CHAPTER 5

475 20 0
                                    

Elmo's P.O.V.

Pinupunasan nya ang sarili ng twalya. Malaki ang naitulong ng malamig shower para maibsan ang init ng kanyang katawan.

"Gising na kaya sya?" tanong nya sa sarili, pagkuwa'y nailing sya. "Ano bang pake ko sa babaeng yon."

Binalot nya ng twalya ang lower part ng kanyang katawan at kumuha sya ng isa pang twalya para ipampunas sa basa pang buhok.

Lumabas sya ng banyo. Pag-angat nya ng mukha ay natigilan sya--

Ang magandang babae, galit na galit hawak nito ang lampshade at akmang ipupukpok yun sa ulo nya. Buti nalang at nakailag sya.

"Walanghiya ka! Anong ginawa mo sa'kin ha?!" galit na sigaw nito.

Nabitawan nya ang hawak na twalya. "Huh?! Anong--"

"Aba't nagma-maang-maangan ka pa ah!" putol nito sa ibang sasabihin nya.

"Teka lang, miss ah wala akong ginawa sayo!" sabi nya.

"Anong wala! Eh anong ginagawa ko dito sa kwarto mo? O Baka naman, gagawin mo palang! Ano? Manyak ka!" sabi nito at akmang ipapalo na naman sa ulo ang lampshade.

"Miss wait lang, kalma ka lang! Ibaba mo muna yan at magpapaliwang ako." pagpapakalma nya sa babae.

"Bakit ko'to ibababa? Anong akala mo sa'kin tanga? Go on! Magpaliwang ka bago ko pa 'to ihampas sa ulo mo!" galit na sabi nito.

Napanting na rin ang tenga ni Elmo. Ito na nga ang tinulungan nya tas sya pa ang mabubububog. "Ikaw pa ang galit ha!" matapang na sabi nya. Handa na sya mapalo ng lampshade sa ulo. Basta di uurungan ang babaeng 'to!

Meant To Be..My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon