CHAPTER 66

414 18 1
                                    

SIXTY SIX

After 3 years....

"Elmo, Son?"

Nag-angat sya ng tingin mula binabasang papeles at nakitang pumasok ang kanyang ina sa study room kung saan me tinatapos syang trabaho.

"O, Ma ba't gising ka pa?" tanong nya.

Umupo muna ito sa upuan sa harapan ng table bago sumagot. "Hindi ako makatulog, kaya papunta sana ako sa kitchen para kumuha ng gatas nang mapansin kong bukas ang ilaw dito. Ikaw, ba't gising ka pa? Pass twelve na ah!"

"I'll just finnish this then I'll go to sleep na." anya sa ina. Saka ibinalik ang atensyon sa papeles na binasa.

"You know son, I am proud of the man that you've become,"
napabaling ang tingin ni Elmo sa ina at nakita nyang nakangiti itong nakatingin sa kanya.

"sinong mag-aakala na yung dating Elmo na happy go lucky at walang pakialam sa mundo ay sya na ngayong presidente ng E-media Ad agency."

Oo sya na ngayon ang presidente ng kanilang kompanya. Sa nakaraang tatlong taon ay wala syang pinagkaabalahang iba maliban sa kanyang trabaho. Nakita ng papa nya ang kanyang pagsusumikap kaya after nyang maisarado ang mga deals sa ilang  malalaking kliyente ay ibinigay na nito sa kanya ang pamamahala ng kanilang kumpanya. Masaya naman sya dahil sa wakas ay nagbunga na rin ang kayang pinaghirapan, nakamit nya posisyong inaasam. But deep inside his heart there's an empty space. Space na tanging iisang tao lang ang makakapuno..

Si Julie.

It's been 3 years since magkahiwalay sila, pero hanggang ngayon ay di pa rin ito nawala sa puso at isip nya. Hindi din nya magawang magalit sa dating nobya kahit inamin nitong ginamit lang sya nito para makalimutan nito ang ex nito.
Sinusubukan din nyang hanapin ang dalaga, nagtanong- tanong sya sa mga kaibigan nito ngunit, walang makapagsabi kung saan ito nagpunta maski ang parents nito ay ayaw sabihin sa kanya kung na'san ang anak nila. Hayaan na lamang si Julie na makapag-isip.

"You're going to Paris diba?" pukaw ng ina sa pagmuni- muni nya.

"Yes Ma, this week po. Kaya nga tinatapos ko na mga dapat tapusin bago ako umalis."

Naghikab na ito. "Sya sige, akoy inaantok na. Good night, anak!" anito saka tumayo na.

Tumayo rin sya. "Good night, mom!" humalik sa noo ng ina saka umupo uli at bumalik sa ginagawa.

Papalabas na sana ito ng study room ng me maalala. Nilingon nito anak na busy parin sa trabaho.

"Son, do you still remember your Auntie Maggie?"

Napatingin si Elmo sa ina." Of course." Ito yung Auntie nyang matagal nang gustong makipagkita sa kanya at me ipapakilala raw sa kanya. Pero hindi matuloy-tuloy ang pagme-meet nila.

"She called me kanina. Naikwento ko na papunta ka sa Paris. I-meet mo daw sya bago ka umalis. Baka me gusto syang ipabili." kibit-balikat na sabi nito.

"Okay. Maybe I can squeeze it in on my sked." sabi nya.

Yun lang at lumabas na ang ina sa study room.

Tuloy naman si Elmo sa pagbabasa ng papales. Pero may naalala sya kaya tumigil muna sandali at binuksan ang drawer saka inilabas ang isang maliit na velvet box at kinuha sa loob nito ang diamond ring na napapalibutan ng mga malilit na emeralds.

"Where are you now?" malungkot na sabi nya habang nakatingin sa hawak na singsing.

TBC..

Sorry for the typo & grammar errors. :-)

Meant To Be..My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon