Xander
Ilang minuto na rin sa loob si Mica. Dito ko lang siya hinihintay sa lobby para sabay na kaming umuwi. Marami na rin namang pagkakataon na hindi kami nakakapagsama kaya dapat sulitin ko ang oras na ito.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa sarili ko. All I think about is her. Kung anong magiging future niya sa akin, kung magiging masaya ba siya. I want to give hereeverything. Ang gusto ko, magbuhay reyna siya sa piling ko kung paanong prinsesa ko siya ngayon. Siya lang ang nakikita kong makakasama ko habambuhay, walang iba.
Pinag-aaralan ko lahat ng pasikot-sikot sa pagpapatakbo ng negosyo. Sa bawat ginagawa ko, si Mica ang nagiging motivation ko. Para siyang krudo na nagpapatakbo sa akin.
"Tara na?" ani Mica. Ni hindi ko napansin na nakalabas na pala siya ng opisina ng Mommy niya.
Tipid akong ngumiti sa kanya. "Okay," sabi ko saka kinuha ang kahon na bitbit niya. "Ito na ba ang isusuot mo bukas?" tanong ko.
Tumango siya saka kumapit sa braso ko.
"Iuwi na muna natin 'to senyo tapos may pupuntahan tayo."
Nagliwanag agad ang mukha niya. Humarap pa siya sa akin saka humigpit ang kapit niya.
"Talaga? Saan naman?" tanong niya.
"Basta, surprise 'yun." Tumingin ako sa relo ko. Kulang isang oras din bago kami makarating sa kanila.
Nag-taxi na lang kami para hindi na mahirapan sa bitbit namin. Kahit pa magaang lang 'yun, malaki pa rin at mahirap isakay sa pampublikong sasakyan.
Alas-sais na nang makarating kami sa apartment nina Mica. Ibinaba lang talaga namin ang gown niya saka umalis din agad.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong niya.
"Malalaman mo rin."
Hindi na lang siya umimik at tumingin na lang sa labas ng jeep na sinasakyan namin.
Tinititigan ko lang siya habang nakadungaw sa labas. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Halu-halong emosyon. I'm making a big move para sa aming dalawa at hanggang ngayon, hindi ko pa rin mapagdesisyunan kung tama nga ba 'yun.
Iniakbay ko ang braso ko sa kanya. Hindi ko 'to normal na ginagawa pero sa ngayon, ito lang ang gusto kong gawin. Wala akong pakialam sa tingin ng mga tao dahil ang mahalaga lang ay si Mica.
"Bakit tulala ka d'yan?"
Napatingin ako sa tanong niyang 'yun. Nagkibit lang ako ng balikat at hinigpitan ang pagkaka-akbay ko sa kanya.
"Iniisip lang kita," sabi ko.
Mica
Dati, kapag nakakakita ako ng couple na naglalampungan sa jeep, naiirita ako. Parang gusto ko na silang pagsabihan. Pero ngayon? Wala akong paki-alam sa paligid. Kung meron mang nakatingin ng masama sa amin at iniisipan kami ng kung anu-ano, bahala sila. Ang mahalaga lang, si Xander.
Ganito pala ang feeling ng mga couple na kinaiinisan ko dati. Masaya lang, walang pakialam sa mundo.
Napagiti ako nang bumaba kami ng jeep. Nasa isip ko nang dito niya ako dadalhin pero baka hindi, kaya nanahimik na lang muna ako.
Na-miss ko ang lugar na ito. Tinignan ko ang karatula sa harap at naiiling na napangiti.
Power-Pop Curls.
Masaya kaming pumasok sa loob kahit nakalagay sa harap ay "closed". Napatingin pa ako kay Xander dahil mukhang alam niyang isinarado ang store sa oras na 'yun. Dun lang pumasok sa isip kong ninang niya nga pala ang nagmamay-ari nito.

BINABASA MO ANG
My Poker-Faced Guy
Romance[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang makikita sa mukha ni Xander kundi poker face. Kahit ba may nakakatawa, nakakalungkot, or nakakagalit na...