TEN
"Speaking of girls," agaw ni Jian sa pansin nila. "Tignan nyo yung girl sa banda dun oh. Yung nakatalikod. Wow! Sexy back pare! With a nice flowing hair pa na parang pang shampoo commercial. I bet maganda yan!" dagdag pa nito saka tumungga sa boteng hawak.
Tinignan ang babaeng sinasabi ni Jian. Nakaupo ito sa stool ng bar counter at mag-isang umiinom. Parang pamilyar sa kanya ang babae. Bigla nyang naalala ang babaeng naka-encounter sa beach resort nung isang araw.
"Lasing ka na Moe,"sabi nya sa sarili. "Kaya kung anu-ano na ang nakikita mo."
"Naku, baka hipon yan! You know, maganda ang katawan pero tapon ulo!" natatawang sabi ni Drake na namumula na sa kalasingan.
"Hindi, Bro, maganda yan. Buti pa, puntahan natin nang makilatis at makapagpakilala narin. Ano? tara!" yaya ni Lucho.
"Sandali," awat nya sa mga ito."Ano bang pinagtatalunan nyo?" lumilipad kasi ang isip nya kaya hindi nya maintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Lucho here is saying na maganda yung chick na yon o, " sabi ni Drake sabay turo sa babaing mag-isang umiinom sa may bar counter. "Sabi ko hindi, kaya pupuntahan namin para magkaalaman." sabi ni Jian.
Tinignan nya muli ang babae. "With you guys wasted? No way, Man! Baka mag-create pa kayo ng scene." sabi nya.
Sinohnong lashing?" tanong ni Lucho na namumula na sa kalasingan. "Kaya koh pha no! Shandali lhang at makikipaglala ako dun sha chick." akmang tatayo na ito nang biglang matumba. Pabagsak na bumalik ito sa kinauupuan.
Tumayo si Elmo. "Fine, ako na ang pupunta para malaman kung maganda nga o hindi at para matahimik na kayo." naiiling na sabi nya. Pare-pareho lang sila ng dami ng nainom; mas mataas nga lang ang tolerance nya sa alcohol at beer kaya matagal bago sya malasing.
"Shige nga, broh." sabi ni Lucho.
Naglakad sya patungo sa kinaroroonan ng babae. Naisip nyang gamitan nalang ang babae ng classic na pick-up line na. 'Miss, anong oras na?'' Baduy mang pakinggan pero efective parin.
Habang papalapit sya ay parang nagiging pamilyar ang nakatalikod na babae.
"Ah, excuse me!" panimula nya.
"What?" biglang humarap ang babae. Para syang binuhusan ng malamig na tubig nang makilala ang babae!
*********
A/N: Sorry sa typo & gramnar errors. :-)Vote..
Comment..
Thanks! :-)
![](https://img.wattpad.com/cover/64982046-288-k729679.jpg)
BINABASA MO ANG
Meant To Be..My Destiny
FanfictionSerendipity.. Destiny.. OR.. Meant To Be? This is my second JuliElmo Fanfiction Story. Hope ya'll like it! ;-)