CHAPTER 24

386 17 2
                                    

TWENTY FOUR

Tinaasan sya nito ng kilay. "Duh! I mean.. not that kind of curse! Sumpa! yun ang ibig kong sabihin."

"Ah ganun ba? hehe.. " sabi nya. "Ano klaseng sumpa naman yon?"

"Something like..' Ang sinumang magkamal ng kayamanang ito ay kasawiang palad ang katubas.' " pagkukuwento ni Julie.

"Sino naman kaya ang nalagay ng sumpang yon sa baul?" tanong nyang lalong napukaw ang interes sa kwento.

"Siguro yung nagbaon ng baul na yun dun sa kweba. Anyways, So dumating ang 3rd sunday of the month, and then si Lolo Daniel daw ay dumaan muna sa bangko para kumuha ng pera. Siguro mahaba ang pila nang araw na yon kaya na-miss nya yung unang sched ng byahe ng train na usual nyang sinasakyan. So he had to take the next one, which he did. Gabi na nang makarating sya ng maynila. Pag baba nya sa train station, nagulat sya kasi parang nagkakagulo ang mga tao roon."

"Baka nalaman ng mga tao ron na milyonaryo na ang lolo mo at gusto nilang manghingi ng balato." natatawang hirit ni Elmo.

Tinitigan lang sya nang matalim ni Julie. Ngumiti lang ng nakakaloko.

"Sinusundo kasi lagi ng kasintahan nya si lolo Daniel sa train station," muling pagpapatuloy ni Julie. "That night, hindi alam ng kasintahan nya na gagabihin sya. Kaya naghintay lang ito ron sa pagdating nya. While waiting, may mga di kilalang lalaki ang umatake dun sa girl ni rape nila ito at pinatay.."

Natahimik si Elmo.

"Ang pinagkakaguluhan pala dun sa station ay ang bangkay ng kasintahan niya. Hindi na nalaman kung sino ang humalay at pumatay dun sa girl." malungkot na sabi ni Julie.

Meant To Be..My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon