Sixteen

153K 3.1K 421
                                    

Binuksan ko ulit 'yung gripo saka naghilamos. Pakshet, naka-ilang hilamos na ba ako? At bakit ba kasi namumula ako? Pakiramdam ko pa rin ay nag-iinit 'yung mga pisngi ko. Sa tanang buhay ko, ngayon lang nangyari sa akin 'to. Ilang beses na rin akong nagka-boyfriend pero hindi naman ako nagkaroon ng ganitong reaksyon. Samantalang ngayon, tinutudyo lang kami... waaaah! Mababaliw na ako!

Hinilamusan ko pa ulit ang mukha ko saka ko na-realize na wala nga pala akong dalang panyo. Inilagay ko iyon sa bag ko kanina nang papasok ako sa room. Tsk! Wala pa man ding libreng tissue rito! Ihinilamos ko ulit 'yung kamay ko na basa rin sa mukha ko para mabawasan ang pagtulo ng tubig mula doon at pumunta sa vendo para bumili ng tissue.

Pinunasan ko agad ang mukha ko pagabukas ng pakete ng tissue. Hindi ko pa man natatapos punasang maigi ang mukha ko ay bigla na namang sumingit sa isip ko 'yung hitsura ni Xander kanina at ang panunudyo ng mga kakalase namin. Waaah! Ayoko na please! Tama na po! Mariin ko pang ipinikit ang mga mata ko saka marahas na umilin. Peste kang Xander ka ginugulo mo ang isip ko!

Sampung minuto pa bago mag-time kaya naman hindi ako nagmamadaling naglakad pabalik sa room. Ayos na rin 'to para 'di ko muna makita 'yung ugok na 'yun.

"Mica!" Napalingon ako nang marinig ko 'yung boses ni Josh.

"Uy, Josh! Wala kang klase?" Tumingin ako sa wrist watch ko. Dapat kasi may klase siya sa mga oras na'to.

"Hmmn, wala e. Absent ang Prof namin. E ikaw? Malapit na ang klase niyo a?" tanong niya.

"Ah, nag-CR lang ako pabalik na rin ako sa klase. May ten minutes pa naman pati."

Tumango-tango siya. Nakatingin siya sa kawalan nang tila may naalala at ngumiting bigla. Tumingin siya sa akin, kita ang excitement sa mukha niya.

"Oo nga pala, kaya ako nandito, ibabalita ko lang sana sayo 'yung pagsali ko sa Mr. Engineering. Actually, pinilit lang ako ng mga classmates ko. Haha. Gusto ko sana nandoon ka 'pag pageant ha."

Ow, Mr. Engeneering pala ha? Mukhang wala sa personality niya ang sasali sa mga ganun pero looks can be deceiving nga naman. Kung sabagay, may hitsura naman siya. Err, oo na, gwapo nga siya. Though mas gwapo si Xander sa opinyon ko.

Magkaiba lang siguro sila ng looks. Pati ugali at pakikitungo sa tao. Kung si Xander 'yung tipo na walang pakialam sa mundo, si Josh naman 'yung akala mo tatakbo sa pagka-mayor sa susunod na eleksyon kung makabati sa lahat.

"'Di ba may talent portion 'yun? Anong talent ang gagawin mo?" Medyo na-excite ako. Gustong-gusto ko kasing nanonood ng mga talent ng ibang tao. Palibhasa kasi, wala ako nun. Puro ganda lang ang meron ako (chos!). Pero seriously, naiinggit ako sa mga taong may talent. Hindi kasi ako biniyayaan nun, puro mukha lang. At oo, paulit-ulit ako.

"Bale ang balak ko, kakanta ako at sasabayan ko ng gitara."

Literal na nanlaki 'yung mga mata ko. Sa lahat kasi ng talento, pagkanta ang gusto kong makuha. Noong bata nga ako trying hard pa ako e. Ilang beses na rin akong nabato ng throw pillow ni Kuya Maico dahil nauubos na raw 'yung mga salamin at baso sa bahay dahil sa galit sa boses ko, nagpapaka-basag na lang. Ang OA lang, samantalang dalawang baso lang naman 'yung nabasag dahil nagulat 'yung katulong namin sa pag-birit ko.

"Whoah! Marunong kang kumanta?!" excited na tanong ko sabay kapit pa sa braso niya. "At nag-gigitara ka pa?" Malaking points na sa akin ang marunong kumanta e pero ang marunong pang maggitara? Amp! To the highest level na yan!

"Konti lang," aniya saka nahihiyang nagkamot pa ng ulo.

"Aysus! Pa-humble pa o! Kailan ba 'yun? Puputa ako! Asahan mong ako ang pinaka-malakas na magchi-cheer sayo!"

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon