Thirteen

158K 2.8K 327
                                    

Naiinat ko ang mga braso ko pagkababa ng tricycle na sinasakyan namin ni Xander. Ang ganda ng paligid, nakakagaang ng pakiramdam.

"Ang lawak pala talaga nito!" nasabi ko pagkalinga sa paligid. Narito kami sa location na ibinigay ni Kuya. 'Yung gagamitin namin para sa feasibility study namin.

"Oo nga, at sakto lang 'yung layo sa kabahayan. Madali lang din puntahan." Lumapit sa akin si Xander matapos niyang magbayad kay manong driver. Nakatingin lang siya sa paligid. Hindi ko alam kung anong iniisip niya kasi hindi ko naman 'yun mabasa sa mukha niya.

May bakod 'yung buong lupain kaya naman kita namin kung gaano talaga 'yun kalawak. Maraming puno sa paligid. Karamihan doon ay mangga, may ilang puno ng santol na kung titignan mo ay matanda na, may mga maliliit na puno na hindi ko alam kung ano at may dalawang malaking puno sa harap ng 'di ko rin kilala.

"Anong puno yan?" tanong ko kay Xander sabay turo sa dalawang puno sa bungad nung lupain.

Tinignan niya naman agad 'yun. "Puno 'yan ng kasuy. Ngayon ka lang nakakita niyan?" tanong niya.

Tumango ako. Laking Maynila kaya ako! Minsan lang ako makakita ng puno 'no. Kaya nga iilang puno lang 'yung kilala ko e. Nakita kong naglabas siya ng camera at kumuha ng picture kung saan.

"Bakit may picture pa?" tanong ko.

Hindi tumitinging sumagot siya sa tanong ko. "Kailangan natin 'to sa feasib. Hindi mo ba binasa 'yung mga kailangan? Naisulat ko na 'yun at binigay ko sa'yo a?" aniya sabay kuha ulit ng picture kung saan.

"Ah, okay. Kunan mo ko rito dali!" Pumwesto ako sa harap niya at nag-peace sign. Pinatulan niya naman 'yung kalokohan ko at kinuhanan ako ng litrato. Ilang click rin ang narinig ko saka ako nilagpasan at nagpatuloy sa pagkuha ng mga litrato. Sunod lang ako ng sunod sa kanya.

"Dito natin ilalagay 'yung kubo para sa bantay ng farm." Napatingin ako sa pwestong itinuro ni Xander at tumango na lang. Kinunan niya rin 'yun ng litrato saka naglakad ulit. "Dito naman 'yung paglalagyan ng mga palaka," aniya sabay turo sa pwestong medyo malapit sa tinuro niya kaninang paglalagyang ng kubo.

"Hati-hati ang gagawin natin. Para mas madaling bilangin kung sakali."

"Ah, okay." Sagot ko na lang kahit hindi ko pa rin alam kung paanong bibilangin 'yung mga palaka. Like, seriously? Mabibilang mo ba 'yun? Hello!

May nakita akong bulaklak sa 'di kalayuan. Mukhang damo lang siya pero ang ganda talaga. Kaya binilisan ko 'yung lakad ko papunta roon. Sa pagmamadali ko, 'di ko napansin na may bato pala akong madaraanan kaya naman natalisod ako roon.

"Ahhh!" tili ko habang papatumba. Ipinikit ko na lang ng mariin ang mga mata ko habang hinihintay ang pagbagsak ko sa lupa. Pero hindi 'yun nangyari dahil naramdaman ko na lang na may mga bisig na nakayakap sa akin na naging dahilan ng pagmulat ko.

Mukha ni Xander ang bumungad sa akin pagkadilat ko. Nakatitig lang siya sa mga mata ko habang hindi niya pa ako itinatayo ng maayos. Ako naman, hindi ko na rin maalis 'yung tingin ko sa mga mata niya. Bakit parang may iba roon? Kahit na wala namang nabago sa facial expression niya ay may iba akong nakikita ngayon sa mga mata niya. Parang—ah basta may iba!

Parang natauhan naman ako nang bigla siyang nagsalita at itinayo ako. "Mag-ingat ka nga." Lumayo agad siya sa akin pagkasabi nun. Nagpatuloy na lang siya sa ginagawa niya at iniwan akong nakatanga lang sa kanya.


~*~


Umurong pa ulit ako dahil nagsakay na naman si manong driver ng jeep. Sobrang sikip na nga ay pasakay pa ng pasakay. Hapit lang si Manong! Hindi na nga nakaupo ng maayos si Xander sa tabi ko e para lang makaupo 'yung ibang pasahero. Dahil sobrang naiipit na ako, ipinatong ko 'yung kanang braso ko sa likod ni Xander.

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon