Kanina pa ako naiirita sa ginagawa ko. Wala naman kasi akong masyadong alam dito e. Siguradong sabaw na naman 'to pagkabigay ko kay Xander bukas. Tapos sasabihan niya akong hindi ko pinag-isipan. Ugh! Kung alam niya lang kung gaano kahirap para sa mga katulad ko ang mag-isip! Palibhasa kasi matalino siya e!
Napatingin ako sa orasan sa study table ko. Eleven na pala ng gabi. Hay, makakuha na nga lang ng gatas. Mukhang paglalamayan ko 'tong research na 'to e.
Habang nagtitimpla ay iniisip ko pa rin 'yung research. Bakit ba naman kasi 'yun pa ang napili sa amin? Pwede namang 'yung Day Care Center na lang. Mas madali pa. Ano ba namang malay ko sa mga palakang 'yan? Sabi ni Xander, maghanap daw ako ng specific kind ng palaka, 'yung edible. Akalain niyong marami palang klase ang mga palakang kokak na 'yan? Haha! According kay google, may approximately 4,800 recorded species ng palaka! Huh! Kumusta naman 'yun? Tapos mamimili lang daw kami ng isa at 'yun ang ibi-breed.
Naalala ko 'yung nire-research ko kanina. Nakakadiri lang 'yung hitsura ng mga palaka. Jeez! Sino bang naka-isip na pwedeng kainin 'yun? Siguro wala na talagang makain kung sino man 'yun at pinag-tiyagaan ang palaka. Ay, pero in fairness masarap talaga ha.
Halos mapatalon ako nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Tapos naman na akong magtimpla ng gatas kaya mabilisan akong umakyat. Pero maingat pa rin na hindi matapos ang dala kong baso ng gatas. Ibinaba ko lang 'yung gatas sa bedside table ko at dali-daling sinagot ang tawag. Hindi ko na tinignan kung sino 'yun.
"Hello?"
"Mica!" sabi ng nasa kabilang linya. Oh my God! Hindi ako maaaring magkamali! Kilalang kilala ko ang boses niya!
"Ate Jacky!" Impit akong napatili habang binabanggit ko ang pangalan niya. "Kumusta ka na? Miss na miss na kita!"
Ilang buwan na rin ang nakakalipas mula nang pumunta si Ate Jacky sa States. Ito ang unang beses na kinontak niya ako. Sobrang na-miss ko siya. Siya lang kasi 'yung naging tunay na kaibigan ko e. Well, except ngayon na nariyan na sina Xander, Josh, Claire at Andi.
"Okay naman ako rito. Ikaw kamusta ka na d'yan? Teka, naka-istorbo ba ako? Baka nagising kita?" Malungkot 'yung tono ng boses niya pero pilit niyang pinapasaya. Siguradong iniisip niya rin si Kuya pero ayoko namang manghimasok.
"Hindi naman, Ate! Gising pa ako. At heto okay naman, nag-aaral na ulit ako. Pero sa State University na ako ngayon. Alam mo ba, ang saya ko roon. May mga bago na akong kaibigan. Pero Ate, namimiss kita. Sana hindi na lang kayo naghiwalay ni Kuya," malungkot kong sabi.
Natahimik siya matapos kong sabihin 'yun. Siguradong nalulungkot siya dahil kay Kuya. Kailangan kong sabihin sa kanya na nami-miss na rin siya ni Kuya at sobrang mahal na mahal siya nito. Baka sakaling magbago ang desisyon niya at bumalik na lang sa Pilipinas.
"Si Kuya—"
"'Wag na natin siyang pag-usapan," aniya sa malungkot na tono. "Ayokong magulo pa ang isip ko, at ang isip niya. Nakapag-desisyon na ako at sigurado na ako rito. Kailangan siya ng mag-ina niya." I think I hear her sob pero 'di ko na lang siya tinanong. Mahirap naman kasi talaga ang sitwasyon nila. Ang problema kay Kuya, ayaw niya pa ring pakasalan si Elaine kahit na 'yun ang gusto ni Ate Jacky.
"Okay. Mag-iingat ka lagi d'yan ha? And please, i-update mo ako lagi ng nangyayari sa'yo. Alam mo namang ikaw pa rin ang best friend ko."
"Oo naman. May favor lang sana akong hihingin, Mica?"
"Sure, ano 'yun?"
"'Wag mo sanang sabihin sa Kuya mo na nakaka-usap mo ako."
Natahimik ako sandali pero tumango na parang nakikita niya ako. Ilang sandali pa ay ibinaba na namin ang telepono. Babalik na sana ako sa study table ko nang napansin ko si Kuya Maico na nakatayo sa may pinto.
![](https://img.wattpad.com/cover/7484631-288-k158210.jpg)
BINABASA MO ANG
My Poker-Faced Guy
Storie d'amore[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang makikita sa mukha ni Xander kundi poker face. Kahit ba may nakakatawa, nakakalungkot, or nakakagalit na...