Nine

168K 2.7K 105
                                    

"Kailangan nating makahanap ng lugar na madaling puntahan pero malayo sa kabahayan," ani Xander.

Alas nuebe pa lang ng umaga. Alas diyes pa talaga ang simula ng mga program dito sa school. Pero dahil nga sa atat 'tong si Xander na gawin 'yung research, ito kami ngayon maaga pumasok. Nahirapan pa nga akong bumangon kasi antok na antok pa ako. Gabing-gabi na rin naman kasi kami naka-uwi kagabi.

"O, e nasaan na 'yung sinasabi mong nakita 'natin' na lugar na ganyan? 'Di ba 'yun ang sabi mo sa panel?"

"Sinisisi mo ba ako kung bakit ito ang napiling research natin?" aniya.

Umiwas ako ng tingin. Well, sa totoo lang sinisisi ko naman talaga siya. E kung hindi niya ba naman sinabi 'yung mga magagandang bagay tungkol sa Frog Farm na 'yan e 'di sana hindi kami magpapakahirap ng ganito.

"Kung hindi natin napilit na ang unang choice nila ang mapili, magiging mababa ang initial grade natin. And I really think this Frog Farm is a great idea." Kinuha niya 'yung folder sa bag niya at iniabot sa akin.

"Nasa ganyang laki ang nasa isip kong lugar," itinuro niya 'yung drawing niya na puro rectangle tapos may measurement sa bawat gilid. "Kakailanganin din natin ang titulo ng lupa kaya kailangan ay kamag-anak o kaibigan man lang natin ang may-ari. Sigurado kasing walang magpapahiram ng titulo nila sa hindi nila kakilala."

Habang tinititigan ko 'yung drawing ay nag-iisip na ako ng property namin na may ganitong laki, madaling puntahan at malayo sa kabahayan. Tsk! Nag-iisip pa talaga ako 'no? Para namang may alam ako e wala akong pakialam sa mga properties ng pamilya namin.

"Sige, magtatanong-tanong ako sa mga kamag-anak namin. Baka sakaling may sumakto dito sa description mo," sabi ko at kinuha ang cellphone ko.

Nag-text agad ako kay Kuya Maico kung may ganoon kaming property. Siya kasi ang nakaka-alam ng lahat. Siya ang nagpapatakbo sa mga negosyo namin, siya ang bumibili ng mga bagong properties, basta siya lahat. Sana lang mag-reply siya. May topak pa man din 'yun ngayon. Iniwan kasi ng fiancé niya. Though hindi ko naman masisisi ang fiancé niya kasi kasalanan naman talaga ni Kuya.

"Okay, sige," si Xander.

Kumuha siya ng notebook at nagsimulang magsulat. Sinilip ko kung ano 'yun at nakita kong listahan 'yun. Hindi siya umiimik at patuloy lang sa pagsusulat.

"Heto 'yung mga kailangan nating gawin," iniabot niya sa akin 'yung notebook. "Tingin ko may kulang pa d'yan pero isiipin ko muna. Basta tandaan mo na yang mga nakasulat d'yan para mapaghandaan mo. Malaki-laki ang gagastusin natin sa research na 'to."

Wala namang problema sa akin ang gastos e. Err, oo nga pala limitado na 'yung allowance ko! Aiishh! Malay ko ba naman kasing may ganito pala akong subject at malaki ang magagastos? Naku, mukhang kailangan kong lumapit kay Kuya at humingi ng pera. Okay lang naman siguro tutal para naman sa pag-aaral ko. Saka wala nga palang pakialam sa mundo 'yun sa ngayon. Siguradong hindi ako magdadalawang salita.

Napatingin ako sa CP ko nang tumunog 'yun.


From: Kuya

Hi Mica! Si Ara 'to. Medyo wala sa kundisyon ang Kuya mo ngayon e. Ask Atty. Delgado tungkol sa tanong mo. I'm sure she can help :)


Wala sa kundisyon si Kuya? Tss. Malamang lasing na naman 'yun. Hay naku naman kasi, ayaw pang mag-move on e! Si Ate Ara ang sekretarya ni Kuya. Pinsan namin siya. Anak siya ng kapatid ni Papa.

Napagpasyahan kong 'wag na lang munang tumawag kay Attorney. Tutal Sabado naman bukas kaya pupuntahan ko na lang siguro si Kuya.

"Mica!" napatingin ako sa tumawag sakin.

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon