FOURTY SIX
"Bilib na talaga ako sayo bro," naiiling na sabi ni Drake. Nasa Blue's Top uli ni Elmo. Uminom uli ito sa hawak na beer bago muling nagsalita."Mahal mo ba talaga si Julie Anne? Kahit na problemado sya at me pagka-lasengga?"
Napabuntong-hininga si Elmo. "Ewan ko ba, Bro. You know naman na ayaw na ayaw ko sa mga babaeng umiinom diba? At mas lalong ayoko sa babaeng naglalasing. Pero sa tuwing pinagmamasdan ko sya...iba eh!"
"Panong iba?" kunot-noong tanong ni Drake.
"Alam mo yung tipong.. Pag tinitignan ko sya. I see the the future, I see kids, I see grandchildren," parang nagde-daydreaming na sabi ni Elmo. "at pag di ko sya nakita o naka-usap sa loob ng isang araw pakiramdam ko mababaliw ako."
"Whoa! Man, you're scaring me." gulat na sabi ni Drake. Ngayon lang kasi nito nakita si Elmo na nagka ganon dahil sa isang babae.
"I'm scaring myself. Kasi lagi ko syang iniisip. Tsaka minsan naiisip ko pano kung.. kung bumalik yung ex nya at marealize nya na mahal pa rin nya ito. I can't imagine myself without Julie. I can't let her go." pag-amin ni Elmo.
Tumingin si Elmo sa glass wall. Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/64982046-288-k729679.jpg)
BINABASA MO ANG
Meant To Be..My Destiny
FanfictionSerendipity.. Destiny.. OR.. Meant To Be? This is my second JuliElmo Fanfiction Story. Hope ya'll like it! ;-)