"Morning!" sabay na bati sa akin ni Claire at ng kaibigan niyang beki na si Andi. Randy ang totoong pangalan nito pero mas gusto nitong Andi ang itawag sa kanya. Girly daw kasi ang Andi kesa sa buo nitong pangalan na Randy.
"Morning din!" ganting bati ko. Ibinaba ko muna 'yung gamit ko sa upuan ko sa likod saka bumalik sa pwesto nila na nasa kalagitnaan ng room.
Maaga pa naman kaya pwede pang magdaldalan. Iilan pa lang kami sa classroom. Wala pa nga si Xander e. Kung tutuusin kasi thirty minutes pa bago 'yung unang subject namin.
Naupo ako tabi ni Claire at nasa harap namin si Andi na nakaupo naman sa armchair ng upuan sa harap namin. Noon ko lang napansin na nandun din pala si Geney. Nakaupo siya sa tabi ni Claire pero nakatagilid 'yung upuan niya kaya nakaharap siya sa amin. Tahimik lang siya at hindi masyadong umiimik. Ni hindi pa nga ako binabati niyan e. Nalaman ko lang ang pangalan niya noong tawagin siya kahapon ni Claire.
"Morning!" nakangiting bati ko sa kanya.
Tumingin lang siya sa akin saka ngumiti.
"Mukhang close na close na kayo ni Fafa Xander ha!" pukaw ni Andi sa atensyon ko.
"Ah, hindi naman."
"Hindi raw, pero sabay kayong nag-lunch kahapon tapos binigay niya pa sayo 'yung cheesecake niya. Pati tubig inabutan ka rin," susog naman ni Claire.
Paano nila nalamang kay Xander 'yung cheesecake na 'yun? Ang sabi ko kahapon sakin 'yun at kinain ko kasi nagugutom ako.
"Mahilig magbaon ng cheesecake si Xander kaya alam naming sa kanya 'yun! Wag kang magde-deny d'yan!" si Andi.
"Oo na, sa kanya nga 'yun. Pero gaya ng sabi ko kanina, hindi kami ganun ka-close. Nagsisimula pa lang 'yung pagkakaibigan namin."
Pinagtaasan pa ako ng kilay ni Andi. "Sabi mo e. Pero in fairness sayo ha, ang lakas ng charm mo! Akalain mong napasabay mo 'yun sa pagkain? E sa buong pagkakakilala ko dun ni minsan wala pa akong nakitang kasama niya."
Hindi na ako nagtaka sa sinabi ni Andi. Halata naman e. Kung wala nga ako baka wala pa siyang katabi sa likod. Sobra naman kasi 'yung upuan namin kaya pwedeng pwede kang mamili ng pwesto mo.
"Kutis mayaman a." Hindi ko napansin na kapit na pala ni Andi 'yung braso ko at tila ini-inspeksyon 'yun. "Anong sikreto mo 'te? Ang ganda ng balat mo," eksaheradang sabi niya saka itinabi pa 'yung hindi naman kaitiman niyang braso sa braso ko. Kung tutuusin, maganda rin naman ang balat niya.
"Inggitera talaga 'tong baklang 'to!" singit ni Claire.
"Nagsalita ang hindi! If I know insekyuridad ka rin sa skin ni Mica 'no," nag-roll eyes pa siya saka pinagpatuloy ang pag-inspeksyon sa balat ko. "Pati peslak wapak!" tinapik-tapik niya pa 'yung pisngi ko.
Natatawang inilayo ko sa kanya 'yung pisngi ko. Pati 'yung braso ko ay hinila ko na mula sa pagkakakahawak niya.
"Alagang perla yan 'te." Maya-maya ay sabi ko. Naalala ko kasi dati 'yung sinabi ni Yaya sa akin na maganda raw sa balat 'yung perla. Sabi ko pa nga sa kanya ay 'di ba sabong panlaba 'yun? Tinawanan niya lang ako saka sinabing basta maganda pa rin 'yun.
"Perla?!" halos patiling sabi ni Andi.
"Maka-react wagas!" tinakpan ko pa 'yung tainga ko na tila nabingi 'yun.
Tawa naman nang tawa si Claire. "Wag mong sabihin na gagamit ka nga ng perla?" tanong niya.
Ngiting-ngiti na tinaas-taas ni Andi 'yung mga kilay niya. "Malay mo naman maging kapareho ko ng kutis 'tong si Mica. Tignan mo o, mala porselana 'yung balat. Parang nakakatakot ngang hawakan kasi baka magasgas."
BINABASA MO ANG
My Poker-Faced Guy
Romance[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang makikita sa mukha ni Xander kundi poker face. Kahit ba may nakakatawa, nakakalungkot, or nakakagalit na...