Xander
Nagising ako sa pag-vibrate ng cellphone ko. 'Yung oras agad ang una kong napansin, mag-aalas-sais na pala ng umaga. Nakatulog na kami ni Mica dito sa carpet ng sala habang magkayakap kagabi. Napangiti ako at napa-iling.
Hindi ko muna binuksan ang text message na natanggap ko. Makakapaghintay naman 'yan, dadalhin ko muna si Mica sa kwarto niya nang makatulog na siya ng maayos.
"Xander..." bulong ni Mica habang nakapikit pa rin. Mukhang tulog pa siya at nananaginip lang.
Mabilis na hinalikan ko siya sa mga labi. Ngumiti siya ng bahagya at dumilat pero pumikit din naman agad. Binuhat ko na siya at iniakyat sa kwarto niya.
Ito ang unang beses na makita ko ang kwarto niya. Palagi kasi kaming nasa sala sa tuwing pupunta ako. Medyo makalat dito. May ilang damit sa sahig, hindi maayos 'yung kama, nakabukas 'yung isang pinto ng cabinet at magulo 'yung mga gamit sa study table niya. Napailing na lang ako, parang hindi sa babae 'tong kwarto.
Hindi ko napigilang ayusin ang mga gamit niya nang maibaba ko siya sa kama at kumutan. Napangiti ako nang makita ang picture naming dalawa sa study table niya na natabunan ng ilang libro. Ito 'yung picture na kinuha niya sa cellphone niya isang beses na gumagawa kami ng feasib. Hawak niya sa isang kamay ang cellphone na pinagkuha niya at ang isa naman ay nasa pisngi ko habang pinipilit niya akong ngumiti.
Bumalik ako sa kama para magpaalam sa kanya.
"Mica..." hinaplos ko pa ang buhok niya habang tinatawag ang pangalan niya.
"Hmmmn..."
Hindi siya dumilat pero nagpaalam na rin ako. Kung 'di niya man marinig, ayos lang. Basta nagpaalam ako.
"Uuwi na ako. Sweet dreams."
Nang hindi siya sumagot ay hinalikan ko siya sa mga labi. Hindi pa rin siya nagising kaya naiiling na lumabas na lang ako ng kwarto niya.
Nasa daan na ako nang maalala ang nag-text. Binuksan ko agad 'yun at binasa.
From: Shan
Xander? Magkita naman tayo o, 'di ko na alam ang gagawin ko.
Hindi ko alam kung anong iisipin sa text na 'yun. Bakit gusto niyang makipagkita? At sa ganitong kaaga pa? Kagabi nag-text siya pero hindi ako nag-reply. Kung tutuusin hindi ko naman masyadong pinagtuunan ng pansin 'yung sinabi niya.
Ngayon, tinignan ko ulit ang text niya kagabi at binasa.
From: Shan
Xan, nasaan ka? I need to talk to you. Please text back ASAP.
Sa paraan ng pagte-text niya, mukhang kailangan niya nga talaga ng tulong. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at pinidot ko ang reply.
To: Shan
Are you okay? Anong nangyari?
From: Shan
Oh God, Xan hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Magkita naman tayo sa park o.
To: Shan
Ngayon na?
BINABASA MO ANG
My Poker-Faced Guy
Romance[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang makikita sa mukha ni Xander kundi poker face. Kahit ba may nakakatawa, nakakalungkot, or nakakagalit na...