Mica
Limang minuto bago mag alas-sais, nagising na ako kahit na hindi pa tumutunog ang alarm clock ko. Kinuha ko agad ang cellphone para i-cancel na lang ang alarm dahil hindi ko na kailangan 'yun.
Pagkabukas ko ng cellphone, may isang text na naroon ten minutes ago lang.
From: Prinsipe ko
Good morning! Have a nice day :)
Napangiti ako ng wala sa oras. At oo, hindi ko pinapalitan ang pangalan niya sa cellphone ko. Simula noong binigyan niya ako ng chocolate last week (na ibinigay ko lang din kay Claire) hanggang ngayon ay lagi na siyang nagte-text. Puro good morning, good night, have a blessed day, sleep tight at 'yung kagabi, dream of me ang naroon. Dahil good vibes ako ngayon, naisipan kong mag-reply sa kauna-unahang pagkakataon.
To: Prinsipe ko
Have a nice day too!
Nag-inat ako saka bumangon. One of the reasons kaya good vibes ako ngayon ay dahil first day ko sa summer job. Bumaba agad ako para kumain (yung mga tira-tira kagabi) at mabilis na umakyat para maligo. Kinuha ko ang polo shirt ko sa closet na bigay ng may-ari ng tindahan. Kagabi ko pa tinitignan ito, hindi makapaniwala na mae-experience ko na kung paano mag-trabaho.
Sakto sa akin ang polo shirt. Sinipat-sipat ko pa 'yun. Kulay dilaw ang damit na may nakasulat na "Power-Pop Curls" sa kaliwang bahagi. 'Yun ang pangalan ng store. Hindi ko malaman kung bigay ba 'yun ng anak ng may-ari at nagkamali lang sila sa spelling (Powerpuff Girls) o sadya lang. Anyway, isa 'yung pasta, pizza at ice cream parlor. Mukhang sa pasta na kuha 'yung 'curls'.
Kung itatanong niyo ang fast food resto na inaplayan namin ni Claire, well, hindi ako natanggap. Mukhang nakita nung manager na wala akong alam sa trabaho. I didn't take it bad naman, tingin ko rin hindi pa ako handa sa ganun kalaking resto mas okay siguro 'yung napuntahan ko.
Forty minutes bago mag alas-otso, nasa store na ako. Eight o'clock pa ang oras ng pasok namin pero sobrang excited ko kaya nandito na ako. Wala pang ten minutes, dumating na ang isa sa makakasama ko.
"Hi! Ikaw si Mica?" nakangiting bati sa akin ng babae habang binubuksan 'yung pinto. "Ako si Olga, ako lagi ang pinaka-maaga kaya nasa akin ang susi. Buti naman may makakasama na ako ngayong maghintay sa iba."
Hindi ako nagsalita, nginitian ko lang siya. Pagkapasok namin, isinama niya ako papunta sa stock room kung saan may parte na ginawang tambayan at lagayan ng mga gamit.
"Ito 'yung lagayan mo," aniya saka itinuro sa akin 'yung isang lagayan. Kwadrado lang 'yun na mukhang bookshelf na hinati-hati. "Wag kang mag-alala, mababait naman lahat ng kasama natin. Safe ang gamit mo dito." May kinuha siya sa bag niya saka inabot sa akin at kinuha ko naman 'yun.
"Salamat," nakangiting sabi ko sa kanya saka tinignan ang name tag na bigay niya. Inilagay ko na rin 'yun kung saan inilagay ni Olga 'yung kanya.
"Tara, magsimula na tayong ayusin 'yung kusina."
Itinuro niya sa akin ang mga dapat gawin. Dahil sa unang araw ko pa lang, mag-aasist muna ako at aalamin lahat ng kailangang gawin. Sa mga susunod na araw, saka na lang ako sasalang ng tuluyan. Isinalansan namin lahat ng gamit. Pati 'yung mga ingredients para sa mga lulutuin inayos na rin namin.
"Si Lance at Mia ang cook natin. Kung minsan, tumutulong ako lalo na kung day-off ng isa. Sila ang bahala sa mga orders na ibibigay natin sa kanila. Si Harry, siya 'yung tagabigay ng orders sa mesa. Siya na rin 'yung naglilinis ng tables saka ng sahig. Mamaya ipapakilala kita sa kanila pagdating."
BINABASA MO ANG
My Poker-Faced Guy
Romance[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang makikita sa mukha ni Xander kundi poker face. Kahit ba may nakakatawa, nakakalungkot, or nakakagalit na...