Forty Eight

102K 2.2K 118
                                    

Napapitlag ako nang may umakbay bigla sa akin. Pagkalingon ko, si Claire pala. Akala ko pa man din si Xander na. Nasa gilid kami ngayon ng stage at nanonood sa mga naglalaro sa harap.

Seniors week ngayon at naglalaban-laban ang lahat ng graduating. Dahil pareho kami ng course ni Claire, magka-team kami. Red ang kulay ng team namin kaya naman 'yun ang suot namin.

"Go Andi!" sigaw ko nang si Andi na ang nakasalang.

Hindi ko alam kung anong tawag sa nilalaro nila. Basta may suot siyang tali na may talong sa dulo at 'yun ang gamit niya para matulak 'yung bato papuntang finish line. Natatawa kami ni Claire sa hitsura niya. Seryosong-seryoso siya habang titig na titig sa bato at pinatatamaan 'yun.

"Manalo ka lang, Andi, iki-kiss kita!" narinig kong sigaw ng isa sa classmate naming babae. "Lips to lips!" sigaw pa ulit nito.

Mukhang hindi naman 'yun narinig ni bakla dahil naka-concentrate pa rin siya. Mayamaya, sa isang tulak lang, lumagpas na ng finish line ang bato. Sabay-sabay kaming napasigaw dahil sa pagka-panalo.

Mayabang na nag-fashion show si Andi sa stage habang kumakaway-kaway pang parang beauty queen. Nang makalapit siya sa host, inagaw niya ang mic saka humarap sa gawi namin.

"Sino 'yung sumisigaw kanina na iki-kiss ako?" Nagboses lalaki siya nang sabihin 'yun kaya nagtawanan kaming lahat. Nag-astang maton pa siya at ginaya si FPJ.

Hindi magkamayaw sa pagtawa ang madla habang ang mga classmates namin, nagtuturuan. Ilang sandali lang, may naitulak na sila papuntang stage. Si Riza, isa sa pinakamakulit sa klase. Ang pwedeng ipantapat kay Andi.

Lumapit siya kay Andi at nameywang. Tinaasan naman siya ng kilay ni bakla.

"Kiss mo na ko bebi boy," nakangusong sabi ni Riza.

Mas natawa kami sa ginawa niya. Sabi na nga ba, may kalokohan na namang gagawin yan e. Hindi yan aatras sa ganyan dahil nakapal din ang mukha niya.

Si Andi, mukha namang matatae sa reaksyon. Tinignan niya si Riza na tila nandidiri siya saka sumigaw, "Yuck! Kadiri ka!" aniya sabay hampas sa braso ng babae. Nasa ganung ayos sila nang may maramdaman akong malamig na bagay na pumulupot sa braso ko kasabay ng pagtakip sa ulo ko ng tela.

"Hoy!" sigaw ko agad.

"Relax lang," narinig kong sabi ng isang babae sa tabi ko. Kilala ko ang boses niya, si Geney.

"Anong meron, Gen? Bakit kailangang may ganito?" tanong ko.

"Basta, chill."

Hindi na ako pumalag at sumunod na lang. Inalalayan nila ako papunta sa kung saan dahil wala akong makita.

Palakpakan ang sumalubong sa amin nang sabihin ni Gen na naroon na kami. Ipinwesto nila ako sa hindi ko malamang posisyon at naramdaman kong may pinagkabitan 'yung nakalagay sa braso ko. Posas 'yun, sa hula ko.

Mayamaya lang ay inalis nila ang takip sa ulo ko. Nagulat ako nang makita si Xander sa harap ko. Halatang nagulat din siya nang makita ako.

Nilinga ko ang paligid at natanto kung nasaan kami. Marriage booth. Tss. Talagang may ganito pa? Uso pa pala 'to?

Pinaharap nila kami sa 'pari' para daw simulan ang seremonyas.

"Mukhang napa-aga ang pagpapakasal natin a?" bulong ni Xander sa akin.

Natawa ako ng bahagya. "Oo nga e," sabi ko.

Iniabot sa amin ang dalawang plastic na singsing na may design na mata sa gitna. Umiikot-ikot pa 'yun pag ginalaw mo. Naiiling na kinuha ni Xander ang isa saka inilagay sa daliri ko, katabi ng singsing na ibinigay niya sa akin.

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon