Four

176K 3K 287
                                    

Pagkauwing-pagkauwi ko pa lang ay nakatitig na ako dito sa notebook ko. Nag-iisip kasi ako ng magandang business na pwedeng i-propose para maging feasibility study namin. Dahil wala naman akong pakialam sa mga ganyan ay 'di ako makapag-isip. Gusto ko na ngang humingi ng tulong kay Kuya kaso dapat panindigan ko na kaya ko ang sarili ko. Bukod pa sa marami rin naman problema 'yun kaysa sa simpleng problema ko lang.

Kung parlor kaya? Okay 'yun kasi maraming gustong magpaganda. Nag-isip ako ng posibleng lugar. Hay, halos lahat na yata ng kanto ay meron nun. Drug store? Hmmn, pwede...

Napatigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang doorbell. Sino naman kaya 'yun? Wala naman akong inaasahang bisita eh. Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Sumilip muna ako sa bintana kung sino 'yung nasa labas.

"Sino 'yan?" tanong ko dun sa lalaking nakatayo sa labas ng pinto.

Nagpalinga-linga naman siya sa bahay tila hinahanap ako saka nagsalita. Halos pasigaw 'yun, tinatantsa pa ata kung maririnig ko 'yung boses niya.

"Ako si Joshua! D'yan ako nakatira sa kabila. Pinapabigay 'to sa'yo ni Ate." itinaas niya 'yung hawak na microwavable na tupperware.

Lumapit ako sa pinto at binuksan 'yun. Mukha naman siyang harmless. Hindi ko makita 'yung mukha niya kanina habang nasa loob ako kasi natatakpan 'yun ng mga halaman na nakalagay sa tabi ng pinto.

Napatitig ako sa mukha niya pagkabukas ko ng pinto. Gwapo, chinito, maputi kaso konti lang ang taas sa akin. Napakunot 'yung noo ko. Parang nakita ko na siya kung saan hindi ko lang maalala.

"Hi!" nakangiting iniabot niya sa akin 'yung dala niya. "Welcome daw sa neighborhood sabi ni Ate. Siya ang nagluto niyan."

Binuksan ko 'yun pagkakuha ko. Kulay puti ang laman nun na may bilog-bilog na kulay dilaw. Mais ba 'yun? Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganitong pagkain. "Uhm, anong luto 'to?" medyo mahinang sabi ko. Nahihiya kasi ako at hindi ko alam kung ano 'yung binigay niya.

"Maja ang tawag 'dyan. Hindi ka pa ba nakakatikim niyan? Masarap yan lalo na't si Ate ang gumawa."

Umiling ako. "Salamat." Tatalikod na sana ako nang pigilan niya ako.

"Uhm, anong pangalan mo?" Oh crap. Hindi ko pala naipakilala 'yung sarili ko makakuha naman ako dun sa bigay niya.

Iniabot ko sa kanya 'yung kamay ko. "Mica. Joshua right?" nakangiti pang sabi ko.

"Nice meetng you, Mica. Just call me Josh. Kung may kailangan ka nan'dyan lang kami sa kabilang bahay." iminuwestra niya pa 'yung bahay sa tabi ng tinitirhan ko.

Tumango ako. "Salamat ulit dito."

"Sige!" patalikod siyang naglakad ng ilang hakbang saka tuluyan nang tumalikod at naglakad papunta sa kanila.

Pagkasara ko ng pinto ay inamoy ko agad 'yung pagkain. Mukha namang masarap kaya dinutdot ko 'yun para tikman. Jeez! Masarap nga! Kumuha ako ng kutsara at patakbong umakyat ng kwarto para doon kainin 'yung maja.

Napatitig na naman ako sa notebook at napabuga ng hangin. Oo nga pala, problema pa 'to, wala akong maisip. Kailangan ko na siguro ng tulong. Paano pang tinawag na partners kung ako lang mag-isa ang mag-iisip 'di ba?

Nai-dial ko 'ang number ni Claire.

"Hello Mica?" sagot niya mula sa kabilang linya.

"Claire!"

"Oh bakit?"

"Tulong naman o." Nilungkutan ko pa ang boses ko para maawa siya. "May number ka ba ni Xander? Nahihirapan na ako dito sa feasib namin e."

"Sus, 'yun lang pala e! Sige sige ipo-forward ko sa'yo." Binaba niya agad 'yung tawag 'di pa man ako nakakapagpasalamat. Bruhang 'yun, ni hindi nagba-bye.

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon