkakahilig ng ulo ko sa kanya at yumakap sa beywang niya.


~*~


Nagulat ako nang may tila kumikiliti sa paa ko. Napamulat agad ako at itinaas ang paa ko. Pagkatingin ko, naroon si Betty sa paanan namin ni Xander habang ang paa naman ng huli ang pinagdidiskitahan.

"Whoah!" biglang sigaw ni Xander sabay taas na din ng paa niya.

Narinig naming may tumawag kay Betty mula sa pintuan ng bahay. Pumunta naman agad dun ang aso kaya sinundan namin siya ng tingin.

"Good girl," sabi ni Kuya Maico habang hinahaplos ang ulo ng aso.

"Seriously, Kuya? 'di ka ba marunong mang-gising ng matino? Kailangan ipalapastangan mo pa kami d'yan sa anak mo?" sabi ko.

"Wow! Nilapastangan agad! Dinilaan ka lang ng anak ko sa paa! Eksaherada talaga," sabi ni Kuya. "Pumasok na kayo sa loob. Handa na ang almusal."

Napatingin ako sa paligid. Oo nga may liwanag na. Hindi pala namin namalayan ni Xander na nakatulog na pala kami rito sa labas.

Tumingin ako sa relo na suot ni Xander. Alas-sais na ng umaga. Halos apat na oras din kaming nakatulog. Bandang alas-dos na nang huling tingin ko sa oras e.

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon