Thirty Two

115K 2.1K 251
                                    

"Uy, Mica! Okay ka na ba?" bungad sa akin ni Andi pagkarating ko ng room kinabukasan.

"Oo, maayos na ako."

"Hwe? Tignan mo nga yang hitsura mo, mukhang hindi ka naman okay."

Unconsciously, napahawak ako sa pisngi ko. Though alam ko namang hindi doon ang problema kundi sa mata ko. Kahit anong ayos kasi ang gawin ko, halata pa rin ang maga nun sa kakaiyak ko kagabi.

"May sinat na lang ako. Pero magiging okay naman na rin ako," sabi ko pa.

Nagkibit-balikat na lang siya. "Okay, sabi mo e. Pero pag hindi na talaga maganda ang pakiramdam mo sabihan mo kami para madala ka namin sa clinic ha?"

Ngumiti ako ng bahagya saka tumango.

"Oo nga pala, kumusta na 'yung feasib niyo? Sa Monday na ang defense namin, kayo ba? Kailan ang schedule niyo?"

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Shit. Nawala na 'yun sa isip ko dahil sa mga nangyayari. Ni hindi pa namin nasisimulan ni Xander 'yung Financial at 'yung Conclusion. Patay na.

"Uhm, sa Monday din kami ng hapon," sabi ko, naalala ang schedule na ibinigay ng Instructor namin.

"Ah, pareho lang pala tayo. Naku, good luck sa atin! Cross fingers maipapasa natin 'yan!"

Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya. Nagpaalam na rin siya at naupo sa pwesto niya katabi si Claire. Naisip ko ang feasib namin. Kaya naman siguro 'yun ng isang linggo. Sa talino ni Xander, wala nang problema dun. Tiwala na lang, maipapasa namin 'to.

Limang minuto bago magsimula ang klase ay dumating si Xander. Nasa usual na hitsura siya, walang buhay. Kinausap ko agad siya pagkaupong-pagkaupo niya kahit na mukhang ni hindi niya ako nakikita roon.

"Yung feasib nga pala natin, kailangan na pala nating matapos. Sa Lunes na ang final defense natin eh. Mamayang gabi pupunta na lang ako sa inyo para magawa na natin," sabi ko.

"Huh? No!" napalakas ang pagkakasabi niya nun kaya naman pati mga classmate namin ay napatingin sa dereksyon namin.

Kumunot agad ang noo ko at tinignan siya sa nagtatanong na mga mata.

"I mean, sa inyo na lang tayo gumawa. Kukunin ko 'yung materials sa bahay tapos pupunta ako sa inyo."

Nagtataka man sa ikiikilos niya, tumango na lang ako at inialis ang tingin sa kanya. Mayamaya, dumating na rin ang Instructor namin sa unang subject.


~*~


Alas-syete na ng gabi dumating si Xander sa bahay. Kanina pa ako hindi mapakali at gustong-gusto ko na siyang puntahan sa kanila pero nagpigil lang ako. Gusto ko rin pating itanong sa kanya ang tungkol kay Shan at kung bakit hindi niya nasabi sa akin na naroon siya sa bahay ng babae ng palayasin ito.

Ilang beses ko 'yung sinubukang itanong kaninang maghapon pero sa tuwing kakausapin ko siya, wala siya sa sarili. Para bang naroon lang siya pero lumilipad naman 'yung isip niya. Hinayaan ko na lang muna siya at naghintay na umayos siya pero hindi 'yun nangyari. Hanggang sa ihatid niya ako dito sa bahay kanina, ganun pa rin siya.

"Nag-dinner ka na?" tanong ko agad sa kanya.

Tango lang ang isinagot niya saka iniabot sa akin ang ilang folder at ang usb niya.

"Nand'yan na 'yung ilang draft. Pero mukhang marami pa tayong kailangang gawin." Humarap siya sa laptop ko na inilagay ko sa center table ng sala. Kinuha niya ulit sa akin ang usb at isinaksak 'yun doon.

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon