Mica
Alas-syete na ng gabi nang dumating si Xander sa bahay. Pagkapasok na pagkapasok niya ng pinto, niyakap niya agad ako ng mahigpit.
"Xander? Okay ka lang?" medyo natatawang tanong ko. Hindi naman kasi siya basta na lang yumayakap ng ganito e. Hindi naman sa nag-cocomplain ako, nakakapagtaka lang.
Tumango siya pero hindi humiwalay ng yakap sa akin.
"So, gusto mo lang ng yakap, ganun?" tanong ko pa.
Hinalikan niya ang buhok ko saka tumango. "Na-miss lang kita," aniya.
Lumakas ang tawa ko dahil doon.
"Kaninang umaga lang tayo huling nagkita. Besides..." inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya saka nagpatuloy, "magkatabi tayong natulog kagabi," sabi ko.
He chuckled. Inialis niya ako sa pagkakayakap niya at mariing hinalikan sa mga labi.
"I love your lips. Parang cotton candy."
I pouted and looked at him. "Yung lips ko lang ang mahal mo, ganun?"
Ginulo niya ang buhok ko saka hinawakan ang baba ko. "No, of course not. I love you more than your lips." Tinignan niya ang mga gamit sa sala saka ngumiti. "Handang-handa ah?"
"Yeah, tara manood na tayo."
Naupo kami sa sahig at sinimulan ang unang pelikula. Kay Kuya Maico ang mga DVD na 'to at nakita ko lang sa kwartong ginagamit niya sa tuwing dito siya umuuwi. 'di ko nga akalain na mahilig siya sa mga ganito eh.
Bumili rin ako ng popcorn at juice kanina para naman may makain kami ni Xander habang nanonood. Meron din akong binili na sandwiches just in case na 'yun ang gusto niyang kainin.
Nasa kalagitnaan na kami ng movie nang mapansin kong hindi naman nanonood si Xander. Nakatungo lang siya at mukhang malalim ang iniisip. Nag-alangan pa ako pero nai-pause ko rin ang palabas saka hinarap siya.
"Okay ka lang ba talaga?" tanong ko kay Xander.
Mukhang nagulat pa siya sa tanong ko. Napatingin din siya sa TV, hindi niya napansin na nai-pause ko pala 'yun. Huminga siya ng malalim saka bahagyang tumango.
"Sigurado ka? Parang lumilipad ang isip mo e," tanong ko pa.
Hindi siya agad sumagot. Nakatitig lang siya sa popcorn saka bumuga ng hangin. Mayamaya ay hinawakan niya ang kamay ko saka tumingin sa akin. "I'm okay, manood na ulit tayo," aniya.
Tumango na lang ako saka tumingin sa TV. Hindi na ako nag-isip at nai-play na lang ulit ang palabas.
~*~
Something's off. May problema si Xander pero ayaw niyang sabihin sa akin. It's been a week at palagi na lang siyang ganito. Tahimik lang, malalim ang iniisip at ang masaklap, bumalik na naman siya sa dating walang emosyon na hitsura niya. Kahit sa harap ko ganito siya.
Araw-araw siyang nagmamadaling umuwi. Pagkarating pa lang sa pinto ng bahay ko aalis na siya na para bang may virus sa loob nun at ayaw niyang makakuha. Kapag tinatanong ko naman kung saan siya pupunta, sasabihin niya lang na may aasikasuhin siya.
"Mauna na ako," si Xander.
Like I thought, ganito ulit ngayong hapon. Aalis na naman agad siya. Parang feeling ko nga na-oobliga na lang siyang ihatid ako.
"Okay," sabi ko na lang saka tumalikod.
Papasok na sana ako sa loob nang pigilan niya ako sa braso. Tinignan ko siya sa nagtatanong na mga mata at bigla na lang, hinila niya ako palapit sa kanya at hinalikan sa mga labi. Mabilis na kumapit ako sa batok niya. I missed this, I missed him.
BINABASA MO ANG
My Poker-Faced Guy
Romance[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang makikita sa mukha ni Xander kundi poker face. Kahit ba may nakakatawa, nakakalungkot, or nakakagalit na...