Twenty Eight

133K 2.6K 269
                                    

Xander

Ayokong alisin ang pagkakayakap ko kay Mica. Mas gusto ko 'yung ganito na lang kami palagi. Masarap sa pakiramdam. Para bang kinukuha ng mga yakap niya lahat ng pagod sa katawan ko. Inaalis ng mga halik niya ang mga problemang gumugulo sa utak ko. Basta ganito lang kami kalapit sa isa't-isa, pakiramdam ko nagiging ibang tao ako.

Hindi ko inasahang ma-fall ako sa kanya. She really irritated me when I found out she's my classmate. Nang lapitan niya ako at malaman kong sobrang kulit niya, sobrang nainis ako. 'yun bang nakikita ko pa lang siya umiinit na ang ulo ko. Naririnig ko pa lang 'yung boses niya nagpipintig na 'yung tenga ko.

Pero despite all of that, aware naman ako sa magagandang qualities niya. Tulad ng ngiti niya. Hindi ko 'yun nakalimutan simula pa noong makita ko siya sa isang fast food restaurant at nakiupo ako. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nun kaya iniwasan kong tumingin sa kanya.

Ilang linggo ko rin siyang nakikita roon at sinusulyapan paminsan-minsan. Hindi ko alam kung bakit, pero kung minsan bigla na lang siyang pumapasok sa isip ko. Pinilit kong 'wag siyang isipin pero hindi ko 'yun nagawa.

Until the first day of class. Nagulat na lang ako ng lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. Doon ako nagsimulang mairita sa kanya hindi lang dahil sa kadaldalan niya o sa mga kalokohang pinaggagagawa niya kundi dahil sa ayaw niyang maalis sa isip ko. Kahit wala na siya sa paningin ko, siya pa rin ang nakikita ko.

"I love you," bulong ko sa tenga niya.

Naramdaman ko ang pagngiti niya saka siya sumagot.

"I love you, too."

Sa tuwing naririnig ko ang mga salitang 'yun mula sa kanya ay gumagaang ang pakiramdam ko. Iba kasi pag sa kanya galing. Hindi dahil sa mahal ko rin siya kundi dahil sa mismong paraan ng pagsasabi niya. Ramdam mong galing 'yun sa puso niya. 'yun bang pakiramdam na 'yung puso niya mismo ang nagsalita?

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at bahagyang nginitian siya. Bakas pa rin ang mga luha sa mata niya kay pinunasan ko ulit 'yun gamit ang mga kamay ko.

"Napaka-iyakin talaga ng prinsesa ko," sabi ko.

Hinampas niya na naman ako sa braso saka umirap.

"Anong iyakin ka d'yan! Hindi kaya!"

Tumawa ako saka itinuro 'yung mga mata niya. Pinisil ko pa ang mga pisngi niya na namula pang lalo.

"Hindi iyakin? E ano yan?" sabi ko saka pinunasan pa ulit ang gilid ng mga mata niya.

Nag-pout siya saka tumingin sa kabilang direksyon. Tinitigan ko siya saka hinawakan sa baba. Kahit talaga nakasimangot siya o nagmamaktol ang ganda pa rin niya. Para siyang anghel na bumaba sa lupa. Anghel na bumaba para lang makasama ko hanggang sa pagtanda.

Iniharap ko siya sa akin saka hinalikan sa mga labi.

Tulad ng lagi kong nararamdaman. Tila ba may kuryenteng bigla na lang dumadaloy sa katawan ko. Parang may kung anong magic spell na pinatama sa akin at lumulutang na lang ang ulo ko sa ere.

Hindi ko na alam kung gaano katagal ko siyang hinahalikan. Basta ang alam ko lang, ang gaang ng pakiramdam ko habang magkalapat ang mga labi namin.


Mica

Pinaupo ako ni Xander sa mga hita niya habang magkalapat pa rin ang mga labi namin. We've never kissed like this. 'Yun bang parang wala nang bukas. Not that I'm complaining, I like it actually. Para bang sa kanya ko na kinukuha ang hininga ko and it feel so good.

Nilagay ko ang mga kamay ko sa buhok niya. Lalo ko pang inilapit ang sarili ko sa kanya at naramdaman ko na lang ang kamay niya sa likod ko. He's caressing my back inside my dress and the heat of his hands send shivers down my spine. Nabuksan niya na pala ang zipper sa likod ng suot kong dress nang hindi ko namamalayan. Hindi ko pa naramdaman ang ganitong sensation sa tanang buhay ko. Pakiramdam ko malulunod ako.

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon