Forty One

110K 2.6K 156
                                    

Kanina pa ako patingin-tingin sa pinto ng store. Unconsciously kasi, hinihintay kong pumasok dun si Xander kahit na alam ko namang day off niya ngayon. Friday ang day off niya which is ngayong araw at bukas naman ako.

Natutuwa ako sa effort na ginagawa ni Xander sa panliligaw. Mag-iisang linggo na rin simula nang sinabi niyang nanliligaw siya. Though pag nasa trabaho, civil lang kami. Pag kaming dalawa na lang ang magkasama, nagiging sweet siya.

Araw-araw niya akong hinahatid pauwi sa bahay. Kung minsan, sinusundo niya pa ako. Dalawang beses pa lang naman na nasundo niya ako dahil maaga akong umaalis. Hinahanda niya rin ang lunch namin kaya napapatagal siya. Speakin of lunch, mukhang magt-tiyaga ako sa de lata ngayon. Nanghingi lang din ako ng kanin kanina kina Yaya. Wala na kasi akong tiwala sa pagsasaing ko, baka masayang na naman 'yung bigas.

"Okay ka lang?" napatingin ako kay Olga nang magsalita siya.

"Huh?"

"Tinatanong ko kung okay ka lang?" tumingin siya sa may pinto. "Nami-miss mo agad si Xander? Paano ka makakaraos sa maghapon niyan?" aniya sa nang-aasar na tono.

Sa buong linggo, ito na lang ulit ang pagkakataon na inasar niya ako kay Xander. Naisip siguro nilang nagbibiruan lang kami nung sinabi naming may gusto kami sa isa't-isa.

"Issue yan 'te ha," sabi ko, inirapan ko pa siya habang nakangiti.

"Sus! Gusto mo naman! Nakikita ko kaya kung paano mo tignan si Xander. May something e."

"Grabe! Nag-iilusyon ka lang Ate Olga. Hindi kaya ako ganun tumingin kay Xander."

Tinitigan niya pa ako nang mataman saka nagkibit ng balikat. Pero halata naman sa mukha niyang nang-aasar pa rin siya.

Hindi ko na namalayan ang oras at lunch break ko na. Papasok na sana ako sa loob nang may pamilyar na babaeng pumasok sa store. Lumapit agad siya sa akin at iniabot ang isang lunch box.

"Galing sa Prinsipe mo." Nag-make face siya na parang nandidiri sa sinabi. "Yun ang pinapasabi niya. Kadiri talaga mga litanya ng kapatid kong 'yun," aniya pa.

Napangiti ako nang malapad saka kinuha 'yung lunch box. May note sa ibabaw na nagsasabing 'Ulam lang yan. Sabi kasi ng dating Yaya mo nanghingi ka ng kanin sa kanila. Enjoy your lunch :)' Hindi ko napigilang matawa. May smiley pa talaga ha?

"Salamat Ate Sandra," sabi ko.

She shrugged. "No prob. Sakto naman kasing dadaan ako rito. Sige, mauna na ako."

"Okay. Ingat ka, Ate. Salamat ulit!"

Ngiting-ngiti akog pumasok sa stock room. Kahit na mag-isa lang akong kakain ngayon, ang saya pa rin ng pakiramdam ko. Talagang pinadala pa ni Xander sa Ate niya 'tong pagkain. Pero... nasaan kaya siya? Bakit hindi siya mismo ang nagdala?

Isinantabi ko na lang ang iniisip at nagsimula nang kumain. Grabe, ang sarap talaga ng luto ng Mama ni Xander. Kailan ko kaya siya mami-meet? Napabuntong-hininga ako. Paano ko nga pala mami-meet agad ay hindi pa naman kami nagkakabalikan ni Xander. Well, balak ko namang sagutin siya. Gusto ko lang maranasan na ligawan niya. Tutal, sabi niya naman maghihintay siya eh.

Nasa kalagitnaan ako nang pagkain nang mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko agad 'yun sa bag saka sinagot.

"Hello?" sabi ko pagkainom ng tubig.

"Mica?" Napakunot ang noo ko. Pamilyar ang boses nung nasa kabilang linya.

"Sino 'to?"

"Wala pang isang taon tayong hindi nagkausap kinalimutan mo agad ako?"

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon