CHAPTER 27

401 17 1
                                    

TWENTY SEVEN

Tinitigan lang sya ng dalaga. Parang natauhan ito pero saglit lang. Kinuha nito ang bote ng alak mula kanya saka deretsong tinungga iyon.

"Whooo!! Now we can go home." sabi nito matapos tunggain ang alak.

Naiiling nalang si Elmo saka kinuha ang bill nila. Dudukot sana si Elmo ng pera sa wallet nya para impambayad sa bill nila pero pinigilan sya ni Julie."Hep! Ako ang nagyaya sayo dito. Kaya ako dapat ang magbayad!"

"Pero--" magprotesta pa sana  nya pero tinakpan ni Julie ng kamay nito ang bibig nya. Matapos nitong bayaran ang bill ay tumayo na si Julie. Babagsak sana ito sa sahig kundi lang nya maagap itong nasalo.

"Okay ka lang?" tanong nya.

"O--kay lang ako." sagot nito at mahigpit na kumapit sa braso nya.

"Dapat siguro uminom ka muna ng cold water." suhestiyon nya. saka luminga para hanapin ang waiter.

"No need. I'm okay na." pigil nito. "Ler's go."

Lumabas na sila ng resto-bar at tinungo ang parking lot. Inalalayan muna nya si Julie sa pagsakay sa kanyang kotse bago sya umikot sa driver seat. Inistart nya ang sasakyan.

"Where to? Saan ba ang bahay mo?" tanong nya habang hindi inaalis ang tingin sa daan.

Ilang segundo na ang lumipas pero di parin sumasagot ang dalaga kaya tumigin sya dito. Nahampas nya ang noo sa nakita. Tinulugan na naman sya ni Julie!
Ang masaklap pa hindi nito naibigay ang address nito sa kanya bago ito nag-pass out! Napabuntong-hininga nalang sya at deretso sa malapit na motel doon.

************
A/N: Hay naku.. Julie The Knock-out beauty!!

Meant To Be..My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon