CHAPTER 4

522 19 0
                                    

The Lady's P.O.V.

Hirap na hirap syang bumangon sa kama. Masakit pa ang ulo nya. Sinubukan nyang tumayo, pero nahihilo parin sya kaya umupo nalang muna sya sa kama.

"Anong oras na ba?" tanong nya sa isip.

Tumingin sya sa relo sa side table at nakitang alas tres na ng madaling araw. Bumalik sya sa pagkakahiga. Pero napabangon uli at tumingin sa paligid nang mapansing hindi ito ang kwartong tinutuluyan nya.

"Oh, my God! na'san ako?" bulong nya. Saka nya naalala ang ginawa nya nang nagdaang gabi.

Hindi nya alam na ganun pala ang magiging epekto sa kanya ng alak. First time nya kasing uminom niyon.

Minamasahe nya ang kanyang sentido nang makarinig sya ng
lagaslas ng tubig mula sa banyo ng silid.

"Oh shoot! Me ibang tao sa banyo! Ano ba 'tong napasok ko? Was I raped?" tanong nya sa isip.

Pinakiramdaman nya ang sarili.
Wala namang masakit sa kanya at suot parin nya yung summer dress na suot nya kagabi, walang sira or anumang indication na winarak yon. Pati nga yung sandals nya suot parin nya hanggang ngayon. Ang ipinagtataka lang nya ay medyo mamasa-masa pa ang kanyang suot.

"Baka ire-rape ka palang. Kita mong naliligo na yung tao. Hala! baka nagre-ready na yun!" babala ng isip nya.

"Oo nga no?!" napalakas na sabi nya. Sa isiping yun ay napabalikwas sya ng bangon.

"No. this can't be! Magkakamatayan muna kami, bago nito mahawakan ni dulo ng daliri ko!" sabi nya sa isip.

Tumingin-tingin sya sa paligid.Naghahanap sya ng pwedeng ipanglaban sa taong nasa banyo. Nahagilap nya ang lampshade sa may side table.

"Pwede na 'to." sabi nya saka hinugot ang cord niyon.

Naulinigan nyang huminto ang lagaslas ng tubig sa banyo. Kinakabahan sya pero pilit nyang nilakasan ang loob. Dinampot nya ang lampshade at ine-ready ang sarili. Inabangan ang lalabas sa banyo.

Meant To Be..My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon