Six

175K 3.1K 357
                                    

"Magandang tanghali po," bati ko sa Papa ni Xander na sumalubong sa akin sa gate.

Sabado na ngayon at napag-usapan namin ni Xander na ngayon aayusin ang proposals namin na ipi-present sa Martes. Kailangan na namin 'tong matapos para mapaghandaan pa namin 'yung pagpapaliwanag sa araw ng presentation.

Nakakainis 'yang Xander na 'yan! Arrgg! Hindi man lang ako sinundo sa kanto ng subdivision nila. Naligaw tuloy ako. Kanina pa ako paikot-ikot sa labas. Mahina kasi ako pagdating sa mga lugar na bago sa akin kaya kailangan ko lagi ng guide. Madalas nga kahit may guide na naliligaw pa rin ako. Ewan ko ba, pag binigla mo nga akong tanungin kung saan ang kanan at kaliwa, malilito pa ako.

Pati noong papunta pa lang ako sa subdivision nila muntik na akong maligaw. Maling jeep kasi ang nasakyan ko. Malay ko bang dapat may "High way" na nakalagay sa sign? Yan tuloy, sa bayan ako napunta. Nag-tricycle pa ako papunta sa kanto ng subdivision nila.

"Magandang tanghali naman hija. Nasa taas si Xander, halika't ihahatid kita sa study room," itinuro niya pa ang hagdan.

Tumalima naman ako at lumakad papunta sa daang tinuturo niya.

"Pasok ka hija," nakatayo kami sa harap ng pintuan. Tinignan ko 'yung loob. Grabe ang laki ng study room nila. Maraming libro doon sa dalawang book shelf sa magkabilang gilid, may isang malaking mesa sa gitna, TV sa isang sulok at may sofa pa roon. "Tatawagin ko lang si Xander sa kwarto niya," pukaw ng Papa ni Xander sa akin.

Tumango ako. "Salamat po Mr. Montemayor."

"Tito Alex na lang hija," aniya pa saka tumalikod at nagpunta sa kwarto ni Xander.

Pumasok na ako sa loob at hinila ang isang upuan doon sa malaking mesa. Inilapag ko roon 'yung notebook ko saka tumingin sa paligid. Napagpasyahan kong tignan muna 'yung mga libro saka maupo. Nakakamangha ang mga libro rito. Sobrang dami! Hindi ako fan ng mga books kaya naman nalulula ako. Paano kaya nila nababasa lahat ng mga librong 'yan? Ako nga isang libro lang ang tagal ko na bago matapos e. Mas gugustuhin ko pang mag-sagot ng crossword puzzle kaysa magbasa. Nakakatamad kaya!

Napatingin ako sa pinto ng bumukas 'yun. May pumasok na estatwa, este anghel, este si Xander pala. Puting puti naman kasi 'yung suot. Puting t-shirt, puting shorts at puting tsinelas. Model lang ng white color? Pero in fairness, ang gwapo niya tignan!

"Late ka ng isang oras," tumingin pa siya sa wrist watch niya na ngayon ko lang napansin—white din. "Sa susunod, on time ka na pumunta para hindi nakaka-aksaya ng oras."

"Kanina pa kaya ako text ng text! Naligaw ako tapos 'di mo man lang ako tinulungan," inis na sabi ko.

"May utak ka naman 'di ba? Bakit hindi mo gamitin? Madali lang naman hanapin ang bahay namin," lumapit siya sa akin at pinaupo ako. Inilapag niya naman 'yung laptop niya sa harap ko.

"E sa mahina ako sa direksyon e! Kasalanan ko pa ba 'yun?" mangiyak-ngiyak na sabi ko bago pa siya makalabas ng pinto.

'Di niya pinansin 'yung sinabi ko. "Magsimula ka na, kukuha lang ako ng makakain sa ibaba. Buksan mo na lang 'yan wala naman 'yang password." Tuluyan na siyang lumabas pagkasabi nun.

Kainis na 'yun, walang konsiderasyon. Nahirapan kaya ako paghahanap ng bahay nila. Porke ba mahina sa direksyon 'di na agad gumagamit ng utak? 'Di ba pwedeng 'di lang talaga kaya ng ga-buto ng kasuy na brains?

Sinimulan ko nang buksan 'yung laptop at naghintay. Ang tagal bumukas. Parang may galit lang sa akin at ayaw magpagamit. Kaasar! Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay 'yung mabagal.

Pagkabukas na pagkabukas ng screen ng laptop niya, nanlaki agad 'yung mga mata ko at inilapit ko pa ng husto 'yung mukha ko roon. First time ko lang makita na may kasama si Xander, sa picture pa 'to. Babae 'yun, nakaakbay siya at ito ang talagang napansin ko, nakangiti siya. As in 'yung ngiting malapad. Abot pa 'yun sa mga mata niya. Shet! Lalo lang siyang gumwapo sa ngiti niyang yan!

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon