THIRTY TWO
Naabutan nya ang ina pagbaba nya sa kumedor. Humalik muna sya sa pisngi nito bago umupo sa katabing upuan.
"Asan po si Papa?" tanong nya sa ina.
"Kanina pa umalis. May meeting daw sya ng 8am." sagot nito.
Nag-umpisa na syang kumain.
"Your aunt called. Mag-lu-lunch daw kayo mamya. Nami-miss ka na daw nya." maya-maya'y sabi nito.
"Ma.." anya. Alam nyang kukulitin na naman sya ng Tita nya tungkol sa babaeng pinapa-blind date nito sa kanya.
"Come on, Son, i-meet mo na ang auntie mo. Alam namang nangungulila yon sa anak nyang namatay. Magkasing-age lang kayo nung anak nya kaya yun..Saka di ba may ipapakilala daw sya sayo?" excited na sabi ng kanyang ina.
"Tss. I knew it!" aniya sa isip.
"Mama naman!" reklamo nya.
"Sige na. Wala ka namang girlfriend ah!" pamimilit nito.
"Girlfriend.." biglang pumasok na idea sa isip nya. "Tama!"
"May girlfriend ako!" biglang sabi nya.
"Ows? Sino?" diskumpiyadong tanong ng ina sa anak.
"S--si..si.. Julie Anne!" maski sya ay nagulat sa pangalang lumabas sa kanyang bibig.
"Julie Anne? And her family name?" taas kilay na tanong nito.
"S--San Jose." sagot nya.
"Ilan taon sya? Tapos ba ng pag-aaral? Saan nakatira?" sunod-sunod na tanong nito.
"Ma.."
Umiling ang mama nya. "Naku bata! Nagsisinungaling ka na naman ano para makalusot?"
"Ma, hindi po!" tanggi nya.
"Eh bakit di mo masa--"
"She's a pre-school teacher! Sa Dream Star Learning Academy dun sya nagtuturo. " mabilis na sagot nya.
Tinapos ni Madam Eloisa ang pagkain saka tumayo.
"Bueno halika, puntahan natin sya para malaman ko kung totoo nga yang pinagsasasabi mo!" yaya nito sa anak.
"P--pero Ma.." protesta nya.
"Ay! Wala nang pero-pero! halika na!"
Walang nagawa si Elmo kundi sumunod sa ina.
TBC..
**********
Sorry sa typo & grammar errors ;-)Vote..
Comment..
BINABASA MO ANG
Meant To Be..My Destiny
FanfictionSerendipity.. Destiny.. OR.. Meant To Be? This is my second JuliElmo Fanfiction Story. Hope ya'll like it! ;-)