FOURTY FIVE
Hindi sya sumagot. Sa halip ay tinitigan lang nya ang ina.
Ang 'him' na tinutukoy nito ay ang kanyang ex-boyfriend na si James.
Pinakiramdaman nya ang sarili.
Paano ba nya makakalimutan si James, ito ang first love nya? Isang mabait taong walang ginawa kundi mahalin pasayahin sya.Si James ang nagbigay nang kahulugan sa walang direksyon nyang buhay. Galing din ito sa isang de buena familia, pero mas pinili nitong maging pintor kesa pamahalaan ang negosyo ng pamilya nito. Ang dami nilang pagkakatulad sa buhay kaya madali silang nagkasundo. Pareho silang mahilig sa pagpipinta pero si James lang ang nagfull time dito. Naging busy na kasi sa pagma-manage ng pre-school kaya naging hobby na lamang ang pagpipinta para sa kanya. Pareho din silang malapit sa kani-kanilang mga ina. Dahil sa mga ito sila pareho nakakakuha ng kakampi at suporta.
Ang papa nya, hindi ito approved sa relasyon nila ni James dahil wala raw syang magiging future sa piling nito.
Hindi lahat ng painter o artist ay nagkakaron ng fame, fortune & popularity. At si James ay isa sa mga yun. Idealist si James at kailama'y hindi nito isaksakkripisyo ang talento para lang kumita ng pera. Nagpi-paint lang ito pag nasa mood kaya madalang pa sa patak ng ulan kung makatapos ito ng isang painting at makabenta.Ngunit kahit ganun ay masaya sya sa piling nito. Pero mabilis na naputol ang kanilang pagmamahalan nang mamatay ito sa bangungot last year.
Natulog ito at hindi na nagising kailanman..Wala na nga si James. Patay na ito. At hindi na babalik pa sa kanya. Masakit mang tanggapin pero kailangan na nyang mag-move on.
"I don't know If I am over him. I just know life goes on at kailangan ko na ring mag-move on." sabi nya sa ina.
"Ganyan nga anak," nakangiting niyakap sya ng kanyang ina. "Pagpasenyahan ang daddy mo anak ha, alam mo naman yun."
"Kumusta naman yung lakad nyo nung si Elmo? "tanong nito pa nito.
"Okay naman po mom." sagot nya.
"Uhm.. Anak nabanggit ko na ba sayo na yung kapartner ng dad mo sa law office sine-set up ka sa anak nito?"
"What?! Don't tell me nag-agree si Dad dito?" gulat nyang sabi.
"I think so. nag-arrange ng date yung kapartner ng dad mo para sa inyong dalawa nung anak nya at pumayag na ang dad mo. Pagbigyan mo na ang daddy mo. I-meet mo yung anak ng kaparner nya ha?" pakiusap ng mommy nya.
Napabuntong-hininga nalang si Julie. Naisip nya si Elmo. Mula nang makilala nya ito wala itong ibang ginawa kundi pangitiin at pasayahin sya. Pero anong isinukli nya? Patuloy nyang inililihim sa binata hinanakit nya sa puso. Kailangan nyang i-sort out ang feelings nya.
Mas makakabuti kaya kung lalayuan muna nya ang binata?************
A/N: Ano sa tingin nyo guys? Dapat na bang layuan na Julie c Elmo?

BINABASA MO ANG
Meant To Be..My Destiny
FanficSerendipity.. Destiny.. OR.. Meant To Be? This is my second JuliElmo Fanfiction Story. Hope ya'll like it! ;-)