"Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ni Xander for the nth time.
I rolled my eyes and look at him. "Sikreto nga. Malalaman mo rin naman so be patient."
Nagkibit siya ng balikat saka tumingin sa labas ng bintana. Sakay kami ng FX ngayon paluwas ng Maynila. Malapit lang naman 'yun kung tutuusin kaya aabutin lang kami ng isang oras na biyahe dahil sa traffic.
Tinignan ko si Xander sa tabi ko. Ang cute niya sa suot na light blue polo shirt at jeans. Sabi ko kasi sa kanya ay mag-polo siya para ngayong gabi. Though parang mas okay kung slacks ang sinuot niya at black shoes, hindi naman masagwang tignan ang suot niya na jeans at rubber shoes.
"'Wag mo naman akong tunawin," aniya bigla.
"Ha-ha! Assuming naman masyado," bulong ko.
Ngumiti siya ng bahagya saka hinawakan ang kamay ko.
"Biro lang. Sige na titigan mo na ako," aniya saka hinalikan ang kamay ko.
Kinurot ko siya sa tagiliran na ikinatawa niya.
Hindi ko mapigilang pagmasdan siya lalo. Isang linggo na ang nakalipas simula nang makita ko siyang tumawa pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin mapigilang matuwa ng husto.
Kapag kaharap ang ibang tao, mukha siyang zombie katulad pa rin ng dati. Pero kapag kaming dalawa lang ang magkaharap, pakiramdam ko nagiging ibang tao siya. Ngumingiti, tumatawa... nagagalit din kung minsan. Mas gusto ko ang Xander na 'yun kaya mas gusto kong malayo kami sa karamihan palagi.
Naglakad pa kami ng konti bago nakarating sa restaurant kung saan ako nagpa-reserve. Ngayong gabi kasi, ipapakilala ko si Xander kay Mama at Ate Mariela. Umuwi sila dito para lang magkasama-sama kami. Minsan na lang kasi 'yung sa isang taon at ngayon nga nagkaroon ng oras ang lahat.
"Nandito na tayo," nakangiti pag sabi ko kay Xander pagkatapat namin sa resto.
Kumunot agad ang noo niya. "Mahal dito 'di ba?" aniya sa hindi nagtatanong na tono. Dahil tingin pa lang, mahal na talaga sa restaurant na 'to.
Nagkibit lang ako ng balikat saka hinila siya papasok.
"We have a reservation for Mica Buenaventura," sabi ko sa babae.
Ngumiti naman ito at itinuro ang daan. "This way Ma'am."
Naupo kami sa mesang itinuro ng babae. Halata ang pagtataka sa mukha ni Xander dahil panlimahan ang naka-reserve na pwesto sa amin. Hindi ko mapigilang mapangiti. I really love how he show his emotions in front of me. Mahirap kasi talagang hulaan ang mga 'yun.
"Sinong hinihintay natin?" tanong niya.
Sasagot na sana ako nang saktong namataan ko sina Mama, Kuya Maico at Ate Mariela. Itinuro ko sila kay Xander kasabay ng pagtayo. Tumayo din naman agad si Xander habang hinihintay naming makalapit sila.
"Xander, I want you to meet my family," sabi ko pagkalapit na pagkalapit ng tatlo.
Naging uneasy si Xander pero bahagya pa rin siyang ngumiti.
"This is my Mom, my Ate Mariela and of course you know Kuya Maico." Pagpapakilala kong isa-isa sa kanila. "And guys, this is Xander, my boyfriend."
Inilahat agad ni Ate Mariela ang kamay niya para makipag-shake hands. "Nice meeting you Xander," aniya. Inabot naman 'yun ni Xander at ngumiti lang ng bahagya kay Ate.
"Ang gwapo naman ng boyfriend mo anak," sabi sa akin ni Mama. "Hi," baling niya kay Xander. "I'm Michaela's mother. It's so nice to finally meet you. Marami nang na-kweto itong si Maico habang nasa daan kami."
BINABASA MO ANG
My Poker-Faced Guy
Romance[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang makikita sa mukha ni Xander kundi poker face. Kahit ba may nakakatawa, nakakalungkot, or nakakagalit na...