Twenty Six

135K 2.9K 234
                                    

Isang oras na rin akong hindi maka-relate sa mga pinag-uusapan nila. Pagkatapos kasi naming kumain, lumapit ulit si Shan at nakipagkwetuhan kay Xander. Mukhang okay lang naman kay Xander at nakikipag-usap naman siya pero madalang lang siyang magsalita. Mas maraming sinasabi si Shan. At mas naging marami pa ang usapan nila nang mabanggit si Josh.

Nag-rereminisce silang dalawa about sa nangyari noong high school sila. Kung titignan si Xander ay balewala lang naman sa kanya ang mga pinag-uusapan. Well, oo nga pala, ganyan naman siya kahit na anong topic.

Nalaman kong mag-bestfriend pala sina Xander at Shan noon. Tapos, umeksena 'tong si Josh at nanligaw kay Shan. Sinagot naman ng huli si Josh at tumagal din sila ng limang buwan. Nang maghiwalay sila, nagalit ng husto si Shan at ginustong maghiganti. Kaya naman kina-usap niya si Xander na kung pwedeng maging sila na lang.

Sa totoo lang gustong-gusto ko nang ibato sa pagmumukha ni Shan 'yung hawak kong baso e. Alam mo 'yung feeling na nanood ka ng telenobela tapos nagsasalita 'yung kontrabida na wala sa lugar at nag-iinit ang ulo mo na gustong-gusto mo nang batuhin 'yung TV? Ganun ang nararamdaman ko. Kung wala lang si Xander na sa buong oras ng usapan at hawak ang kamay ko, baka kung ano nang nasabi ko sa babaitang 'to.

Alas-otso na nang magyayang umuwi si Xander. Sumang-ayon naman agad ako dahil baka hinihintay na rin ako ni Kuya sa bahay.

Sa pagka-asar ko lalo, tumayo na rin itong si Shan at balak pa atang sumabay sa amin. Wala na akong nagawa nang nagpaalam na rin siya kay Gen at sa kakapalan ng mukha at naglakad palabas kasabay namin. Nagku-kwento pa siya kay Xander habang daan na hindi ko maintindihan dahil sa inis ko ay parang nabibingi na ako.

Mayamaya ay inilabas ng hitad ang cellphone niya at hiningi ang number ni Xander. Gusto ko sanang mag-protesta pero wala na akong nagawa. Parang napaka-sama naman kasi ng dating ko kung hindi ako papayag ay hindi ko naman number 'yun.

Umirap na lang ako sa kanila habang idinidikta ni Xander ang number niya.

Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa kanto. Pero kailangan pa naming tumawid ni Xander dahil nasa kabila ang sasakyan papunta sa bahay.

"Okay ka lang umuwing mag-isa?" tanong ni Xander kay Shan.

Wala namang masama sa tanong niya dahil normal lang 'yun lalo na sa kaibigan mo. Out of courtesy lang itatanong mo 'yun.

"Uhm, yeah?" parang nag-aalangan na sagot ni Shan. 'Yun bang tono na parang sinabi niya na rin na 'ihatid mo ako pauwi, please' at nag-init ang ulo ko.

"Ihahatid ka na lang namin sa inyo. Baka kung mapaano ka pa sa daan," sabi ni Xander na lalong nagpakulo sa dugo ko.

Huminga ako nang malalim para magpigil. Hindi ko na matatagalan na kasama ang babaeng 'yan. Nai-plaster ko ang ngiti sa mga labi ko saka hinarap sila.

"Ihahatid mo pa ba siya Xander? O sige, mauna na ako. Baka kasi hinahanap na ako ni Kuya." Magsasalita sana si Xander pero inunahan ko. "Ingat kayo ha. And nice meeting you, Shan," sabi ko saka tuloy-tuloy na tumawid sa kabilang kalye.

Mabuti na lang at walang sasakyan nang mga oras na tumawid ako kasi hindi ko na pinagka-abalahang tignan ang daraanan ko. Ang mahalaga lang sa akin, makalayo sa kanila.

Nasa kabila na ako at naghihintay ng jeep pero hindi man lang tumawid si Xander. Kinakausap niya pa si Shan. Iritang-irita ako. Gustong-gusto ko nang may dumating na jeep. Pakiramdam ko kasi parang tutulo na ang luha ko.

Sandaling-sandali lang ay may paparating nang jeep. Ni hindi ko na binasa 'yung sign board at pinara agad 'yun. Mabilis akong sumakay at pagka-upo ay hindi ko na nilingon 'yung dalawa.

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon