EIGHT
Gabi na nang lumabas si Elmo ng kanyang kwarto.
Naabutan nya ang mga magulang sa dinning room. Humila sya ng isang upuan at nagsimulang kumain. Dere-deretso lang syang kumain. He didn't bother to look up. Alam nyang tinitignan sya ng kanyang mga magulang."Brace yourself, Man. I feel another sermon is coming.." babala nya sa sarili.
"Your mother said, you went to Batangas yesterday. Pumapasok ka pa ba sa trabaho, Elmo?" usisa ni Sir Morris sa anak.
"Of course Pa." sagot nyang nanatiling nakayuko.
"I don't go there everyday. Marami akong inaasikasong iba pang mga businesses. But I told to them not to give you a special teatment. So magtrabaho ka kundi hindi sila magdadalawang isip na i-fire ka." sabi ng kanyang ama.
Tumigil sya sa pagkain at hinarap ang ama. "They wouldn't dare to do that." confident na sagot nya.
"And why not?" kunot noong tanong ng ama nya.
"Dahil hindi ko pinababayaan ang trabaho ko." he flashed him a bright, reassuring smile.
"Wag mo akong ngitian ng ganyan. You're not going to charm your way out of this." sabi nito.
"Why not? It always has before" sagot nya.
Naiiling ito. "How old are you, Elmo?"
"Uhm.. 25 Pa." sagot nya
"Did you know that at 25, I had my own company.."
"Agh! Here we go again." sabi nya sa isip.
Napabuntong-hininga na lamang si Elmo. Ilang beses na ba nyang narinig ang kwento ng Papa nya. Kung panong sa batang edad nito ay nakapagpundar na ito ng malit na kompanya gamit ang mana na nakuha nito sa lolo't lola nya. Magkahalong dugo at pawis ang ipinuhunan nito sa pagpapalago ng negosyo. Nagtagumpay nga ito at nakapatayo ng ilang businesses.Including E-media Advertising Co. kung saan sya nagtatrabaho bilang account executive. Kung tutuusin ay dapat ipinaubaya na nito sa kanya na anak, pero hindi nito magawa dahil hindi sya nito kinakitaan ng sipag at interes sa pagtatrabaho.
"....kaya pakinggan mo kami ng Mama mo. Hindi ka namin ipapahamak. You are our only son. S'an pa ba mapupunta lahat ng pinaghirapan namin kundi sayo din. Pero sana naman, do your part. Alam ko namang matalino ka, Elmo. Get your act together! Kaya hindi mabigyan ng maganda-gandang posisyon sa kompanya eh, dahil hindi ko nakikitang nagtatrabaho ka nang maayos. Naiintindihan mo ba ako?" tanong ng kanyang papa.
Hindi sya kumibo. Tinapos lang nya ang pagkain at pinunasan ang bibig.
"Moe.." sabi ng kanyang ina.
"Yeah, I undestand. Anyway, I'm goin' out. Don't wait up for me," sabi nyang tumayo at hinalikan sa noo ang ina."Bye!" paalam pa nya. Saka dere-deretso syang lumabas ng bahay.
Napabuntong-hininga nalang ang kanyang mga magulang.
************
A/N: So, he's a happy go lucky guy eh!

BINABASA MO ANG
Meant To Be..My Destiny
FanfictionSerendipity.. Destiny.. OR.. Meant To Be? This is my second JuliElmo Fanfiction Story. Hope ya'll like it! ;-)