Thirty Seven

117K 2.2K 86
                                    

Maaga akong pumasok kinalunesan. Kahit na tamad na tamad akong bumangon pinilit ko pa rin ang sarili ko. Exam week na kasi at hindi ako pwedeng bumagsak sa iba ko pang subjects. Tama na 'yung isa lang.

Lima pa lang kami sa classroom. Hindi ako sa usual na upuan ko umupo kundi sa bakanteng upuan sa kabilang sulok ng room. Ayoko muna kasing katabi si Xander. Speak of Xander, nagtext pa rin siya ng isang beses kahapon. 'Good night' lang ang sabi niya at hindi na ako nag-reply.

Inilabas ko na lang ang reviewer ko para sa unang subject. Hindi kasi ako masyadong nakapag-review. Masakit ang ulo ko at kung anu-ano kasi ang iniisip ko. Though napag-aralan naman namin 'to, kelangan pa ring i-review. Mahirap umasa sa stock knowledge lalo na't pulubi ang utak ko.

Nasa kalagitnaan ako ng reviewer nang may sumandal sa balikat ko. Pagkatingin ko, paharap na nakaupo si Xander sa akin at nakapatong 'yung noo niya sa balikat ko. Iniangat ko 'yung balikat ko para paalisin siya pero ibinalik niya lang din 'yun.

"Xander..."

"Hmm?"

"Sabi ko I need space 'di ba?" Sinabi ko ang bagay na 'yun kahit na sa totoo lang, hindi ko mapigilang mapangiti sa ginagawa niya.

He sighed. Dumeretso siya ng upo pagkatapos saka iniurong ng dalawang dangkal 'yung upuan niya. "O, ayan na. Space," sabi niya saka tumungo sa desk.

Napa-roll eyes na lang ako at bumalik sa pagtingin sa reviewer ko. Pero kahit na anong basa ko roon, wala nang pumapasok sa isip ko. Maya't-maya napapatingin ako kay Xander at sa 'space' na binigay niya. Aist, kainis.

Pagkarating ng Professor namin, pinaghiwa-hiwalay agad 'yung upuan para sa exam. One seat apart kami. Doon pa rin nakaupo si Xander sa tabi ko at mukhang nakipagpalit na lang dun sa talagang nakaupo dun.

"Ayan, nilakihan pa 'yung space na gusto mo," sabi bigla ni Xander. Nakanguso pa siya saka nakakunot ang noo. Kung tutuusin, ang cute niyang tignan.

Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa. Inirapan ko na lang siya saka tumingin sa unahan habang nagbibigay ng questionnaires ang Professor.


~*~


"Anyare sa inyo ni Fafa Xander? Warla?" ani Andi habang kumakain kami sa cafeteria.

Napansin nila na hindi ko kinikibo si Xander at hindi na rin ako kinausap ni Xander pagkatapos ng unang subject. Oo, gusto ko ngang lumayo muna kami sa isa't-isa pero bakit ganun? Mas nainis pa ako nung hindi niya na ako pinapansin.

"Cool off," simpleng sabi ko.

"O? Bakit naman?" tanong naman ni Claire.

Napatingin ako kay Gen na nasa tabi ni Andi. Nakatungo siya pero kita naman na ngiting-ngiti siya. Mukhang masaya ang gaga. Akala mo naman makakasingit siya kay Xander.

"It's just... ayoko munang makasama siya."

"Ay? At bakit? Dahil nag disappearing act siya last week?"

Ikinwento ko sa kanila ang nangyari. Hindi man detailed 'yung dahilan ni Xander nang ikwento ko, pinahapyawan ko na may inaalagaan siyang kamag-anak sa ospital. Mukha naman kasing ayaw ipagsabi ni Xander ang bagay na 'yun.

"Anong kadramahan yan 'te? Bakit may pa cool off, cool off pa? "

"Arte naman nito! May valid reason naman pala 'yung tao!"

Sabay na sabi ng dalawa. Pati si Gen napatingin sa akin at nagtaas ng konti ang kilay.

Naalala ko bigla lahat ng nangyari noong isang linggo. At sa isang iglap, umakyat lahat ng init sa ulo ko. Parang bumalik lahat ng galit ko nang isang bagsakan lang.

"Kadramahan? Maarte?" Itunuro ko pa ang sarili ko. "Paano niyo nasabi ang bagay na 'yun? Naranasan niyo ba 'yung dinanas ko ha? Kayo ba 'yung isang buong linggong nagmumukhang tanga habang naghihintay na tumawag 'yung boyfriend niya? Kayo ba 'yung tumatanghod sa gate ng bahay nila para lang malaman kung ano nang nangyayari sa kanya? Kayo ba 'yung nahirapan sa research dahil wala 'yung partner niya pero wala pa ring napala? Hindi! Ako 'yun e!"

Hindi ko na napigilan ang maiyak. Sa loob ng dalawang araw, pinigilan kong umiyak. Ayoko na kasi na isipin ang mga bagay na 'yun. Pero ngayon, hindi ko na mapigilan. Mabuti na lang at iilan lang ang tao sa cafeteria. Late na kasi para sa lunch nang palabasin kami sa huling subject.

"Isang tawag lang. 'Yun lang naman ang gusto ko nun. O kahit text pwede na. Pero ano? Wala!" Bumaling ako kay Andi. "Ikaw, akala mo ba balewala lang 'yung sinabi mo last week? Noong hinahanap mo siya sakin tapos hindi ko masagot ang sabi mo 'girlfriend hindi alam?'. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yun? 'Anong klaseng girfriend ako' ang dating? Parang lalo mo lang akong inilubog e!"

Tumungo si Andi pati na rin si Claire. Naririnig ko pang nagbubulungan sila ng 'ikaw kasi eh' pero hindi ko 'yun pinansin. Pinunasan ko lang 'yung luha ko saka umiwas ng tingin.

"Naiintindihan ko naman mahalaga ang ginawa niya e. Pero hindi naman 'yun sapat na dahilan para kalimutan niyang may girlfriend siya dito."

Padabog na tumayo ako at kinuha ko ang mga gamit ko. Hindi pa rin tumitigil ang mga luha ko at mabilis na naglakad ako palabas ng cafeteria. Nakasalubong ko pa roon si Xander na nakatungo sa may pinto. Mukhang narinig niya lahat ng sinabi ko.

Tumambay ako sa rooftop para matahimik. May isang oras pa naman bago 'yung susunod na klase. Hindi pa man ako nakakatagal sa pagkakaupo, may nag-text na sa akin at sinabing pinapatawag ako ng Professor namin sa Research.

Nag-ayos aagad ako ng sarili saka mabilis na nagpunta sa faculty room. Pagkarating ko roon, naroon nakaupo si Xander.

"Michaela, maupo ka."

"Bakit niyo po ako pinatawag, Ma'am?" tanong ko. Napatingin ako kay Xander. "I mean, kami?"

Ngumiti siya saka umayos ng upo. "Ganito kasi 'yun Mica. Bale, 'yung research niyo ni Xander, alam mo naman na siguro ang magiging resulta?" Tumitig pa siya sa akin at mukhang hinihintay na sumagot ako. Tumango na lang ako para magpatuloy siya. "Pinagpilitan ko na pagbigyan kayo para mag-defense ulit pero hindi pumayag ang isa sa panel. So definitely, uulitin niyo ang subject. Next semester, mayroon ng subject na 'to at napagkasunduan namin na ituloy niyo na lang ang nasimulan niyo."

Next semester? Kung parehong research ang gagawin, meaning, parehong partner.

"Okay po sakin Ma'am," ani Xander. "At least hindi kami magsisimula from scratch."

"That's what I'm saying," nakangiting sabi ni Ma'am. "Mas mai-improve niyo pa ang reasearch niyo. Malaki kasi talaga ang potential. Sumablay lang sa financial pero pag naayos 'yun, I believe na feasible siya."

"Thank you po, Ma'am," si Xander pa rin.

"Ikaw, Michaela? Hindi mo ba gustong ituloy na lang?"

May point naman sila pareho kaya naman tumango ako. "Okay din po sa akin," hindi ngumingiting sabi ko.

Pagkatapos kaming kausapin, sabay kaming lumabas ni Xander. Pero nasa pinto pa lang, naglakad na siya palayo. Mabilis ang lakad niya na halatang lumalayo sa akin. Napabuga ako ng hangin saka sinundan ng tingin si Xander. "Ginusto ko 'to e," nasabi ko na lang.


~*~


"Uy, Mica!" Napatingin ako kay Andi na sumalubong sa akin sa labas ng room. "Sorry kanina ha. Wag ka nang ma-badtrip samin," aniya pa. Nasa likod niya naman si Claire na tumatango sa bawat sabihin ni Andi.

Inirapan ko sila saka ako ngumiti. "Fine. Kung hindi ko naman kayo papansinin magiging super alone ako dito e."

Ngumiti si Claire saka kumapit sa braso ko. "Thank you! Para makabawi ako, gusto mong sumama sakin mag summer job?"

"Summer job? Saan naman?" tanong ko.

"Sa fast food restaurant. May backer ako, malaki ang chance natin. Ano, call?"

Inisip ko kung ano ang gagawin ko ngayong summer vacation. Mahiga at kumain lang ang pumasok sa isip ko. 'yung dapat kasing ibibigay sakin na trabaho ni Kuya bilang sekretarya niya nabigay niya na sa iba. Nag-inarte pa kasi ako nung una.

"Okay, sige."

Tamang-tama magandang experience 'to. Para mabaling na rin ang isip ko mula kay Xander.

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon