"Ugh! 'di ko na 'to kaya!" Naiiyak na ako sa ginagawa ko. Simula pa kahapon, subsob na ako sa pagtapos ng feasib na 'to pero hanggang ngayon hindi ko pa rin natatapos.
Maayos na ang conclusion dahil kahit paano ay madali na 'yun. Ang problema ko lang, itong Financial Statement. Hindi ako bumabalanse kahit na anong gawin ko. Ilang libro na ang nakabukas at ilang kopya na rin ang kinuha ko sa internet pero wala pa rin akong napapala. Kung sana nandito pa si Ate Jacky wala sanang problema.
Ilang beses ko pang sinubukang tawagan si Xander pero wala pa rin akong nakukuhang sagot. Sa pinakahuling subok ko kaninang mga alas dos ng hapon, cannot be reached na ang number niya. Baka nainis na sa akin at pinatay na lang ang cellphone niya.
Si Kuya naman, kung kailan kailangan ko saka wala. Sigurado naman kasing may alam siya dito kahit paano. Handa na nga akong lunukin ang pride ko para lang matapos 'to at 'di ako bumagsak sa research.
Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Kuya. Nakailang ring 'yun saka niya sinagot.
"Kuya! Thank God, sumagot ka!"
"O, bakit? May problema ba?" May panic sa boses niya.
"Magpapatulong lang sana kasi ako. Nasaan ka ba? Anong oras ka uuwi?" tanong ko.
"Hindi ko alam, Mica. Nandito ako ngayon sa ospital."
Napaderetso ang likod ko sa sinabi ni Kuya. "Bakit, Kuya? Anong nangyari? Bakit ka nand'yan?"
"Anong ka—" May narinig akong nagsalita sa kabilang linya. "Sandali lang, Mica."
Naghintay ako habang pinakikinggan ko ang pakikipag-usap ni Kuya. Hindi ko 'yun masyadong marinig. Mukhang tinakpan ni Kuya ang mouth piece e. Ang nainindihan ko lang, 'maayos na siya' at 'ligtas na ang mag-ina'.
"Mica," ani Kuya nang bumaling ulit sa akin. "As I was saying, nandito ako sa ospital. Si Ara kasi dinugo kanina. Hindi na kita natawagan dahil sa panic. 'Wag kang mag-alala, maayos na siya. Kaso, 'di muna ako uuwi. Kailangan niya ng magbabantay dito."
Malungkot man dahil hindi ako matutulungan ni Kuya, okay lang dahil mas kailangan ni Ate Ara ng tulong sa ngayon. Baka kung ano pang mangyari sa kanila ng pamangkin namin ni Kuya Maico.
"O sige, Kuya. Pupunta na lang ako d'yan bukas pagkatapos ng klase ko."
Bumalik ako sa pagtatapos ng ginagawa ko pagkababa ng tawag. Bahala na bukas!
~*~
"Paano ka made-defense niyan? Mag-isa ka lang?" tanong ulit ni Claire.
Hindi na naman kasi pumasok si Xander. Kahit na inaasahan ko na 'yun, hindi pa rin mawala sa akin ang madisappoint. Nag-text na lang ako sa kanya na defense na namin mamaya, bahala na siya kung pupunta siya o hindi.
"Parang ganun na nga," sagot ko kay Claire.
"Ano ba naman yang Xander na 'yan! Kung kailan kailangan saka missing in action. Pag nakita ko talaga yan masasapok ko yan e!"
Ngumiti na lang ako ng mapait at tinignan ang mga kopya ng feasib sa kamay ko. Inabot din ako ng alas tres sa paggawa nito. Akala ko nga hindi ko na matatapos. Kung tutuusin nga niretoke ko na lang 'yung mga numbers para lang bumalanse 'yung financial statement. Sana lang, hindi nila mapansin 'yun mamaya.
"Tara, kumain na nga tayo. Para may oras ka pa para reviewin yang feasib niyo," ani Andi.
Wala kasi ang Professor namin ngayong oras bago mag-break time kaya pwede na kaming makakain ng maaga. Tumango na lang ako at sumunod sa kanila ni Claire.
BINABASA MO ANG
My Poker-Faced Guy
Romance[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang makikita sa mukha ni Xander kundi poker face. Kahit ba may nakakatawa, nakakalungkot, or nakakagalit na...