Hinihila ko na pababa ng jeep si Josh. Kanina pa kasi naghihintay si Xander sa may gate. Ngayon ang defense namin ng feasib at paghahandaan pa namin 'yun. Hindi ako makatakbo ng maayos dahil sa suot kong dress. Hindi naman 'to 'yung dress na pang party. Business attire lang pero napansin kong pinagtitinginan ako kanina sa jeep. Ano bang kakaiba masyado sa suot ko? OA nila ha.
Naalala ko pa nga si Kuyang nag-abot ng sukli sa akin halos mabali na 'yung katawan para siya mismo mag-abot kahit may pwede namang pag-abutan pa. Tapos ngumiti siya bigla at lumabas 'yung nangingitim niyang mga ngipin. Pinigil ko talagang mapatawa nun at tumingin pa ako sa labas ng jeep para mapigil tapos narinig ko naman 'yung katabi ko, si Josh na malakas nang tumatawa. Pasaway talaga. Lalo tuloy kaming pinagtinginan.
Natanaw ko agad si Xander sa tabi ng gate at nakatingin lang sa semento. Napansin kong tinitignan siya ng mga dumaraan. Shit! Ang gwapo niya 'ata ngayon? Naka slacks siya at pink na polo shirt. Dati-rati pag nakakakita ako ng lalaking naka-pink tingin ko agad e tagilid, pero itong si Xander? Amp! Hinding-hindi mo pagkakamalan.
Napalingon siya sa amin nang malapit na kami. Parang natigilan siya at tumingin sa kamay ko. Doon ko naman napansin na hawak ko pa rin pala ang kamay ni Josh na panatag na nakatayo sa tabi ko. Binitawan ko agad 'yun at lumapit kay Xander.
"Kanina ka pa?" tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.
Hindi siya tumingin sa akin at tumalikod na lang. "Tara na," aniya.
Sumabay ako sa kanya sa paglalakad at nakalimutang kasama ko nga rin pala si Josh kaya nagulat ako nang biglang umakbay ang huli. Napatingin naman ulit si Xander at umiling. E? Ano naman ikinaiiling niya? Inalis ko agad ang kamay ni Josh.
"Sabay ba tayong kakain mamaya? " si Josh.
"Hindi ko sigurado e. Hindi na lang siguro, marami pa rin kasi kaming gagawin."
Tumango lang siya at ngumiti. "Paano, dito na ako?" itinuro niya ang buliding nila at naglakad na palayo.
Dumiretso kami ni Xander sa library para sa mga kailangan pa naming i-discuss. Marami pa kasi siyang inayos sa feasib namin. Para raw walang butas na makita. Wala naman akong maitutulong kaya ayun, siya na lang ang gumawa.
Ipinakita niya sa akin ang mga binago niya pero hindi ako maka-concentrate. 'Di ko kasi maalis 'yung tingin ko sa kanya e. Shit lang, bakit parang ang hot niya ngayon? Tae naman o, umayos ka nga Mica! Nasabunutan ko pa ang sarili ko dahil sa mga iniisip ko.
"Okay ka lang?" biglang tanong niya.
"Ah... oo, okay lang ako." Napatingin ako sa may leeg niya at napangiti bigla. Suot niya kasi 'yung bigay kong necklace sa kanya. Hindi 'yun 'dapat' bagay para sa polo shirt na suot niya pero parang walang kakaiba sa suot niya.
Sinundan niya ang tingin ko at hinwakan niya ang kwintas. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Bakit?" aniya.
Mabilis akong umiling. Nakakatuwa lang naman kasi na suot niya 'yung bigay ko e kaya hindi ko mapigilang ngumiti. Napailing na lang siya saka nagpatuloy sa ginagawa.
Dalawang oras din kaming naghihitay at mukhang malapit nang matapos sina Claire at Andi. Isang oras na silang nasa loob. Bukas naman ang mga bintana kaya kita namin sila pero hindi namin marinig . Parang ang daming tanong ng panelist sa kanila at kung minsan ay natatahimik 'yung dalawa. Lalo tuloy akong kinabahan. Kami na pa naman ni Xander ang kasunod.
Maya-maya ay ngumiti si Claire at tumayo. Kasunod niyang tumayo si Andi na nakangiti rin at mukhang nagpasalamat. OMG. Tapos na sila! Napakapit ako sa braso ni Xander. Shit! Kami na ang kasunod! Naramdaman ko ang kamay ni Xander na nakapatong sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Poker-Faced Guy
Romance[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang makikita sa mukha ni Xander kundi poker face. Kahit ba may nakakatawa, nakakalungkot, or nakakagalit na...